Chapter 65 Pangalawang pagkakataon

517 13 11
                                    

65: Pangalawang pagkakataon

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



(Now playing: Beautiful in White by Westlife)

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko ang isang lalaking nakaputi at nakatayo sa gilid ng altar. Naramdaman ko naman ang paghawak ng isang maliit na kamay sa aking palad. Liningon ko siya sa gilid ko, nakita ko ang isang cute na lalaking nakaputi rin at nakatingala sa akin. Napangiti ako at ganun din siya.


Binalik ko ang mga mata ko sa harap. Nagsimula kaming maglakad habang nararamdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko.

Nakita ko sina Mama at Papa na nakatayo sa kabilang gilid samantalang nasa kabilang side naman si Katelyn at si Mama Karmina. Nasa kanya-kanyang upuan naman sina Kuya Joshua kasama si Ate Dianna at ang dalawang pamangkin ko na sina Damien at Dinah. Nandito din sina Drake, Kyla, Ingrid, Aiden, Lance, at Jasper. Nakarating din sina Madison, Madaline, Marlisa, Margot, Ethan, Andrean, Andrew, at Jarrold. Namatahan ko din sina Sir Artur, Cary, Pete at Margaret.


Lahat sila ay naka white dress at white longsleeve. Naka short white lace bodice dress naman ako at white flower crown. Simple lang ang damit ko dahil hangad kong magkaroon ng simpleng buhay kasama si Kiel at ang anak naming si Joaquin.

"I'm happy, Mommy." Rinig kong sambit ni Joaquin. Napalingon naman ako sa kanya.


"You are?" Tanong ko tsaka siya liningon.

"Yeah, I'm happy that you are my Mom and Daddy Kiel is my Dad." Sagot niya. Naramdaman kong mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko.


"I can see that you're happy with Daddy. And I want you to always be happy, Mommy." Sambit ng anak ko dahilan para maluha ako.

Kahit nasa gitna kami ay tumigil ako at yinakap ng mahigpit ang anak ko. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.


"I'll always love you, Joaquin." Sambit ko sa kanya tsaka hinalikan ang pisngi niya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Huminto kami sa harap ni Kiel kasama si Papa Theodore na naka-wheelchair. Binuhat niya si Joaquin at pinahalik sa pisngi ni Papa Theodore. Nag-usap naman silang mag-ama at nagshake hands pa. Kinuha na nina Mama si Joaquin habang linahad naman ni Kiel ang kamay niya sa harapan ko.


Ngumiti ako at kinuha iyun. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko kaya napangiti ako lalo. Naglakad kami at humarap na sa altar.

"Bago tayo magsimula sa pagbasbas, maaari niyo munang sabihin ang inyong mga pangako sa isa't-isa." Anunsyo ni Father at ngumiti sa amin.


Humarap ako kay Kiel at hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. Tumingin ako sa kanya.

"Ang gwapo mo talaga." Bati ko sa kanya dahilan para matawa siya at ang mga taong saksi sa pagsusumpaan ulit namin ni Kiel.


"Tanda ko pa kung saan tayo unang nagkita." Sambit ko. Biglang linagay ni Kiel ang hintuturo niya sa kanyang labi at pabulong na sinabing 'shh'. Hindi ko naman maiwasang matawa nang maalala ko kung paano kami unang nagkakilala ni Kiel.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon