28: Marvelous 60th Anniversary
«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko maimulat ng husto ang mga ito sapagkat nasisilaw ako sa liwanag na sumasalubong sa akin. Nang maimulat ko na ng husto ang mga mata ko, nakita ko ang isang puting kisame at mga naggagandahang ilaw.
"What do you feel?" Tanong ng isang lalaking hindi ko makilala.
Linapit niya ang mukha niya sa akin ngunit hindi ko siya ma-mukha-an dahil malabo siya sa paningin ko. Kaya sinikap kong maka-upo sa kamang hinihigaan ko para makita ang lalaking nasa harapan ko.
"Jassy?" Tawag niya sa akin. Unti-unti nang naging malinaw ang itsura niya kaya nakita ko na rin siya ng malinaw.
"How are you feeling?" Tanong niya sa akin at kita kong may bahid iyun ng pag-aalala.
"Sir...Sir Artur..." Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na't siya ang nasa harapan ko.
"Anong nangyari?" Tanong ko habang nakahawak sa ulo ko. Naramdaman ko ang kaunting pagkirot nito.
"You lose consciousness while you're out of the Marvelous building. I almost hit you, good thing I stepped on the brake. Dali-dali kitang binuhat at dinala dito sa condo ko." Sagot ni Sir Artur sa akin.
"Anong oras na? I need to go home." Natataranta akong tumayo at lumingon sa magkabilang gilid ko para hanapin ang cellphone ko.
"Wait, Jassy—" Hindi ko na pinatapos si Sir Artur.
"Thank you, Sir Artur. I appreciate your kindness." Sambit ko sabay labas ng condo ni Sir Artur.
Pasado alas siyete na ng gabi, mabilis akong pumara ng taxi at umuwi sa amin. Pagdating ko sa bahay, nakita kong bukas na ang ilaw nito at nakita ko na rin ang sasakyan ni Kiel sa labas ng bahay namin.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Napatigil ako at ganun din si Kiel, na may kausap sa cellphone at tila natataranta, nang makita namin ang isa't-isa. Dali-daling binaba ni Kiel ang cellphone niya at hinihagis ito sa sofa tsaka lumapit sa akin at yinakap ako ng mahigpit.
"Where have you been? I went crazy thinking about you." Bulong niya habang nasa bisig niya ako at yakap niya ng mahigpit.
Biglang nagflashback sa isip ko ang nakita kong picture nina Kiel at Margaret na nakapost sa facebook. Agad na nanlumo ang puso ko.
"Kumain ka na ba, baby?" Tanong niya sa akin habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.
Hindi ko na lang inisip ang picture na nakita ko. Bagkus, ngumiti ako sa harap ni Kiel at umaktong walang nakita.
"Hindi pa, nagugutom na nga ako eh." Sagot ko sabay tawa ng mahina. Sinuklay naman niya ang buhok ko at ngumiti sa akin.
"Let's order some foods, okay? Umupo ka muna dyan, misis ko." Hinalikan ni Kiel ang ibabaw ng ulo ko at pina-upo ako habang umo-order siya ng pagkain namin.
Napabuntong hininga naman ako habang nakatingin sa kawalan.
Kumain kami at pinagsaluhan ang mga pagkaing inorder ni Kiel. Kumain ako ng kaunti dahil wala akong masyadong gana. Pinapak ko lang ang fries nang biglang magsalita si Kiel.
BINABASA MO ANG
Forever Beloved
Genç KurguSi Jasmin "Jassy" Castillo, ay isang babaeng palaban na may respeto sa sarili. Si Kiel Salazar, ay isang lalaking mahilig mangwasak ng puso ng mga babae. The both of them are totally opposite, kaya hindi nila inaasahang sa larangan ng pag-ibig: saba...