Chapter 64 Ring

261 15 4
                                    

64: Ring

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Ilang araw din kaming nagpalipas ng gabi sa hospital para tulungan si Mayen sa pagbantay kina Megan at Maurleen. Nagising na si Megan pero unconscious pa din si Maurleen. Dahil sa nangyari, kailangan dumaan ni Megan sa maraming therapy. Hinahanap niya si Maurleen at gusto niya itong puntahan. Palagi siyang umiiyak kaya binabantayan din siya ni Kiel.

Ilang buwan nang comatose si Maurleen. Natamaan ang utak niya kaya inabot siya ng ilang buwan sa hospital. Hinihintay namin siyang magising kasama si Megan. Hinihintay siya ng anak niyang magising.

"Nasaan po ang asawa ng pasyente?" Tanong ng Doktor. Napatingin siya kay Kiel na nasa tabi ko.

Hindi naman ako sumagot.

"Uhm, pinsan ko po ang pasyente." Sambit ni Mayen tsaka naglakad paharap sa doktor.

"Malaki po ang nagawang damage ng aksidente sa utak ng pasyente. Kailangan pa po niyang dumaan sa maraming observation." Sambit ng Doktor.

"Hanggang kailan po siya walang malay? Kailan po siya magigising, Dok?" Ninenerbiyos na tanong ni Mayen.

"Hindi ko masasagot yan, ija. Pero approximately, isang buwan pa ang inaasahan nating itatagal niya." Napahawak si Mayen sa kanyang bibig.

"Paano Dok, kung hindi pa siya magising?" Tanong ni Mayen, nabasag ang boses niya.

Suminghap ang doktor bago tumingin kay Mayen.

"Kung hindi pa talaga siya magising, maybe we need accept what will happen." Sagot ng Doktor.

Napa-upo si Mayen kaya mabilis ko siyang dinaluhan. Lumapit naman si Kiel sa Doktor at nakipag-usap. Dinaluhan ko ang umiiyak na si Mayen.

"Shh, tahan na, Mayen." Sambit ko sa kanya. Umiyak lang siya habang nakayakap sa braso ko.

"Paano kung mawala si Maurlen, Jassy?" Umiiyak na tanong ni Mayen sa akin. "Hindi namin kakayanin lalo ni si Megan."

"Walang mawawala, Mayen. May awa ang Diyos at may plano siya para sa atin." Sagot ko kay Mayen habang dinadaluhan siya.

Umalis muna si Mayen para bumili ng mga gagamitin nila dito sa hospital kaya kami ni Kiel muna ang nagbantay kay Maurleen.

Liningon ako ni Kiel. Lumapit siya sa akin at nag-squat siya sa harapan ko para magpantay kami. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin ng diretso.

"Are you okay here?" Tanong niya sa akin.

"Bakit mo naman natanong yan?" Tanong ko sa kanya. Hinalikan niya ang kamay ko.

"Nag-aalala lang ako. Hindi mo naman kailangan magbantay dito, you can rest at home." Sagot niya. Tumingin naman ako sa kanya.

"I'm okay. I'm totally fine being here. Ikaw dapat ang magpahinga." Sagot ko naman sa kanya. Tumawa siya ng mahina tsaka pinatong ang noo niya sa kamay ko.

"Thank you for understanding. Thank you for allowing me to be here. I'm so thankful na ikaw ang babaeng minahal ko." Tumaas ang ulo niya tsaka tumingin sa akin. "Dahil kung ibang babae ang nasa posisyon mo, sigurado akong hindi siya papayag manatili ako rito ng ilang araw dahil ano ba ang posisyon ni Maurleen sa buhay ko?"

Hinawakan ko ang pisngi niya. "Nanay siya ng anak mo. Hindi kabit o naanakang babae. Masakit ang nangyari, Kiel. Hindi ko mababago yun. Pero yung tingin ko kay Maurleen at Megan, iyun ang mababago ko. Alam nating hindi naging maganda ang relasyon namin ni Maurleen. Pero katulad ko, ina rin siya. May anak na iniisip kaya kahit ilang oras ang gugulin mo dito, ayos lang dahil naiintindihan ko. Para kay Megan at para kay Maurleen." Mahabang sagot ko sa kanya.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon