44: Family Day
«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»
Wala sa sarili akong nakatitig sa baso na nasa harapan ko na may lamang gatas. Binabagabag pa din ako ng madaming bagay. Ayokong nakikitang magkasama sina Kiel at Maurleen, pero wala naman akong magawa dahil alam kong kailangan ng anak ni Maurleen si Kiel.
"Hoy pader!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Kuya Joshua sa tenga ko. Agad akong napatakip sa tenga ko at inis na sinimangutan si Kuya.
"Gusto mo bang tunawin sa tingin yang gatas mo? Kanina ka pa naming tinatawag." Sambit ni Kuya Joshua sa akin. Inirapan ko naman siya.
"Bakit ba yun?" Inis kong tanong sa kanya habang inaalog ko ang tenga ko. Masisira pa ata pandinig ko dahil sa sarili kong kapatid.
"Nasa labas si Drake, hinahanap ka." Sambit ni Kuya Joshua na agad umalarma sa akin.
Mabilis akong lumingon sa direksyon ng pintuan namin at tama nga ang magaling kong Kuya, nasa pintuan si Drake at nakatayo habang natatawa. Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya.
"Drake, nandito ka pala." Bati ko sa kanya at tumawa ako ng sarkastiko.
"Para sayo," Nakangiting sambit niya habang inabot niya sa akin ang isang paper bag na malaki.
"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko ang laman ng paperbag na binigay niya.
"Mga pasalubong para sayo at kina Tita Janine." Sagot ni Drake at ngumiti. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik.
"Hindi mo naman kailangan mag-abala, Drake." Nakangiting sambit ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin.
"Matagal-tagal din akong nasa state kaya kulang pa yan para mag-catch up sa inyong mga naiwan ko dito sa Pilipinas." Sambit niya. Napatango na lang ako.
Pumunta pala sila ni Brianna sa State dahil nagkamabutihan ulit sila ni Brianna, at pagkatapos nun, wala na akong nabalitaan tungkol sa kanila. Nahihiya naman akong tanungin si Drake dahil baka isipin niyang chismosa ako.
"Ninang Pretty tabi!!" Bigla kong narinig ang pagsigaw ni Damien, lilingunin ko pa lang sana siya ngunit bigla akong may naramdamang mga brasong umakap sa akin.
"Damien! I told you to be careful. Paano kung natuluyan ka at hindi ka napigilan ng Daddy mo? Edi nabangga mo ang Ninang mo at pwedeng pareho pa kayong ma-o-ospital?" Sermon ni Ate Dianna kay Damien na pumalahaw na ng iyak.
"Damien, come here." Tawag ni Mama kay Damien na umiiyak.
Nakasakay kasi si Damien sa laruan niyang sasakyan at muntik na siyang dumausos palabas at muntik na niya akong masagasaan kung hindi lang ako nahagip ni Drake at yinakap. Agad na namula ang pisngi ko nang maisip kong yakap-yakap ako ni Drake. Tumingala ako para magtama ang mga mata namin.
"Are you, okay?" Tanong niya sa akin. Agad akong humiwalay at inayos ang sarili ko.
"Uhm, oo. Salamat pala." Sambit ko at umiwas sa kanya ng tingin dahil nakaramdam ako ng ilang.
-
Agad ding nagpaalam si Drake dahil may kailangan daw siyang asikasuhin. Tumahan naman na si Damien at pinaliwanag ni Ate Dianna kung bakit siya nagalit kanina. Ngayon naman, inaya ako ng mga pamangkin kong sumama sa kanila dahil Family Day sa school nila. Wala rin kasing maiiwan sa bahay dahil pupunta sina Mama at Papa sa isang event kaya pinasama na lang ako ni Mama kina Kuya Joshua.
BINABASA MO ANG
Forever Beloved
Teen FictionSi Jasmin "Jassy" Castillo, ay isang babaeng palaban na may respeto sa sarili. Si Kiel Salazar, ay isang lalaking mahilig mangwasak ng puso ng mga babae. The both of them are totally opposite, kaya hindi nila inaasahang sa larangan ng pag-ibig: saba...