Chapter 38 Ice Cream

233 11 3
                                    

38: Ice Cream

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Sumakay na ako sa kotse ni Kiel. Nakapagpaalam na rin ako kina Cary and Pete. On the way na kami papunt sa hospital na pinagta-trabahuhan ni Kiel. Nahihiya akong tumingin sa asawa ko kaya nasa bintana lang ang mga mata ko.


"Baby..." Rinig kong tawag ni Kiel sa akin. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.



"Are you okay?" Tanong niya sa akin.


"Galit ka ba?" Medyo kinakabahang tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.



"Bakit naman ako magagalit?" Tanong niya pabalik sa akin.


"Kasi narinig ko yung usapan niyo ni Sir Artur." Sagot ko sabay yuko. Naramdaman kong hinawakan ni Kiel ang kamay ko.



"I'm not mad, baby. Wala naman akong dapat ikagalit. Ayos lang sa akin kung narinig mo ang usapan namin." Sambit ni Kiel sa akin. Napatango na lang ako sa kanya.


"In fact, mabuti at narinig mo din kami kanina. Atleast now, alam mong ayos na kami." Sambit niya habang nakangiti at nakatingin sa kalsada.



"Acceptance is the real key." Sambit ko habang nakangiti din at nakatingin sa kalsada.


Pinagsaklob ko ang daliri namin ni Kiel at nakangiti kaming bumiyahe papunta sa hospital.



Pagkapasok namin sa loob, agad siyang binati ng mga guwardiya at nurses na nakakasalubong namin. Binabati naman sila ni Kiel pabalik, binabati din ako ng iba. Pumasok kami sa loob ng consulting room ni Kiel habang liningon-lingon ko ang kabuuan nito.


"You can stay here for a while, misis ko. Punta lang ako sa head office." Sambit ni Kiel sa akin habang inaayos niya ang mga dadalhin niyang folders.



Liningon ko lang siya at nakita kong kinukuha niya ang white coat na sinusuot nilang mga doctor. Bumaba ako sa higaan ng mga pasyente niya na inuupuan ko at lumapit ako sa kanya.


Ngumiti ako sa kanya bago ko inaayos ang pagsuot niya ng coat. Ngumiti naman pabalik ang asawa ko at pinisil ang magkabilang pisngi ko.



"I'll be back, okay?" Sambit niya sa akin. Tumango naman ako.


"After this, mamamasyal na tayo." Sambit niya na nagpangiti sa akin. Hinalikan niya muna ako sa labi ko bago siya lumabas ng pintuan.



Umikot-ikot ako sa loob at tiningnan ang mga gamit ng asawa ko. Naglinis na din ako ng kaunti. Umupo ako sa swivel chair ni Kiel at napangiti habang ini-imagine na isa akong doctor. Gusto ko din maging doktor ngunit ayaw sakin ng pagdo-doktor. Takot kasi ako sa injection at dugo.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon