Chapter 6 Engaged

2.7K 80 12
                                    

 «Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»    


6: Engage


Jassy's POV



After 6 Years


Anim na taon na ang lumipas at nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral. Nagta-trabaho ako ngayon bilang isang sekretarya ng CEO ng kompanyang 'Marvelous'. Ang Marvelous ay isang malaking kompanya na hinahawakan ng isang British Entrepreneur na dito na namalagi sa Pilipinas dahil nakapangasawa siya ng Pinoy. Isang Ad Agency ang Marvelous, sila ang kompanyang naglalabas ng mga advertisement about beauty products, home cleaning materials, clothes, foods and beverages and others.



Samantalang Housewife naman si Ate Dianna sa bahay dahil kailangan niyang alagaan ang dalawang pamangkin ko, siya na ang nagpatakbo ng online shop ko dahil hindi ko na iyun maasikaso sa sobrang daming trabaho. Hindi na nahawakan ni Ate Dianna ang clothing branch niya kaya binenta na lang niya ito. Hindi na rin kasi siya pinagtrabaho ni Kuya dahil gusto raw niyang pagsilbihan si Ate Dianna. Habang ang negosyo ni Kuya Joshua, ayun mas dumami ang branch. Rich Kid na ang peg ni Kuya, o mas maganda Rich Daddy, tatay na kasi siya ng mga cute kong pamangkin.



Madami na rin ang nagbago sa loob ng anim na taon, ang mga kaibigan ko ay may kanya-kanya ng trabaho at pamilya. Mga tumanda na kami at mas natutong maging independent sa buhay. Gusto naming kumita ng pera para hindi na magtrabaho ang mga magulang namin. Ngunit sadyang mahal nila Mama at Papa ang business namin kaya hindi pa sila tumitigil sa pagta-trabaho. Totoo nga ang sinasabi ng iba, masarap gumastos kapag sarili mong pinaghirapan ang perang hawak mo. Pero kahit ganun, kailangan pa rin nating matutong hawakan ng mabuti ang ating mga pera. Hindi yan dapat winawaldas lang basta-basta.



Madami mang nagbago, sa pagdaan ng panahon. Alam kong hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya, at masaya ako dahil ganun din ang nararamdaman niya para sa akin. Ngayon nag-aaral pa rin siya para sa residency niya, upang maging rehistradong doktor na siya.


"Cary, mauna na ako ah. Susunduin ko pa kasi yung boyfriend ko." Paalam ko kay Cary, isa sa mga computer editor dito, isa siya sa mga close friends ko dito sa kompanya dahil siya ang unang tumulong sa akin nung unang sabak ko dito sa trabaho.



"Sus! Nang-inggit pa siya oh! Di ikaw na ang biniyayaan ng pag-ibig, ako na ang pinagka-itan." Sagot niya sa akin at inismidan ako. Natawa naman ako dahil sa kanya. Linapitan ko siya at bahagyang yinakap habang naka-upo siya at nakaharap sa kanyang laptop.


"Eh bakit hindi mo na lang pansinin si Pete? Para sa ganun, parehas na tayong may lovelife dalawa." Pang-aasar ko sa kanya habang nakangisi. Ramdam ko ang pag-ismid ni Cary sa akin.



"Eww ka naman Jassy! Alam naman nating parehong gwapo ang hanap namin ni Pete diba?" Sagot niya sa akin. Napabitaw ako sa kanya at humarap.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon