Chapter 42 Bitaw na

325 13 4
                                        

42: Bitaw na

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



"Ninong Kiel is waiting for you."


Hindi ko alam kung iaapak ko pababa ang mga paa ko, dahil kapag ginawa ko yun makikita ko siya. Pero deep inside my heart, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap, gusto ko siyang makasama na wala akong sakit na nararamdaman pero sa kabila nun, alam kong hindi ko magagawa ang kagustuhan ko ngayon.



Dahil kahit saan sulok ng puso ko, nararamdaman ko ang sakit ng kahapon. Parang gusto kong mag back-out at magkulong na lang sa kwarto, at lalabas na lang ako kapag okay na ang lahat. Kapag bumalik na ulit kami sa dati, pero imposible.


"Let's go, Ninang pretty. Ayain natin mag mall si Ninong Kiel." Nakangiting sambit ni Damien sa akin.



Sandali akong natigilan at napatulala kay Damien. Nangilid ang mga luha ko. Damien is too young para sa mga ganitong pangyayari. Huminga ako ng malalim tsaka ngumiti sa kanya. Hindi ako sumagot sa kanya at hinawakan ko na lang ang kamay niya tsaka kami bumabang tatlo.


Nasa mga baitang lang ng hagdan namin ang mga mata ko. Sa pagbaba namin ng mga pamangkin ko, labis na bigat ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Parang gusto ko na lang sumabog at mawasak na ng tuluyan pero pinigilan ko ang sarili ko.



Nakarating kami sa sala at nakita kong nandon sina Mama at Papa habang kausap si Kiel na nakatlikod sa akin kaya hindi niya ako namalayan. Napatingin naman si Mama sa akin at sinenyas niya ang pagdating ko kay Papa.


Tumingin ang mga magulang ko sa akin at natauhan si Kiel sa presensya ko kaya dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang likuran. Humarap naman ako kina Damien at Dinah.



"Punta muna kayo kay Daddy Joshua niyo." Sambit ko sa kanila. Hinawakan ni Damien ang balikat ko.


"Ayain mo si Ninong, Ninang pretty ah." Nakangiting sambit niya sa akin. Ngumiti na lang ako ng tipid tsaka tumayo nang pumunta na sila kay Kuya Joshua na nasa kusina.



"Anak, gising ka na pala." Sambit ni Mama at pina-upo niya ako sa tabi nila.


Nasa harapan ko ngayon si Kiel, nasa harapan ko ang asawa ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang malaglag sa mga mata ko.



"Nakwento na samin ni Kiel ang nangyari." Panimula ni Mama. Hinarap niya ako sa kanya.


"At naiintindihan namin siya, anak." Hindi ko alam ang ire-react ko sa sinabi ni Mama.


Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon