Chapter 47 Wish

139 6 1
                                    

47: Wish

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


"Abangan natin yung shooting star?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Bago ako sumagot sa pag-aaya ni Drake, bigla kong naalala ang panahong naging kami ni Drake. Napangiti ako habang inaalala ang mga iyun. Naalala ko, hindi pa ako makapaniwala dating boyfriend ko si Drake nun dahil crush ko lang siya nung una at kahit na hinahangaan ko lang siya nun, na-heartbroken din ako ng slight sa kanya. Hays, teenage days nga naman ang tunay na plot twist ng buhay natin.

"Sure," Nakangiting sagot ko sa kanya at tinanggap ang kamay niya.

Lumapit kami doon sa kahoy na parang grills para hindi tuluyang malaglag ang mga taong dudungaw doon mula sa itaas.

Pareho kaming nakatingin ni Drake sa langit at tila ba naghihintay kami ng shooting star. Yinakap ko naman ang sarili ko dahil sa hanging dumadampi sa balat ko.

"Natandaan mo pa ba yung tanong mo sa akin nung isang araw?" Tanong ni Drake sa akin. Napalingon ako sa kanya.

"Tanong ko?" Inisip ko kung ano ang tanong kong tinutukoy ni Drake.

"Kung kamusta na kami ni Brianna..." Sambit niya. Napatango ako nang maalala ko ang tanong na tinutukoy niya.

"Oo, naaalala ko. Bakit mo naman natanong?" Ako naman ang nagtanong sa kanya. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at tumingin siya sa malayo.

"Gusto mo bang malaman ang sagot?" Tanong niya sa akin. Naiilang naman akong tumawa.

"Kahit hindi na, sigurado naman akong maayos kayo ni Brianna-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Hindi kami maayos ni Brianna." Pagputol ni Drake sa akin. Gulat akong napalingon sa kanya.

"Hindi na kami naayos." Dugtong pa ni Drake na labis kong ipinagtaka.

"Hindi na naayos?" Pag-ulit ko ng sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Nung lumipat ako sa State para makasama siya at si Lian, mga una at dalawang taon maayos pa kami. Masaya si Lian sa piling ko, tinuring ko siya bilang tunay na anak ko kahit na hindi ko siya kadugo. Sinasabi ng iba, bakit ko pa daw tinanggap si Brianna eh naanakan na siya ng iba. Kapag may mga nagtatanong ng ganun tungkol kay Brianna, hindi ko mapigilang hindi magalit at manakit. Tinanggap ko si Brianna kahit na may anak siya dahil alam kong mahal ko siya. Pati si Lian, na anak ni Brianna, tinanggap ko. She was my first love..." Kwento ni Drake habang nakatingin pa din sa malayo. Nakatingin lang ako sa mukha niyang naka side view at nakikinig sa kwento niya.

"She was my first love before you came into my life." Dugtong ni Drake at sa pagkakataong ito lumingon siya sa akin kaya agad na nagtama ang mga mata naming dalawa.

Nakaramdam naman ako ng ilang kaya umiwas ako sa mga mata at tingin ni Drake.

"Anong nangyari pagkayari ng dalawang taon niyo dun?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naging madali ang pangatlong taon namin ni Brianna, nagkakalabuan kami at nag-aaway. Pero inayos namin yun. Hanggang sa pang-apat naming taon sa State, nagpropose ako sa kanya. And she said yes, finally." Kwento ulit ni Drake. Nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang labi.

"Kasal na kayo?! Grabe, di ka nang-imbita!" Kantyaw ko sa kanya at bahagya ko pang hinampas ang braso niya. Natawa naman siya ng mahina.

"Hindi." Sagot niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon