Chapter 45 Sintomas

230 13 4
                                    

45: Sintomas

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Habang nakatayo ako at nakatingin kay Mayen na nakangiti sa harapan naming lahat. Agad akong may naalala bago ako pumasok ngayong umaga.

Bumaba ako sa sasakyan ko at napahawak sa sentido ng ulo ko. Sumasakit nanaman 'to kaya sandali muna akong sumandal sa sasakyan ko para hayaang mawala ang kirot ng ulo ko.



"Argh! Ang sakit nanaman ng ulo ko." Inda ko habang hinihilot ang sentido ng ulo ko.

Biglang may dumaang sasakyan sa harapan ko. Sa hindi malaman na dahilan, napatingin ako sa sakay ng sasakyan. Hindi tinted ang sasakyan kaya madali lang makita ang taong nasa likuran nito. Napatingin pa ako ng maigi dahil mukhang pamilyar ang mukha ng nakasakay sa loob nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Cary.

"Hello? Oo, papunta na dyan. Wait lang." Sagot ko habang binibitbit na ang mga gamit ko. Naglakad na ako papasok ng opisina.



"Teka, parang siya yung model sa bagong commercial na nagtrending." Rinig kong sambit ni Pete. Napalingon naman ako sa kanya.

"Ahh! Nakita ko yung commercial na yun." Sagot naman ni Cary na nasa kabilang side ni Pete.



"Pero di ko inakalang isa siya sa magiging commercial model ng kompanya natin." Dugtong naman ni Cary.

"Oo nga, pang Hollywood yung ganda niya eh." Puri naman ni Pete habang nakatingin kay Mayen na nasa harapan.



"Everyone, go back to work!" Sigaw ng Director namin. Tumango naman kaming lahat at pumunta na kami sa kanya-kanya naming trabaho.

Nasa gilid lang ako habang pinapanood ang shoot ni Mayen. Mas lalo siyang gumanda ngayon at kuminis. Di ko inakalang gagawin na niyang career ang pagmo-modelling niya dahil akala ko ipu-pursue niya ang profession niya.



Nang matapos sila sa shoot, nakita kong papunta si Mayen sa direksyon ko habang nakangiti. Napatayo naman ako at napa-ayos ng tayo.

"Hello, Jassy!" Bati niya sa akin at sandaling yumakap. Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya.



"Hello din, Mayen." Bati ko pabalik sa kanya.

"Kamusta kayo ni Kiel?" Tanong niya sa akin. Para namang nagbuhol ang dila ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.



"Hindi kami ayos..." Mahinang sagot ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya habang napayuko ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Oh, why? Lovers Quarrel?" Natatawang tanong niya. Hindi naman ako kaagad nakasagot.



Hinawakan niya ang balikat ko.

"Well, kung anuman yan. Wag niyong hayaang iyan ang maging dahilan ng paghihiwalay niyo. Mag-aaway lang pero hindi maghihiwalay, ika nga nila." Nakangiti niyang sambit sa akin.



"Kasi—" Hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko dahil agad na tinawag si Mayen.

"Ms. Guevara, this way po." Sambit ng staff namin. Lumingon siya dun at tumango bago humarap ulit sa akin.



"Later na lang tayo mag-usap, Jassy." Nakangiti niyang sambit sa akin at hinawakan pa ang braso ko bago umalis.

Naiwan naman ako ditong nakatayo at pinapanood siya. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sama ng pakiramdam ko. Nakita ko naman ang paglapit nina Pete at Cary sa akin.



Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon