Chapter 33

4.2K 121 7
                                        

The days that followed felt quiet but steady. Althea was fully immersed in her routine, juggling photoshoots, editing sessions, and responding to a steady stream of new offers.

She was in her zone, always out capturing moments with her camera, moving from one project to the next with barely a pause.

Meanwhile, I had my own share of busy days too. I was managing the family business and the other ones that are about to open.

There were early mornings spent checking inventory, long hours making sure everything ran smoothly, and constant interactions with both staff and customers.

"Good morning," Althea kissed my shoulder after saying that. Bumangon siya at nag punta sa banyo.

Binitawan ko ang cellphone ko at isinayad ang likod sa kama dahil nakatagilid ako patalikod kay Althea kanina.

My phone beeped the same exact moment when Althea got out of the comfort room.

It was a text message from Jane. Pauwi na raw siya. Galing siyang Hong Kong kasama 'yong babaeng hinahanap niya nitong mga nakaraang buwan.

"Get up and take a shower, love. Sabay na tayong kumain sa baba."

Soot ang roba, lumapit siya sa akin at tinulungan akong bumangon sa higaan. Para akong pagod na pagod na ewan.

Wala naman akong ginawang magiging dahilan ng kapaguran ko pero bigat na bigat ako sa katawan ko.

"Ihahatid mo ba ako ngayon?" Dumiretso ako sa closet para mag hanap muna ng maisusuot. "Or sabay lang tayo kakain then you'll go straight to your work?"

Lumapit siya at yumakap mula sa likuran.

I am in my underwear and there's nothing to be uncomfortable about.

"Ihahatid kita today. Doon gaganapin ang go-see sa Diamond hotel malapit sa Robinsons. Ang alam ko, may after party pa."

Iniyayos ko sa pagkakasampay yung susuotin ko at humarap sa kaniya.

"Anong oras kang makakauwi?" She kissed my left cheek. "Late na?"

"Nope. Hindi na ako sasama doon sa after party. Hindi naman required yon, baby."

"Maliligo na ako. Paki ayos na lang yung almusal natin."

Tumango siya at lumabas habang soot pa rin yung roba. Magbibihis yon pagtapos sa baba.

Hindi na ako nagulat nang makita ko na may pahid ng dugo yung underwear ko. Patak pa lang yon kaya paniguradong kasisimula lang talaga ngayon.

No wonder, naiirita ako pati sa mga maliliit na bagay nitong mga nakaraang araw.

"Meron ako," bungad ko kay Althea nang pumasok siya saktong nagsusuot ako ng blouse.

"Sabi na, eh. Kahapon naramdaman ko na yan na malapit ka na." Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi. "Do you want anything?" Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Wala naman," walang ganang naupo ako sa kama at tinignan siya.

"Any cravings?" Tanong niya ulit.

"Wala nga." Umirap pa ako. Kasasabi ko lang.

"Okay, okay." Nagpakawala siya ng mahinang tawa at tinitigan ako. "Sungit nito," tinabig ko yung kamay niya nang sinubukan niya akong kurutin sa pisngi.

"Make up ko, ano ba?" Mahina kong saad.

"Nakaayos na yung umagahan natin. Umakyat lang talaga ako para sabihan ka."

Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos sabihin yon.

"Susunod ako," dinampot ko yung phone ko tapos hinayaan siyang maunang lumabas.

I fell in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon