Chapter 43 That should be me

332 11 7
                                    

43: That should be me

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Ilang araw na ang nakalipas at ilang araw na rin akong nakahiga sa kama ko habang lumulutang ang isip. Kapag hindi ako nakakababa para kumain, dinadalhan ako nina Mama pero hindi ko din iyun nauubos dahil patikim-tikim lang ako.

Wala talaga akong ganang gumalaw-galaw kaya pati sa pagkain, wala din akong gana. Dahil parating mabigat ang pakiramdam ko. Kaya gusto ko na lang humiga at hayaang magpalamon sa kama ko, nagbabakasakaling ang mga bagay na ayoko ay magbago.



"Jassy, natatapon na!" Rinig kong may sumigaw kaya agad akong nataranta at hindi namalayang natapon ang mug na puno ng mainit na tubg sa kamay ko dahil sinalo ko ito nang matabig ko.

"Aray!" Agad akong napahawak sa kamay kong humahapdi at medyo namamanhid.



Agad akong linapitan nina Pete at Cary. Napansin ko din ang iba naming ka-trabaho na nakiki-usyoso sa amin.

"Ayan! Nasa universe kasi ang utak. Lutang na lutang." Rinig kong sita ni Pete sa akin. Napa-iling-iling na lang siya sa akin at inayos ang mug na dapat ay pagkakapehan ko.



"Jassy? Are you okay?" Tanong ni Cary sa akin nang lapitan niya ako.

Napatingin na lang ako sa kamay kong napaso ng mainit na tubig.



"What happened here?" Rinig naming tanong, napalingon kami sa likuran namin at nakita namin si Sir Artur na kakarating lang habang nagtataka.

Napatingin naman siya sa akin at sa kamay kong napaso. Ibinaba ko ito para hindi niya mapansin.



"Uhm, Sir natabig lang po ni Jassy yung mug." Sagot ni Cary kay Sir Artur.

"Okay naman na po, Sir. Nalinis ko na po yung natapon." Sambit ni Pete.



Napatango lang si Sir Artur sa sagot nina Pete at Cary.

"All of you, be careful next time, okay?" Paalala ni Sir Artur sa amin. Tumango naman kami sa kanya bago siya tumalikod sa amin.



Napatingin ako kay Cary at magsasalita pa lang nang biglang lumingon si Sir Artur sa amin.

"Jassy, follow me." Sambit niya habang nakatingin sa akin at naglakad na.



Nagulat naman ako at ilang minuto pa bago natauhan sa sinabi ni Sir Artur.

"Sumunod ka daw, gurl." Sambit ni Pete at pinasunod nila ako kay Sir Artur.



Naglakad naman ako at tiningnan kung nasaan si Sir Artur. Nakita kong nakatayo siya sa di kalayuan na tila ba may hinihintay. Lumingon siya sa akin at tumango. Tumango din ako tsaka sumunod sa kanya.

Hindi ko alam kung saan pupunta si Sir Artur, nakasunod lang ako sa kanya habang papasok siya sa opisina niya. Naalala ko, nandito dati ang opisina ko dahil sekretarya ako dati ni Sir pero ngayon, mas lumawak ang opisina niya at lumuwag. Pwede kang magtayo ng tent sa loob sa sobrang laki.



"Sit here," sambit ni Sir Artur tsaka tinuro ang sofang nasa gitna ng opisina niya.

Tumango naman ako habang pumasok siya sa isang pintuan na hindi ko alam kung anong meron doon. Hinawakan ko ang kamay kong napaso ng mainit na tubig at umaasang mawawala din ang sakit neto.



Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na kakalabas lang ni Sir Artur at may dala-dala siyang maliit na palanggana na may lamang tubig. Ilinagay niya iyun sa lamesang nasa harapan ko at pumunta siya doon sa maliit na ref na nasa gilid. Kumuha siya ng ice cubes at ilinagay iyun sa palangganang may tubig.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon