27: Sick
«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»
"Pinapa-abot ni Sir Artur." Sambit ni Cary sabay abot sa akin ng mga folders na kailangan kong pirmahan.
Madalang na lang kaming nagkikita ni Sir Artur kahit na nasa iisang kompanya lang kami pero parang limang gusali ang layo namin sa isa't-isa. Pinapa-abot lang niya ang mga paperworks na kailangang ibigay sa akin, hindi siya masyadong lumalabas ng opisina niya tsaka hindi tulad dati malapit ang desk ko sa opisina niya, ngayon mga isang floor na ang layo ko sa kanya. Para bang ito yung sinasabi nilang so close yet so far.
"Tara na, gurl. Tama na ang pagiging hardworking. Kumain na tayo." Aya nila Pete at Cary sa akin. Tumango ako sa kanila at inayos na ang mga gamit ko.
Kumain kami ng tanghalian sa may canteen ng opisina namin.
"Same order, Mrs. Salazar?" Tanong nung nagtatakal ng mga pagkain.
Napatingin ako sa ulam na palagi kong ino-order na adobong manok. Bigla akong napa-atras nang maamoy at makita ko ito. Parang bumabaliktad ang sikmura ko. Napa-iling ako.
"Yung tinolang manok na lang po, Ate." Sambit ko sabay turo doon sa tinolang manok. Tumango siya at tinakalan ang pinggan ko.
Nagsimula na kaming kumain ng tanghalian. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko kung may text ba si Kiel sa akin pero nabigo lang ako kaya tinago ko na lang ang cellphone ko.
Bigla kong naisip si Kiel at yung doktorang ob-gyn na kasamahan niya. Hindi ko maiwasan mangasim kaya parang nawalan ako ng ganang kumain.
"Oh, Jassy? Bakit hindi mo binabawasan yang pagkain mo?" Tanong ni Pete sa akin nang mapansin ang hindi ko paggalaw sa aking pagkain.
"Huh? Busog pa kasi ako." Sagot ko sabay tipid na ngumiti sa kanila. Tumango sila.
"Masyado ka atang binubusog ng asawa mo ah." Pang-aasar nila. Hindi ko iyun nagustuhan kaya hindi ako umimik.
"Pete, ang green minded mo talaga." Sita naman ni Cary kay Pete. Tumawa lang si Pete bago sila nag-asaran ulit.
Hindi na lang ako umimik at hinintay na lang silang matapos kumain. Bumalik kami sa trabaho. Habang nasa gitna ako ng pag-aayos ko ng mga papeles, nakaramdam ako ng pananakit ng ulo kaya tumigil muna ako sa ginagawa ko. Hinawakan ko ang aking sentido at hinilot ito. Umaasang mawawala ang pananakit nito.
Tumayo ako at naglakad papuntang restroom. Bago pa ako makarating roon, bigla akong napatigil sa aking paglalakad.
Nagkasalubong kami ni Sir Artur at parehas kaming napatigil dalawa. Agad siyang napa-iwas ng tingin sa akin. Dali-dali naman akong naglakad papuntang restroom.
Wala na si Sir Artur paglabas ko ng restroom kaya naglakad na lang ako pabalik sa desk ko. Umupo ako at nagbuntong hininga. Pakiramdam ko magkakasakit ako ngayong linggo.
"Mrs. Jassy," Tawag sa akin ng babaeng palaging inuutusan ni Sir Artur na magbigay sa akin ng mga folders.
"Yes?" Sagot ko sa kanya. Ngumiti siya at pinakita sa akin ang tray na hawak niya.
"Merienda po muna kayo." Nakangiting sambit niya sabay lapag ng hawak niyang tray sa desk ko.
"Kanino galing 'to?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang pagkaing linapag niya sa lamesa ko.

BINABASA MO ANG
Forever Beloved
Teen FictionSi Jasmin "Jassy" Castillo, ay isang babaeng palaban na may respeto sa sarili. Si Kiel Salazar, ay isang lalaking mahilig mangwasak ng puso ng mga babae. The both of them are totally opposite, kaya hindi nila inaasahang sa larangan ng pag-ibig: saba...