CHAPTER 27

192 12 0
                                    


Yuju P.O.V

Nandito kaming lahat sa hospital pero si eunha at joy umuwi sila kukuha daw sila ng mga gamit ni yerin. si sinb nasa tabi ng kama na hinihigaan ni yerin nakahawak sya sa kamay ni yerin habang mahimbing natutulog. ang sabi ng doctor okey na daw sya pero wag lang daw sya bibigyan ng stress o kinakailangan nya lang na magpahinga. baka sakali daw lumala ang amnesia nya at tuluyan na syang makalimot


natatakot kami sa kalagayan ni yerin paano pag nakalimot sya lalo or di kaya bumalik ang alaala nya at magagalit sya samin dahil hindi namin sinabi sa kanya ang tungkol sa amnesia nya.

pero ang mas kinatatakot namin ay ang tuluyan ng hindi magkaayos si yerin at sinb.

tumayo ako at lumapit kay sinb.

“sinb bibili lang ako ng makakain natin, dito ka lang ah.” sabi ko habang tinatapik sya.

tumango sya at tumingin kay yerin. nakikita ko sa mga mata nya kung gaano sya nagaalala kay yerin at alam kong sinisisi nya ang sarili nya sa nangyayari ngayon.

“ alam kong iniisip mong sinisisi mo ang sarili mo, sinb wag mong sisihin ang sarili mo wala kang kasalanan.” saad ko habang nakatingin sa mga mata nyang punong puno ng lungkot.

ngumiti sya pero alam kong isang pilit na ngiti lamang iyon. lumabas na ako at naisipan kong magpahangin muna sa labas bago ako bumili. Sana hindi na lang nangyari to at sana bumalik ang lahat sa dati yung araw na masasaya kaming lahat at walang problema o sakit na nararamdaman.

tumalikod at para pumasok at pagtalikod ko saktong may nakabangga akong lalaki nahulog ang dala nyang mga libro tinulungan ko sya pulutin ito saktong pagpulot ko iisa na lang ang natira pero sabay pa namin itong nahawakan kaya ending kamay ko ang nahawakan nya napatingin ako sa kanya at ganun din sya.

omagad, ang gwapo...

“ sorry...” sabay naming sabi.

spell awkward...

K-A-M-I

binigay ko na lang sa kanya ang libro at umalis na pumasok ako sa may canteen ng hospital at dun bumili ng makakain namin ni sinb.

pero bat ganto ang bilis ng tibok ng puso ko sa kanya...

siguro normal lang to... hmmm... bahala na...

-----


Eunha P.O.V

pagdating namin ni joy sa bahay dumeretso kami sa kwarto ni yerin. napatingin ako sa kwarto nya sobrang linis, sobrang ayos ng mga gamit, at kahit ang mga lago nya nakatupi pa ito.

ibang iba talaga si yerin napakamasinop sa gamit, napaka bait at mapagmahal pero di nya deserve masaktan.

gusto kong magalit kay sinb pero naiintindihan ko sya atsaka kaibigan ko sya at di lang kaibigan isa sa sya sa pinakamamahal ng kapatid ko kaya kung sino ang mahal ng kapatid ko mahal ko na din.

“ eunha...” nabalik lang ako sa wisyo ko ng tawagin ako ni joy.

“hmm.. bakit?.” tanong ko habang inaayos ang gamit nya.

“napagisipan kong isama si yerin sa seoul...” sabi nya. napatingin ako sa kanya ng deretso.

“ para narin sa ikabubuti nya bukas na bukas na ang flight ko pabalik dun kaya kailangan ko ng desicion mo... kung pwede kung isama si yerin hindi lang para sa alaala nya pati nadin sa pangako ko sakanya na pagtapos ng gulong to tutulungan ko syang makalimot...” paliwanag nya.

napaisip ako sa mga sinabi nya. may point sya pero paano si sinb makakaya nya bang tanggapin yun.

“ hindi...” saad ko.

“ pwede mong tupadin ang pangako mo kay yerin pero hindi sa paraan na pwede mo syang ilayo samin. nandito kami nila yuju magtutulungan tayo dyan hindi lang sa ikaw mismo ang gagawa.” sabi ko.

nagbuntong hininga sya at pinagpatuloy ang ginagawa nya.sorry joy alam kong gusto mo lang tulungan si yerin pero naniniwala akong maaayos ang lahat at naniniwala ako na mababalik ang dati.

*

*

*

HALLOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO BERMONTHS NA PERO HANGGANG NGAYON DI PARIN NAGIGING SI SINB AT YERIN DIBA!?.

HAHAHAHA JOKE LANG PERO DON'T WORRY DI LANG YAN ANG PINAKAHINIHINTAY NYO... SEE YOU THERE.

THANK YOU SA PAGBABASA AT PAGSUSUPORTA... DONT FORGET TO VOTE PLSSSS THANK YOUUUUUUUUUU...........

*

*

*

*

*

 

SOMEDAY *SINRIN* (Gfriend) [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now