Chapter 9 Misunderstanding

2.3K 90 12
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 



9: Misunderstanding

Sabi nila kung mahal mo ang isang tao, hindi ka dapat nagduda kapag may hindi magandang nangyari. Pagkatiwalaan mo ang taong mahal mo, dahil iyun ang importante.



Pero naisip ko, kahit anong sabihin natin, kahit anong pilit natin. Kapag may hindi magandang nangyari, nakakapag-isip kaagad tayo ng hindi magagandang bagay. Likas na sa atin ang magduda, maghinala, mag-isip ng hindi magaganda, manghusga, mang-intriga kapag may bagay na hindi natin nagustuhan.

At sa mga oras na ito, hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko. Kinakabahan at natatakot ako sa mga iniisip ng utak ko. Ayokong maniwala, ayokong pakinggan at ayokong malaman....na baka nangangaliwa na si Kiel sa akin.



*Beeeep*

Isang malakas na preno ang aking narinig. Nagulat ako kaya muntikan na akong matumba. Napalingon ako sa aking gilid. Muntikan na akong masagasaan ng isang kotse. Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan sa muntik ng mangyari sa akin.



"Miss ano ba! Magpapakamatay ka ba?! Doon ka sa tulay! Nakakaperwisyo ka." Galit na sigaw nung driver sa akin na malaki ang tiyan. Dumungaw siya sa bintana ng kotse niya tsaka ako tinitigan ng masama.

"So....sorry po." Nanginginig na sambit ko sa kanya. Bahagya pa akong yumuko at humingi ng paumanhin.



Naramdaman ko namang may humawak sa aking magkabilang balikat. Nagulat ako kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"Pasensya na po Manong! Hindi na po mauulit." Sambit niya at inalalayan na ako makaalis doon sa gitna ng kalsada.



"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin at nginitian ako. Napatulala naman ako nang makita ko siya.

"Drake?!" Hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango sa akin.



Hindi ako makapaniwalang nakikita ko ngayon si Drake. Halos lima o anim na taon ko rin siyang hindi nakita. Pagkayari kasing maaksidente ni Drake, pinaluwas na kaagad siya sa ibang bansa. Kailangan daw kasing ipagamot ang mga tuhod niya, dahil kung dito sa Pilipinas siya ipapagamot baka mabaldado lang daw si Drake.

Bigla naman akong napatingin sa tuhod niya.



"Ayos ka na ba? Kamusta ka na? Nakakalakad ka na ng ayos?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Kaya tinawanan lang niya ako. Hinawakan niya ulit ang magkabilang balikat ko.

"Kumalma ka lang, Jassy. Ang dami mong tanong, iisa lang ang dila ko." Natatawang sambit niya sa akin. Umayos siya ng tayo at nginitian ako.



"Ayos na ako. Ayos na ayos na ako." Masayang sagot ni Drake sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal. Ilang taon din akong binagabag ng sitwasyon ni Drake. Natatakot ako na baka hindi na nga siya makalakad dahil sa akin. Hindi ko rin siya magawang kamustahin habang nasa ibang bansa siya dahil natatakot ako. Pero ang sabi naman ni Kiel sa akin, nasa tabi naman daw niya si Brianna at ang mga magulang niya. Kaya kampante na rin akong magiging maayos ang kalagayan ni Drake.



"Ikaw? Ayos ka lang ba? Muntik ka ng masagasaan kanina ah." Tanong naman niya sa akin. Bigla akong napayuko.

Dahil sa kakaisip ko kanina sa kasamang babae ni Kiel, muntik na akong masagasaan. Kinakabahan tuloy ako.



Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon