Chapter 34 Out of town

360 13 1
                                    

34: Out of town

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Labis ang sayang aking nararamdaman habang nasa loob ako ng sasakyan at nagmamaneho si Kiel. Hindi natuloy ang out of town namin ni Kiel dahil sa nangyari, kaya ngayon na okay na ulit kami, napagplanuhan naming dalawa na ituloy ang naudlot naming out of town.

Nagdownload si Kiel ng mga kdrama kaya hindi ako masyadong bored sa ilang oras naming biyahe. Minsan gusto ni Kiel na manood pero sinisita ko siya. Nagmamaneho siya kaya hindi pwedeng malibang siya sa panonood.



"Baby, focus on the road wag sa kdrama." Sita ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya at ang paghawak niya sa kamay ko. Liningon ko siya habang nakakunot ang noo ko.

"Hindi naman ako na di-distract sa pinapanood mo, dito ako na di-distract." Sagot niya sabay nguso sa legs ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko at hinampas ang braso niya.



"Ang manyak mo talaga!" Sigaw ko habang hinahampas ang braso niya. Natatawa lang siya habang hinahampas ko ang braso niya.

"Why? You are mine, at tsaka nahalik-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa kamay kong nakatakip sa bibig niya.



Napa-iling na lang ako at natawa sa kakulitan ng asawa ko. Nagpatuloy lang kami sa biyahe hanggang sa makarating na kami sa La Union. Ilang sandal din akong napatitig sa may bintana, ang ganda ng view at first time ko makarating dito tapos kasama ko pa si Kiel.

Bumaba na kami ni Kiel at nag check-in na sa hotel na pina-reserve ng asawa ko. Nag-ayos muna ako ng gamit namin habang may inaasikaso naman si Kiel na work related. Liningon ko siya at nakita kong seryoso siyang nakaharap sa laptop niya.



Ngumiti ako at kumuha ng isang basong tubig bago naglakad papunta sa kanya. Hindi niya ako napansin kaya umupo ako sa tabi niya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa hita ko pero nasa laptop pa din ang mukha niya.

"Uminom ka muna ng tubig, Kiel." Sambit ko sa kanya at linahad ang baso ng tubig na dala ko.



Kinuha niya ang tubig at uminom doon. Sinilip ko ang laptop niya at kumunot ang noo ko.

"Anong gingawa mo?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Kiel sa baywang ko.



"Sorry, baby. I know baby time ngayon, at naka out of town tayo. But Katelyn needs help sa company. Tapusin ko lang 'to, baby. Then we can go out." Sagot ni Kiel sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya.

"No problem, I can wait naman." Sambit ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti din siya tsaka hinawakan ang pisngi ko.



"That's why I love you so much." Sambit niya bago hinalikan ang labi ko.

I closed my eyes and feel the lips of my oh so hot husband. Naramdaman ko ang paghawak ni Kiel sa likod ko pababa sa baywang ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. It still feel like it's my first time.



"Shit, baby..." Si Kiel ang unang lumayo at bumitaw sa halikan namin. Bigla namang nag-init ang pisngi ko.

"I need to finish my work, pero parang hindi ko magagawa ah." Natatawang sambit niya habang diretsong nakatingin sa akin.



"Bakit naman? It looks important." Nahihiyang tanong ko sa kanya.

Naramdaman ko ang kamay ni Kiel sa hita ko pataas sa bewang ko, na napunta sa braso at leeg ko habang papalapit siya sa akin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil nang-aakit ang mokong na 'to. Pumikit ako at hinintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko, pero bumulong lang siya sa akin.



Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon