Chapter 17 Insecurity

1.2K 53 15
                                        

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 

17: Insecurity

Ilang minuto rin kaming nagyakapan ni Kiel. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil nagka-ayos na kaming dalawa. Masaya ako, at nandito si Kiel sa tabi ko. Nandito siya sa mga oras na kailangan ko ng masasandalan. Kaya nakampante akong hindi ako mag-isa.

"May bisita ka sa baba. And I think we should go now." Sambit ni Kiel habang nakayakap sa likuran ko. Tinagilid ko ang ulo ko para makita siya pero tumama lang ang pisngi ko sa labi niya.



"Sino naman?" Tanong ko. Hinarap lang niya ako sa kanya. Tiningnan niya ako ng diretso.

"You will see. Let's go." Sagot niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto ko.



Hindi pa sana ako bababa dahil wala pa ako sa mood. Habang pababa kami ni Kiel sa hagdan. Nakita kong nasa sala silang lahat. Nandoon si Mama, Kuya Joshua, Ate Dianna at si Papa. Natigilan naman ako nang makita ko ang tatlong bisita na sinasabi ni Kiel.

"Jassy, anak, nandito ka na pala." Bati ni Mama sa akin nang makita niya ako. Lumapit siya sa kanya para yakapin ako.



"May gustong kumausap sayo, nak." Sambit ni Papa sa akin. Tiningnan ko lang si Papa bago ko binaling ang tingin ko kina Cary, Pete at Ate Helen na nakaupo sa sofa namin.

"Magandang Umaga ho." Bati ni Ate Helen sabay bow kina Mama at Papa. Bumaling naman ng tingin si Ate Helen sa akin. "Magandang umaga rin, Ma'am Jassy."



Hindi ko alam kung bakit nandito sila. Hindi nila nasabi sa akin ang pagpunta nila dito. Naalala ko ang reaksyon nina Cary at Pete nung diniin ako ni Melisa sa pagkawala ng red folder. Napatingin ako sa kanila at ganun din sila.

"Good Morning po sa inyo." Sabay na bati nina Cary at Pete sabay iwas ng tingin sa akin.



"Ano po ang sadya natin?" Nakangiting tanong ni Mama sa kanila. Napayuko na lang ako.

Nandito ba sila para sisihin ako? Para itanong kung nasaan ang red folder ni Sir Artur? Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako kapag naiisip kong mangyayari yun, kapag sinumbatan ako ng mga taong malapit sa puso ko. Hindi ko ata kaya yun. Hindi ko makakaya...



"Nandito po kami para..." Panimula ni Ate Helen. Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin.

"Para tulungan si Jassy." Dugtong ni Ate Helen na kinagulat ko kaya napatingin ako sa kanya ng matagal.



"Alam ko, Ma'am Jassy hindi niyo yun magagawa. Hindi niyo magagawa ang binibintang nila sa inyo. Dahil hindi iyun ang Jassy-ing nakilala ko at ang Jassy-ing tumulong sa akin." Sambit ni Ate Helen sa akin.

Para naman akong yelong biglang natunaw. Gusto ko na lang lumuha. Lumuha sa sinabi ni Ate Helen. Naniniwala siya sa akin. Naniniwala siya sa aking hindi ko ginawa ang binibintang nila!



"Maraming Salamat kung ganun. Pero bakit po ba pangalan ng anak ko ang nadudumihan sa mga oras na 'to?" Sagot ni Mama sabay liningon kina Ate Helen.

"Hindi ko rin po alam, Ma'am. Kilala pong mabait at madaling lapitan si Ma'am Jassy. Kaya hindi po ako makapaniwala sa binibintang nila kay Ma'am Jassy. Pasensya po sa nadulot ng kompanya sa anak niyo." Sagot ni Ate Helen tsaka yumuko kay Mama para humingi ng pasensya.

 

"Talaga! Kailangan humingi ng boss niyo ng kapatawaran sa kapatid ko. Hindi niya kamo alam ang pinagdaan ng kapatid ko sa pang-aalipusta at pambibintang nila!!" Biglang tumayo si Kuya Joshua. Namumula siya sa galit.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon