Mga mumunting halik ni Althea ang gumising sa akin. Maliliit, magaan, pero puno ng init at lambing.
Para siyang may sinasabi sa bawat dampi ng labi niya sa balat ko, kahit walang kahit anong salita.
Idinilat ko ang kaliwang mata ko, inaantok pa, pero hindi na ako nagulat. Hinayaan ko lang siya. Hinayaan ko siyang halikan ako sa pisngi, sa ilong, sa gilid ng labi.
I stayed quiet. I didn't say anything. I just wanted to feel the moment.
That feeling of knowing that somehow, despite everything, we were still choosing each other in the middle of all the chaos.
I'm still sleepy. Pinagod at pinuyat niya ako last night!
"Baby..." she whispered.
I extended both of my arms to get a hug from her. Hindi ako nabigo. Lumapit siya at niyakap ako.
I'm still naked at siya, nakabihis na at medyo mainit pa yung buhok. Mukhang bagong paligo.
"Kailangan mo nang kumilos. Aalis na tayo." Hinahawi niya nang paulit ulit yung buhok ko habang ako, tamad na tamad pa rin. I don't even want to talk.
"Love...." she kissed my forehead.
Mas diniinan ko yung pagkakayakap sa kaniya. I really love her being this close to me.
"Two PM na, Mariz. You really need to wake up."
Sukat sa narinig, nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas. Shit! Two PM?
"Actually, quarter to three. Kanina after maligo ginising na kita. Nagpatuyo lang ako ng buhok."
Shit! Quarter to three? Ang plano kagabi, 8 AM, dadaan kina Mama tapos, by 9 AM aalis na kami at luluwas pa-maynila.
"Bakit hindi mo agad sinabi?" Hinampas ko siya sa hita.
"Syempre alam kong pagod ka."
With that, memories from last night played in my mind. Sira ulong Althea, 'to. Pagod na pagod ako!
"Maliligo lang ako..."
"Papaakyat ako ng pagkain. Hindi pa rin ako kumakain, eh." She scratched my bare back and gave it little kisses.
Tatayo na sana ako pero napahinto ako nang maramdaman ko yung kirot sa mga hita ko. Sa gitna.
"Shit ka, hindi ako makatayo!"
Tumawa siya at tumayo sa kama. Without saying anything, tinanggal niya yung kumot na nakaharang sa dibdib ko at binuhat ako. Dinala papasok sa cr.
Umupo ako sa saradong cubicle habang siya, inaasikaso yung shower.
"Sa baba na tayo kakain, ha?" Napatingin siya sa akin at tumango. "Hintayin mo na lang ako."
"Okay. Dito ka na."
Parang jelly yung nga binti ko nang nagsimula akong maglakad papalapit sa kaniya. Shit talaga! Ang hapdi.
Lumabas siya nang makita niya na kaya ko na. The warm water helped me to be more relax. Hindi ko alam kung gaano katagal akong naligo.
After taking a shower, mas magaan yung katawan ko at na kaya ko nang maglakad even without holding the wall.
Nagsuklay lang ako at hindi na nag blower. That will make too much time.
"Shit!" Napatalon ako sa gulat nang pumasok si Althea habang nag sisipilyo ako.
Walang salisalitang tinanggal niya sa pagkakasabit yung blower at sinimulang tuyuin yung buhok ko.
BINABASA MO ANG
I fell in love
General FictionHow can a few stolen moments ever be enough to last a lifetime? And if they are, would the ache they leave behind be worth it? This is a story of quiet love, heavy choices, and the kind of longing that never really lets go.
