«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»
11: Grandmother
"Wag. Wag kang lumabas. Wag mo siyang puntahan. Kahit ngayon lang, samahan mo muna ako. Just for now.....Jassy." Sambit ni Sir habang nakahawak pa din sa palapulsuhan ko.
Mabilis ko namang inalis ang palapulsuhan ko sa kamay niya. Bigla akong umiwas ng tingin sa kanya.
"Uhm, Sir. Ayos lang po kayo? Gusto niyo po ba ng tubig? Soup? Kukuha po ako sa labas." Pag-iiba ko ng topic. Nakita kong nakatingin lang si Sir Artur sa akin. Mas lalo akong na-ilang sa kanya.
Bigla namang napabuntong hininga si Sir Artur. Tumalikod siya sa akin at humarap sa kabilang parte ng kama. Napatingin lang ako sa kanya.
"I'm fine. Sige na, lumabas ka na. Puntahan mo na ang boyfriend mo." Malamig na sambit ni Sir sa akin. Nagulat naman ako.
"May kailagan po ba kayo, Sir? Ipapasabi ko po kay Melisa." Tanong ko ulit kay Sir.
"Nothing, just leave me." Malamig na sagot ni Sir Artur sa akin. Napayuko na ako at tumango.
"Sige po, Sir. If you need anything, just tell us. I hope umayos na po ang pakiramdam niyo." Sambit ko kay Sir bago lumabas ng kwarto niya.
Natigilan naman ako habang nasa tapat ako ng kwarto ni Sir. Pinigilan niya ako kaninang lumabas at gusto niyang samahan ko siya. Bakit ganun? Parang nanghihinayang akong hindi ko nasamahan si Sir. Kasi pakiramdam ko, may gusto siyang labasan ng nararamdaman niya. Lalo na't tahimik siyang tao. Pero mas nangingibabaw pa din sa akin ang kagustuhan kong makita si Kiel. Nang marinig ko ang sinabi ni Melisa kanina, halos atakihin na ako sa puso sa sobrang saya. Siguro dala lang ng alak ang mga sinabi ni Sir Artur kanina. Di bale, kapag may pagkakataon ulit. Handa na akong samahan siya at makinig sa mga kwento niya.
Lumabas na ako at dali-daling naglakad palabas ng hotel. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin siya. Napatalon ako sa gulat nang biglang may mga brasong pumulupot mula sa likuran ko. Kusa na lang akong napangiti.
"Did you missed me?" Bulong niya habang binabaon niya ang mukha niya sa batok at leeg ko. Nakikiliti ako dahil inaamoy niya ako.
"Syempre naman. Kakadating mo lang ba?" Tanong ko at haharap na sana ako sa kanya pero pinigilan niya ako. Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa akin.
"Let me just hug you, napagod ako kanina sa biyahe eh." Sambit niya sa akin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang dagat na umaalon sa hindi kalayuan.
Pumunta ako sa hotel room at pinaghandaan ko ng makakain si Kiel. Balak ko sanang bumaba para makabili ng pagkain pero may dala pala siya. Sabay naming pinagsaluhan ang pagkaing siya raw mismo ang nagluto.
"Linuto ko yan pagkayari ng test namin. Nagmadali na nga ako para maaga akong makapunta dito." Sambit niya habang linalapag niya sa lamesa ang linuto niyang tinolang manok.
Kahit busog pa ako, kumain ulit ako. Gusto kong tikman ang luto ni Kiel. Minsan lang kasi siya nakakapagluto dahil pumapasok pa siya at ako naman nagta-trabaho. Napangiti ako dahil kinikilig ako at nagluto si Kiel para sa aming dalawa.
"Kamusta kanina? Wala bang umaligid sayong mga lalaki?" Tanong ni Kiel habang diretsong nakatingin sa akin. Napatigil naman ako sa pagkain.
"Ayos lang naman. Na closed na ng boss ko yung deal niya sa mga co-business partners niya." Sagot ko at iniwasan ko ang pangalawang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Forever Beloved
Roman pour AdolescentsSi Jasmin "Jassy" Castillo, ay isang babaeng palaban na may respeto sa sarili. Si Kiel Salazar, ay isang lalaking mahilig mangwasak ng puso ng mga babae. The both of them are totally opposite, kaya hindi nila inaasahang sa larangan ng pag-ibig: saba...
