"Damn!" Tarantang boses ni Althea ang gumising sa akin. Nanginginig ako sa lamig. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. She looks so worried.Hindi na ako masyadong nahihilo, nanginginig nga lang sa lamig. Sanay naman na ako na ganito yung nangyayari sa akin kapag nauulanan ako.
Hindi naman ako sobrang sensitive sa ulan, nasobrahan lang talaga kanina.
"A-Althea.." nauutal at halos pabulong na saad ko.
Our eyes met, mukhang kanina pa siya nandirito. Namamawis yung noo niya, patay ang aircon at may hawak siyang face towell.
"Anong masakit?" She asked. I smiled at her. Umusod ako ng konti para magka-space sa gilid ko. I want to sleep beside her.
"Mariz.... hindi ka pa kumakain." Sambit niya bago mag iwas ng tingin.
"Mag bihis ka muna, nakahubad ka." Saad pa niya bago bumaba sa kama. "Iaakyat ko dito yung pagkain mo. Iiinit ko na lang muna."
"Dito ka lang." She turned around to face me as I said that.
"You need to eat." Kita ko ang pag tanggi sa boses niya. Alam kong gusto niya kumain ako, pero kasi, hindi naman ako nagugutom. Besides, I'm fine now. Mas gusto ko siyang maka-tabi.
"Mamaya na lang." Umupo ako. "Please, dito ka muna." I showed her my sweetest smile. Sana mag work...
"Haaay, kakain ka mamaya, okay?" She said as she went back to bed. Umupo siya sa harapan ko.
"You scared me..." tinitigan niya ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nag alala. That made me feel happy. Concerned siya.
"I'm fine now." Sagot ko na lang.
Hinayaan ko na rin na bumagsak ng kusa yung kumot sa pag takip ko nito sa dibdib ko. Brassiere lang ang suot ko, kitang kita ang makinis at may saktong sukat kong dibdib, pero ganun pa man, hindi naalis ang titig ni Althea sa mga mata ko. Ni hindi man lang nawala ang titig niya sa akin.
"I was about to call you para pag lutuin ka ng dinner, but when I came in, nakahiga ka dito sa kama mo. Hindi ko alam kung anong ginagawa mo. Hindi kita napansin kasi buong katawan mo nakapasok sa kumot..." her voice cracked. "Nanginginig ka. Sobrang nilalamig ka. Tapos... tapos... hindi ko alam gagawin ko." tears slowly fell from her eyes.
Pinunasan ko yung mga luhang lumandas mula sa mga mata niya.
"I'm fine now..." I said, almost a whisper. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag alam mong may nag aalala sayo.
"Kasalanan ko kung bakit ka nag ka sakit, e. Naulanan ka dahil sa 'kin. You shouldn't have ran in the rain, Mar—"
"As much as I want to kiss you right now, hindi pwede. Mahahawa ka sa sakit ko. I'll be fine. Ganto talaga ako kapag nauulanan. Sanay naman na yung kat—"
She stopped me by crushing her lips onto mine. Damn. Her lips are addicting.
For the nth time, pinaramdam niya na naman sa akin na importante ako.
"Mag bihis ka na." Medyo namumula niyang saad.
Hmm, why not tease her?
"Why? Ayaw mo ba?" I huskily said.
"Damn." Mahinang bulong niya kasabay ng pag iwas niya ng tingin. "Please."
"Don't you want to stay with me looking like this?" Saad ko pa.
Tinanggal ko yung mahabang buhok ko na nakaharang sa dibdib ko. Iniligay ko 'yon sa likuran ko. Napansin ko naman yung pag masid niya sa mga kilos na ginagawa ko.
Dahan-dahan kong iniangat yung kamay ko at inilagay ko 'yon sa batok niya, slowly, I rubbed it.
"Ang kulit mo." Hindi ko mapigilan yung pag kawala ng mahinang tawa. Halata yung pag pipigil sa kanya.
Lumapit siya sa akin at pinaulanan ng halik yung buong mukha ko. Hindi niya ako hinalikan sa labi.
"Mag bihis ka na. Iaakyat ko rito yung pagkain mo." Bumaba siya sa kama at tumayo.
Gusto ko pa sana siyang pigilan pero mukhang hindi na 'yon gagana.
Natawa na lang ako nang makalabas na siya. Narinig ko pa kasi yung mahinang pag mura niya nang nasa tapat na siya ng pinto.
"Kahit sabaw lang muna..." nadismaya pa ako ng bahagya dahil sa pagkaing inihatid niya, instant noodles. "Sorry... hindi talaga ako marunong mag luto." She looks so adorable when she said that.
Pinainom niya ako ng gamot pag tapos niya akong pakainin.
"Masyado mo akong bine-baby.." hindi naman sa nag rereklamo, pero, paano kapag nasanay ako?
"Ayaw mo?" She laughed. " baby naman talaga kita."
Pinaningkitan ko lang siya ng mata bago bumangon. Mukha namang nakapag linis na siya ng katawan.
Hindi ko na tinakpan yung katawan ko. Naka underwear lang ako papuntang closet. Kumuha ako ng loose shirt at nag bihis sa harap niya. Nag sipilyo rin ako bago bumalik sa higaan.
Agad siyang nag sumiksik sa akin nang makabalik ako sa pag kakahiga. Gustong gusto ko talaga kapag ganito siya kalapit sa akin. Nagwawala yung mga nerves ko but it feels so good.
Kinuha niya yung cellphone niya at ilang ulit kaming nag selfie doon.
Kinaumagahan, tuluyan nang nawala yung sakit ko. I'm better now.
Aalis kami ni Luke mamaya, at sa pagkakahimbing ng tulog ni Althea ngayon, nag dadalawang isip ako kung aalis pa ba ako o hindi na. Paano ba naman kasi, nakapulupot at halos unan at kutson niya na ako.
Sabay kaming kumain ng tanghalian ni Althea. Ipinag luto ko siya. Marami kaming napag usapan. May pupuntahan daw siya ngayon. Mag o-audition sa isang magazine company as photographer.
Nag sabi ako sa kanya na aalis kami ni Luke. Hindi naman siya sumagot, ngumiti lang. sinabihan niya akong mag ingat nang sabihin kong baka matagalan kami.
Kinahapunan, umalis kami ni Luke. Sinundo niya ako sa bahay. Binati niya si Althea pero umalis rin kami agad. Hindi na sila nag usap pa. aalis rin kasi si Althea.
Nag mall, namasyal, nanood ng sine at kumain ng sabay sa Resto namin. Yung usual routine namin every dates. Ni hindi kami makapag try ng bago. Paano? Palagi siyang may gawain.
As usual, siya ang nag bayad sa lahat, at katulad rin ng nakasanayan, vibrate nang vibrate yung phone niya. Busy siyang tao, pero may times naman na kailangan niya ako bigyan ng oras, pero kahit na ganon, hindi ko siya ma-solo.
Gabi na pero mag kasama pa rin kami. Kumain na kaya si Althea sa bahay?
We've been together for almost three years, madalas din kaming mag date. Pero ngayon lang yata ako nabored at na-excite umuwi mula sa date namin.
Ano bang nangyayari sa kin?