24: First Morning
«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»
"Tita Karmina, ano pong nangyari sa inyo?" Tanong ko habang naka-upo kami sa lamesa. Inabutan ko si Tita Karmina ng isang baso ng tubig. Umupo ako sa tapat niya.
"Lumayas ako sa amo ko." Sagot ni Tita Karmina. Napayuko siya at napasapo sa kanyang mukha. Napalingon naman ako kay Kiel na nakatayo sa hindi kalayuan at nakahalukipkip habang nakatingin sa nanay niya.
"Sa amo niyo po?" Nagtatakang tanong ko kay Tita. Nag-angat ng tingin si Tita Karmina sa akin.
"Pagkayari ng ginawa ko sa inyo ng anak ko, nakipaghiwalay ako sa lalaking kinakasama ko. Dahil gusto kong lubos na pagsisihan ang nagawa ko. Kaya nagsimula ako ng bagong buhay sa ibang bansa. Lahat ng connection ko sa mga tao dito sa Pilipinas, pinutol ko. Lahat ng perang ninakaw ko sa kompanya ni Theodore, ibinalik at binayaran ko. Kaya nangibang bansa ako para magbagong buhay." Paliwanag ni Tita Karmina. Kita ko ang sinseridad sa mga mata ni Tita, na nangangahulugang totoo lahat ng sinasabi niya.
"And you didn't even bothered to tell us?" Tanong ni Kiel na nakasandal at nakahalukipkip. Blanko at seryoso lang ang mukha niya.
Napalingon naman si Tita Karmina sa kanya at umiling.
"I want to tell you, trust me. Pero ayokong kaawaan niyo ako. Gusto kong mangibang bansa at maging successful by my own. Tsaka ako babalik rito para humingi ng kapatawaran sa inyo. I want to fix and complete myself before I face all of you. But things didn't go the way I planned." Biglang yumuko si Tita Karmina at nagsimulang humagulgol. Mabilis ko naman siyang dinaluhan.
"Ininvest ko ang natitirang pera ko sa isang online business pero na-scam at naloko lang ako. Kaya napilitan akong mamasukan bilang katulong sa isang arabong pamilya. Kahit wala akong alam sa mga gawaing bahay, ginawa ko ang lahat para matutunan iyun. Para magawa ko rin ng ayos ang trabaho ko. Pero nagbago ang lahat..." Mas lalong humagulgol si Tita Karmina. Hinimas ko ang likuran niya.
"Ano pong nangyari, Tita?" Mahinang tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Minolestiya ako ng amo ko, pinagbuhatan ng kamay at sinaktan. Isang taon niya iyun ginawa sa akin dahil hindi niya matanggap ang paghihiwalay nila ng asawa niya. Tiniis ko iyun, tiniis ko lahat iyun pero hindi ko na nakayanan ang huling ginawa niya." Tinaas ni Tita Karmina ang manggas ng longsleeve niya.
Nakita ko ang mga pulang marka sa kanyang palapulsuhan. Mukhang mahigpit na hawak iyun ng isang lalaki. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mayroon ring pulang marka ang kabilang palapulsuhan ni Tita Karmina. Mayroon rin siyang mga pasa at sugat.
"Muntikan na niya akong pagsamantalahan. Lumaban lang ako at ginawa ang lahat para makauwi agad dito sa Pinas." Dugtong ni Tita Karmina. Napa-iyak ulit si Tita. Inabot ko naman ang baso ng tubig sa kanya.
"We can report this to their embassy. Mapapanagot natin ang gumawa nito sa inyo, Tita." Sambit ko sa kanya. Hinawakan naman ni Tita Karmina ang kamay ko at umiling.
"Hindi na, Jassy. Tanggap ko ang lahat ng ito. Marahil ito na rin ang karma at kabayaran ng lahat ng masasamang nagawa ko sayo at sa inyo. " Pilit na ngumiti si Tita Karmina kahit na puno ng lungkot ang mga mata niya.
"Anak..." Tawag niya kay Kiel. Tumingin siya sa anak niyang kanina pang walang imik.
"Patawad. Hindi ko alam ang pinagdaanan niyong magkapatid habang wala ako. Simula nung iwan ng amo kong babae ang pamilya niya? Doon ko nakita ang hirap at sakit na naramdaman ng mga anak niyang naiwan. Nakikita ko kayo ng kapatid mo sa mga anak ng amo ko. Kaya patawarin mo ako, anak. Hindi ko kayo inisip ng kapatid mo. Sariling kagustuhan ko lang ang inintindi ko." Sinserong paghingi ng tawad ni Tita Karmina kay Kiel.
BINABASA MO ANG
Forever Beloved
Teen FictionSi Jasmin "Jassy" Castillo, ay isang babaeng palaban na may respeto sa sarili. Si Kiel Salazar, ay isang lalaking mahilig mangwasak ng puso ng mga babae. The both of them are totally opposite, kaya hindi nila inaasahang sa larangan ng pag-ibig: saba...