55: Stay over
«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»
Parang kutsilyong sumaksak sakin ang mga salitang binitawan niya. Umiwas ako ng tingin at suminghap. I need to be brave. Kahit masakit.
"Then, why are you here? You're a teacher?" Tanong ko sa kanya. Nag cross legs ako at kaswal na nagtanong sa kanya.
"Nanganak ang asawa ng PE teacher ng school na 'to, they asked me if I can assist the students while the teacher is gone. And I said, yes. Nag-aral din ako ng education after..." Nakita kong napalingon siya sa akin sandali bago binalik sa harapan ang kanyang mga tingin.
"After you left me." Dugtong niya tsaka umayos ng upo. Tumango-tango ako.
Siya pala ang pumalit sa favourite teacher ni Joaquin.
"Ganun ba. Great for you. You're way too successful now kesa nung...nung..." Agad siyang lumingon sa akin. Nailang naman ako kaya nag-iwas ako ng tingin. "nung tayo pa."
Napalunok ako at nagkunwaring inaasikaso si Joaquin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nagsimula na ang program at ang mga activity. Hindi naman ako na inform ng mga teachers na medyo extreme pala ang mga games dito. Nakaheels pa ako at pencil skirt kaya hindi ako masyadong makagalaw at natutumba pa ako. Buti na lang ay nasasalo ni Kiel ang baywang ko.
Hindi ko maiwasang mailang kay Kiel. I never thought na magkikita kami dito sa Paris, ang akala ko ay sa Pilipinas kami magkikita pero matagal-tagal pa. Sinundo kami ni Drake, sumabay naman sa paglakad si Kiel dahil buhat-buhat niya si Joaquin.
"Let's have dinner teacher Kiel." Sambit ni Joaquin na kinagulat ko.
"Your Mommy might not like it." Sagot naman ni Kiel. Bulong lang iyun pero narinig ko.
"You don't like teacher Kiel to have dinner with us, Mommy?" Tanong ng anak ko sa akin. Napatingin naman ako kay Drake na pinipigilan ang pag ngiti.
"Uhm...no, anak. I-it's okay." Sagot ko. Ngumiti si Joaquin at nag "Yey!!"
"Sabay ka na samin, Kiel. Wala ka atang dalang sasakyan ngayon?" Aya ni Drake kay Kiel. Napalingon naman ako sa sinabi niya.
Nagkatinginan kami ni Kiel tsaka siya tumango. Buhat-buhat ko na ngayon si Joaquin. Tahimik lang ako buong biyahe namin pauwi. Nagkwe-kwentuhan sina Kiel at Joaquin, paminsan-minsan ay sumasabat si Drake sa kanila. Tatango-tango lang ako sa sinasabi ni Joaquin.
I can't help but to smile a bit while looking at them.
"Iyun ang dahilan ko bakit pumunta ako dito ng mas maaga kesa sa sinabi kong araw ng punta ko." Sambit ni Drake habang nasa kitchen kaming dalawa.
"Talaga? Hindi mo naman sinabi sa akin na nag-aral pala siya ng education." Sambit ko kay Drake.
"Hindi din namin alam. Totoo ang sinabi kong wala kaming balita sa kanya, dahil he lie low. Hindi nagparamdam kahit kanino sa amin. Kaya nung nalaman kong nandito siya at nagta-trabaho, pinuntahan ko kayo para sabihan but, I guess I was late to inform you." Paliwanag niya.
"You already crossed paths, again." Natatawa niyang sambit habang nagluluto. Hinampas ko lang ang braso niya.
"Ehem!" Napalingon kami sa likuran namin. Nakita naming nakatayo roon si Kiel at nakatingin sa aming dalawa ni Drake. Natawa naman si Drake tsaka bumalik sa pagluluto.
"Tubig raw sabi ni Joaquin." Sambit niya habang tinitingnan kami pabalik-balik ni Drake.
"Uh...." Kumuha ako ng baso at linagyan iyun ng tubig.
BINABASA MO ANG
Forever Beloved
Fiksi RemajaSi Jasmin "Jassy" Castillo, ay isang babaeng palaban na may respeto sa sarili. Si Kiel Salazar, ay isang lalaking mahilig mangwasak ng puso ng mga babae. The both of them are totally opposite, kaya hindi nila inaasahang sa larangan ng pag-ibig: saba...