Chapter 62 Test of Love

394 16 9
                                    

62: Test of love

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Ilang araw din kaming namasyal nina Joaquin at Kiel. Masayang-masaya si Joaquin sa mga pinapasyalan namin. Naging close na din sila nina Damien at Dinah pero mas kasundo niya si Damien dahil pareho sila ng gusto.

Nasa biyahe kami ngayon papuntang kompanya nila Kiel. Sinama niya kami ni Joaquin dahil gusto daw makita ni Katelyn ang kanyang pamangkin. Ilang taon ko na ding hindi nakita si Katelyn.

Pumasok kami sa loob, mas lumaki ang building nila at mas dumami ang empleyado. Binati nila kami sa pagpasok namin. Umakayat kami papunta sa office nila Kiel.

"Wow! Ang ganda dito, Daddy." Namamanghang sambit ni Kiel.

Nauuna silang maglakad habang magkahawak kamay, nasa likuran naman ako at pinapanood sila.

"I know, son. Soon, ikaw na ang magmamanage nito." Sambit ni Kiel. Kumunot ang noo ni Joaquin.

"Manage?" Inosenteng tanong niya.

"Yup, this will be yours someday." Sagot ni Kiel tsaka ginulo ang buhok ni Joaquin.

Nanlaki naman ang mata ni Joaquin.

"Ito na ba ang pogi kong pamangkin?" Narinig namin ang boses ni Katelyn.

Napatingin kami sa kanya. She looked so mature and she moves like a lady. Lumapit siya sa amin at nakipagbeso.

"Hi, Ate Jassy." Bati niya sa akin at yinakap ako.

"Joaquin, this is your Tita Katelyn." Pakilala ni Kiel.

"Hello po, Tita." Nahihiyang bati ni Joaquin kay Katelyn. Lumapit si Katelyn sa kanya at binuhat siya.

Ginala ni Katelyn si Joaquin sa loob ng kompanya. Naiwan naman kami ni Kiel sa opisina niya.

"Are you having a good day?" Tanong ni Kiel sa akin. Pina-upo niya ako sa tabi niya.

"I am." Sagot ko sa kanya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"I'm just scared..." Sambit ko.

"Scared of what?" Tanong niya. Inakbayan niya ako tsaka hinigit pa lalo sa kanya.

Bumuntong hininga ako. Hinanap ni Kiel ang mga mata ko.

"Scared that everything might come to an end?" Tanong ni Kiel sa akin. Umiling ako.

"No, natatakot ako sa pwedeng ipalit na lungkot sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon." Sagot ko sa kanya.

Sa pagkakataong ito, labis ang sayang nararamdaman ko. Pero hindi ko maipagkakaila na nakakaramdam ako ng pangamba lalo na't kasama namin si Joaquin. Iniisip ko ang kapakanan ng anak namin ni Kiel.

Humarap siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Look at me, Jassy." Utos niya na sinunod ko naman.

"Don't be scared. I am here. Hindi ka na lalaban mag-isa, hindi mo na kailangan. Dahil gaya ng sabi ko sayo, we will fight together." Hinimas niya ang pisngi ko at diretso akong tiningan sa aking mga mata.

"It's okay kung natatakot ka. Basta don't let that fear come in our way." Dugtong niya. Nangilid na ang mga luha ko.

"What if matalo nanaman tayo, Kiel? Paano si Joaquin? Paano tayo?" Naiiyak kong tanong sa kanya. Pinunasan niya ang pisngi ko.

"Shh, stop crying." Malambing niyang sambit. "Kung matalo ulit tayo, mas lalaban tayo. Dahil ngayon may dahilan na tayo para manalo. Basta ipangako mo sakin, Jassy. Na kapag napagod ka, kapag nahirapan ka, sa akin ka lumapit, sa akin ka magpahinga. Kasi lahat gagawin ko para sa inyo ni Joaquin."

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon