"You're finally back!" Hindi ko alam kung pagod ba si Jane o nasurpresa sa pag pasok ko."Goodmorning!" Pag bati ko na may kasamang ngiti bago humaik sa kanya.
"Goodmorning, Mariz." She hugged me for a bit before tapping both of my shoulders.
"Punta na ko sa office ko, ha?" Tango lang ang response niya kaya tumalikod na ako.
"Nga pala,"
Huminto ako nung hawak ko na yung doorknob ng office niya.
Hinarap ko siya at pinag taasan ng kilay.
"I forgot to invite you last night." Pumipikit pa ang isang mata niya nang sabihin niya 'yon.
"I mean, hindi talaga kita ininvite. I was with Althea last night. Nasa Pob kami."
"Makati?" Ano namang ginawa nila don? Nambabae? "Okay." Tumango ako at humakbang na palabas nang muli niya akong pigilan.
"She was with someone. Sabi niya katrabaho daw. Ewan. Gusto lang kita i-inform."
"Nathalie ba pangalan?" Isinara ko ang pinto at muling lumapit sa kanya.
"Nope. Stella." She picked up the banana on her table and started removing its skin.
"Oh," hindi ko na alam ang idudugtong ko.
Ayaw kong mag mukhang may pakialam pa kay Althea ga'yong hindi ko siya pinag bigyang mag salita regarding sa news last month.
"Alis na ko." Tumalikod na ko ulit at nagsimulang maglakad.
"Didn't know she would recover that fast, tho." Her words stopped me from walking out. "Kinausap ko siya. She explained her side."
"Wala namang dapat ibigay na chance sa cheater. That was her ex, tho. Anong inexpect niya? Palakpakan ko siya?" Umirap ako at umupo sa upuan sa tapat ng table niya.
"Pinsan kita kaya mahal kita. But you really need to actually hear her side of the story. Alam mo naman ang media."
"Whatever. Para saan pa? Okay na ko. Okay na okay na. Kung saan siya masaya, edi doon siya. Basta walang pakeelamanan. Bahala siya, bahala rin ako." Umirap pa ako dahil sa inis na nararamdaman ko.
Talagang ganon niya ako kabilis napalitan?
Papromise promise pa siyang ako lang ang mamahalin niya.
"Sabagay. Mukha naman ding okay na si Althea. She seems good last night. Inihatid pa 'yong kasama niya."
"Good for her..." imbis na galit o inis, katulad ng kanina. Iba ang nararamdaman ko ngayon.
"Sana kahit friends maayos niyo. By the way, sabi niya ilang araw na siya pabalik palik doon sa bar. I don't know. Nag babar hopping yata tapos palaging kasama yung doon sa Makati."
"Saan ba sa Poblacion?"
"Foamluxe. Yung doon sa rooftop ng—"
"I know that place."
"Yeah? She told me to invite you, eh. Naisip ko lang na ayaw mo pa siyang makita kaya hindi ko ginawa." Binuksan niya ang laptop niya. "Anyways, sabay tayo mag lunch?"
"Nope. Uwi ako before lunch eh. Mag aayos ng mga gamit. You know, matagal tagal rin akong nawala." Ngumiti ako at tumayo na. "Oo nga pala, text her about my things. Gusto ko nang makuha, eh." Nakangiti ko pa ring saad.
"Hindi na pala." Pigil ko nang damputin niya ang cellphone niya. "Ako na mag tetext. Ang panget tignan kung hindi pa ako ang mag text. Baka isipin niya di ako makamove on." Umirap ako at inilabas ang cellphone ko.
