Chapter 27

4.4K 106 3
                                        



Unti-unting nag alisan yung mga tao. May ibang bumalik sa mga inuupuan nila, may iba naman na katulad namin, nag stay lang sa tubig.

Kanina pa kami kuha nang kuha ng litrato. Lalo na si Althea. Parang hindi nagsasawa sa mukha ko. May mga pictures kami together pero mas maraming picture na ako lang.

Ngayon lang yata siya tinamaan ng pagod tapos nagyaya pa agad na maligo.

I pulled Althea closer to me. She looks so amazed by the sunset. I moved a little and hugged her from the back. Inilagay ko yung baba ko sa balikat niya.

Sabay kaming umahon at pinagpatuloy yung pagnood sa pag lubog ng bilugang araw.

The salty breeze blew our hair. I looked at her with so much amusement in my eyes. The orange light from the sun is making a reflection in her brown eyes.

Gustong gusto ko siyang halikan pero syempre, hindi pwede. Napayuko ako at hinawakan yung kamay niya. Kasama namin si Lance.

Kaming dalawa lang naman talaga dapat. Mom told us that we might need Lance. Hindi naman namin kailangan pero hindi rin naman ako makatanggi kay mama.

I looked at her small face. Ang haba talaga ng pilikmata niya. Tapos yung ilong, yung labi, lahat na lang. Ang ganda ganda na, binigyan pa ni Lord ng mabuting puso.

Naputol ang pag iisip ko sa kung anong bagay nang magsalita siya.

"Stop staring, Mariz." Hinigpitan niya yung pagkakayakap ng mga braso ko sa katawan niya.

"Huy!" Napaatras siya at napalingon. "Baka makita ni L—"

I pouted and tried to give her a cute expression. "Ayaw mo sa kiss ko?" I pouted my lips even more.

"No. Of course not. Natatakot lang ako na makita niya tayo kasi di ba? You told me that you're not yet ready to let your parents know?" Hinawakan niya ang dalawang balikat ko.

Inirapan ko siya at ngumiti. Hinalikan ko siya ulit.

"Kila Mama, nagtatago tayo. Pero kay Lance," I kissed her again and intently, I looked at her as I said the words that I really want to say. "Wala naman siyang say sa kahit na anong gagawin natin. Sasabihin din natin sa bahay kapag ready na tayo, kapag ready na sila."

"Hindi naman kita minamadali," she smiled.

"I know." Hinalikan ko lang naman siya kasi alam kong wala si Lance.

I don't know how long we stood in the shore just watching the sun goes down. That looks magical. It feels so unreal. Planting soft and little kisses on her shoulder, not minding everyone, letting the soft wind touch our faces, feel our love for each other even without saying it... everything.

Naupo kami sa gilid at pinagmasdan yung dagat.

Buhay na buhay yung mga alon ng dagat. Hindi ganon karami yung mga tao kaya mas naaappreciate ko yung tanawin. The fact that Althea is here, peaceful at perfect na. Bonus na lang yung view.

Althea started rubbing my arm. "Balik tayo dito, ha?" Malambing niyang saad. "Ang ganda dito."

"Gumanda lang naman dito kasi nandito ka," nakangiting saad ko. Tinignan ko siya at muling nagsalita. "Sorry sa mga shortcomings ko, ha?" I slightly smiled.

"Wala ka namang dapat na ika-sorry. Sometimes, may mga bagay talaga na kahit hindi natin gusto, nangyayari."

Napalunok ako ng laway habang nakatitig sa kaniya. I badly want to kiss her. Like, the real kiss.

I fell in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon