36: Home
«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»
Kinabukasan, umuwi na kami ni Kiel dahil dalawang araw lang ang leave namin sa tarbaho. Kina Mama pa din ako umuuwi dahil nandon ang iba kong damit. Pero naisip kong surpresahin si Kiel mamayang pag-uwi niya sa bahay namin.
Nasa bahay ako at tinutulungan si Mama sa pag-aayos ng bahay. Nagulat ako dahil hinila ako ni Mama sa kama at sinabi niyang mag ge-general cleaning daw kami. Medyo puyat pa ako sa biyahe pero wala akong nagawa dahil mahirap na kapag hindi ako sumunod kay Mama.
"Ma..." Tawag ko kay Mama habang nagpupunas ako ng center table namin sa sala.
"Hmm?" Sagot ni Mama habang nagpapalit siya ng cover ng sala set namin.
"Dumating ba kayo sa punto na gusto mo ng sukuan si Papa?" Tanong ko kay Mama.
"Sobra." Rinig kong sagot ni Mama. Napalingon naman ako sa kanya habang nag-aayos pa din siya.
"Sobra?" Nagtatakang tanong ko. Tumayo si Mama at umupo sa sofa namin at humarap sakin.
"Sobrang daming pagkakataon at oras na pwede kong sukuan ang Papa mo." Sagot ni Mama. Hindi naman agad ako nakapagsalita at nakinig lang ako kay Mama.
"Pero hindi ko tinake yung pagkakataong iyun, rather I took the opportunity to fight for him, to for our love. Dahil bakit kailangan mong itapon at maghanap ng bago kung pwede mo namang ayusin, kung pwede 'niyo' namang ayusin. After all, nangako kami sa isa't-isa at sa harap ng altar, bakit ko isusuko ang mga pangako ko?" Dugtong ni Mama.
Sandali akong natigilan at sobrang humanga sa Mama ko, sa pagmamahalan nila ni Papa. Dahil nung bata ako, minsan nakikita at naririnig ko sina Mama at Papa na nag-aaway. At akala ko dati maghihiwalay na sila sa tuwing makikita namin sila ni Kuya na nag-aaway. Alam ko na ngayon kung bakit sa loob ng madaming taon, hindi nila nagawang maghiwalay. Dahil sa oras ng problema, ang isa't-isa ang kinakapitan nila.
"Anak..." Rinig kong tawag niya sakin. Tumayo si Mama at lumapit sa akin.
Ilinagay niya ang mga takas kong buhok sa aking tenga at ngumiti habang pinagmamasdan ako.
"Tandaan mo, anak. May mga bagay na hindi niyo kayang pigilan ni Kiel pero kaya niyong labanan yun nang magkasama. Dahil nangako kayo sa altar, saksi ang Diyos sa inyong pagmamahalan kaya wag niyong hayaang mapako ang mga ito." Nakangiting bilin ni Mama sa akin.
Tumango naman ako sa kanya at matamis na ngumiti tsaka siya yinakap ng mahigpit. Yinakap naman ako ni Mama pabalik. I feel so amazed sa true love na meron sina Mama at Papa.
After namin maglinis ng bahay, dali-dali akong naligo at nag-ayos ng gamit. Nasabi sakin ni Kiel na mag o-overtime daw siya kaya gagabihin siya ng uwi. Ganun naman siya simula nung kina Mama muna ako natutulog. Kahit wala ako sa bahay namin at may tampuhan kami, di niya nakakalimutang ipaalam sa akin ang oras ng uwi niya at ibang bagay pa na gagawin niya.
Nagpaluto ako kay Mama ng mga ulam na pwede naming pagsaluhan ni Kiel. Handa na akong bumalik sa bahay namin kasama ang asawa ko.
"Ayaw mo bang magpahatid sa Kuya mo, nak?" Tanong ni Mama sa akin. Umiling ako habang kinakarga ko na sa sasakyan ko ang mga gamit ko.
"Wag na po, Ma. Kaya ko naman po." Sagot ko kay Mama tsaka ngumiti sa kanya. Tumango si Mama at lumapit sa akin.
"Mag-iingat kayo ni Kiel doon ah. Iwas na sa di pagkaka-intindihan." Bilin sa akin ni Mama. Sarap sa pakiramdam na hanggang ngayon feel na feel ko pa din ang support nila ni Papa kahit na mag-asawa na kami ni Kiel.
BINABASA MO ANG
Forever Beloved
Dla nastolatkówSi Jasmin "Jassy" Castillo, ay isang babaeng palaban na may respeto sa sarili. Si Kiel Salazar, ay isang lalaking mahilig mangwasak ng puso ng mga babae. The both of them are totally opposite, kaya hindi nila inaasahang sa larangan ng pag-ibig: saba...