Chapter 23 First Night

1.2K 58 10
                                    

23: First Night

 «Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 



Jassy's POV

"Are you okay?" Tanong ni Kiel sa akin habang naka-upo kaming dalawa sa likuran ng sasakyan. Lumingon ako sa kanya at tumango.



"Are you nervous?" Tanong niya ulit sa akin. Ngayon, naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"No, I'm fine." Salungat na sagot ko sa totoong nararamdaman ko ngayon.



Oo, kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil ito ang unang gabi na magkasama kami ni Kiel. Oo, dati nagkasama na kami sa iisang kwarto at magkasama kaming natulog. Pero alam ko iba ngayong gabi. Hindi naman sa nagiging sobrang conservative ako, pero natatakot lang talaga ako eh.

Dahil ito ang first ko.



"Hey..." Tawag niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap niya ako sa kanya. Inakbayan niya ako tsaka linapit sa kanya. Pinatong ko ang ulo ko sa kanyang dibdib habang pinapakalma ko ang sarili ko.

"Nandito na po tayo, Ma'am and Sir." Sambit nung driver sa amin. Tumango si Kiel at inalalayan akong bumaba.



"Salamat, Manong. Padala na lang sa bahay 'tong kotse." Sambit ni Kiel sa driver nila. Tumango si Manong Driver tsaka umalis.

Tinulungan naman ako ni Kiel makalakad. Mabigat na ang gown ko at masakit na rin ang mga paa ko. Habang papasok kami sa loob ng bahay. Napahiyaw ako nang bigla akong buhatin ni Kiel. Agad akong napahawak ng mahigpit sa kanyang leeg.



"Masakit na ang paa mo, kaya bubuhatin na kita. At tsaka, ito naman ang palaging ginagawa ng mga mag-asawa kapag papasok sila sa bagong bahay nila habang bagong kasal sila?" Sambit niya sabay ngiti sa akin. Naglakad na kami papasok ng bahay namin.

Linapag ako ni Kiel sa sofa at naglakad siya papuntang kusina. Inabutan niya ako ng isang baso ng tubig tsaka lumuhod sa harapan ko. Tinaas niya ang ibabang parte ng gown ko at hinawakan ang paa ko.



Dahan-dahan niyang kinalas ang sandals ko at linagay iyun sa gilid. Bahagya rin niyang minasahe ang paa ko. Tumingala siya at nagtama ang mga mata naming dalawa. Sa hindi malaman na dahilan, umusbong ang kakaibigang damdamin sa aking puso.

Para akong matutunaw sa tingin ni Kiel sa akin. Naramdaman ko ang pag-angat ng kamay niya sa aking bewang papunta sa aking braso. Umangat siya at linapit ang mukha sa akin. Nakita kong nag half-open ang bibig ni Kiel at ganun din ang akin.



Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang labi ni Kiel sa labi ko. Mabababaw na halik lang ang ginawad niya sa akin. Naglakbay naman ang kamay niya galing sa braso ko papunta sa aking likuran. Hinawakan ko ang leeg niya at ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa kanyang buhok.

"Kiel~" Dapat ay sisitahin ko siya dahil pakiramdam ko malalaglag na ang puso ko sa kaba, pero ibang tono ang nailabas ng aking bibig. Agad siyang humiwalay sa akin. Napalunok naman ako.



Nakita kong puno ng init at pag-aapoy ang mga mata ni Kiel. Mas lalo naman akong kinabahan. Hindi na naghintay pa ng pasko si Kiel at agad niya akong binuhat paakyat sa kwarto namin. Hindi naman ako nakapalag nang i-upo niya ako sa aming kama.

"Mahal kita, Jassy. Mahal na mahal kita to the point na kaya kong magtiis kung hindi ka pa handa. Sabihin mo lang, pipigilan ko ang sarili ko." Seryosong sambit ni Kiel habang nakaluhod sa harapan ko.



Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon