Chapter 54 New Life

405 22 20
                                    

54: New Life

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



After 6 years

"Quin, gising na." Sambit ko at tinapik ko ang hita niya.

Mahimbing na natutulog ang pinakamamahal kong lalaki. Magulo ang buhok niya tsaka mga unang nasa tabi niya.



"Quin..." Tawag ko at hinawakan ko ang pisngi niya.

"Gising na, baby." Sambit ko at hinalikan ang malambot niyang pisngi.

Dahan-dahan siyang gumising at gumalaw. Dinilat niya ang mga mata niyang namumungay at kulay brown. Ngumiti siya sa akin at yinakap ako ng mahigpit.

"Good Morning, Mommy!!" Bati niya sa akin sabay yakap sa leeg ko.



"Good morning din sa pinakagwapo kong anak." Bati ko sa kanya at pina-ulanan ko siya ng mga halik.

It's been five years simula nang tumira kami ng anak ko dito sa Paris. Limang taong gulang na rin ang anak ko at dito ko na siya pinag-aral simula nang ipinanganak ko siya. Mahirap mabuhay at magtrabaho mag-isa lalo na't nasa ibang bansa kami. Pero kahit ganun ay masaya pa rin kaming dalawa.



"Let's take a shower na. Ihahatid ka pa ni Mommy sa school mo." Sambit ko at binuhat na siya.

Pinaliguan ko ang anak ko at binihisan. Hinanda ko na rin ang mga kailangan niya at kakainin. Ihahatid ko muna siya bago ako pumasok ng trabaho. Mabait at masunurin na bata si Joaquin, may mga pagkakataon lang talagang sobrang kulit niya. Nakaligo na ako at nakabihis, palabas na kami ng anak ko nang biglang bumukas ang pintuan namin.



Nakita namin ang isang lalaking naka leather brown na jacket at pants na nakatayo roon at nakangiti sa amin.

"Papa!" Sigaw niya sabay takbo rito. Napangiti naman ako tsaka lumapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito, Drake?" Tanong ko habang kinukuha ang mga dala niya.

"Akala ko ba, sa isang lingo pa ang bisita mo sa amin?" Tanong ko sa kanya at nakangisi.



"Namiss ko kasi bigla itong cute boy na 'to kaya nagpunta na agad ako dito." Sagot niya sabay buhat sa anak ko.

Napangiti naman ako sa kanila. Si Drake ang tumutulong sa akin, lalo na pag kailangan ng 'Papa' na a-attend sa mga school activities. Hindi naging madali ang unang taon ko rito sa Paris habang pinagbubuntis ko si Joaquin. Nang umabot na ako ng third trimester ko, at malapit na ang kabwunan ko ay sinamahan na ako ni Drake na tumira rito sa apartment. Pumunta rin sina Kuya Joshua at Kyla. Hindi na nakasama sina Mama at Papa dahil baka mapagod lang sila sa biyahe.

Wala na rin akong naging balita kay Kiel. Ilang buwan ko rito sa Paris ay narinig kong lumuwas si Kiel papuntang Paris nang matanggap niya ang divorce papers na finile ko. Bago pa niya kami matagpuan, napagdesisyunan ko nang magpakalayo-layo at magtago. Ang huling balita sa akin ni Kyla ay nagtayo raw sina Kiel ng isang negosyo at iyun ang pinagka-abalahan niya. Marahil ay natanggap na rin niya ang sitwasyon namin at siguro ay nagpakasal na sila ni Maurleen para mabigyan ng buong pamilya si Megan.



Hindi ko na lang masyadong inisip ang mga mapapait na nangyari, nag focus na lang ako sa anak ko. Dahil tutal para sa kanya naman itong paglayo namin. Ayokong lumaki ang anak ko sa ganung sitwasyon at environment. Kaya kahit masakit sa loob ko, isusugal ko lahat para sa anak ko.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon