Pagkakita ko ng message sakin ay nagmadali akong tumayo at kinuha ang bag kong kalalapag lang..Actually dipa ako nakakapagbihis e. (Pero dahil sa message nayun nagkakaganito Ko)
Dumiretso na ako sa pinto at nagmadaling lumabas pero...
"Ouch" daing ko ng maumpog ang ulo ko sa pader.
Napaatras pa ng onti yung katawan ko dahil sa lakas ng pagkakaumpog ko..parang nagkabanggaan kame...dahil parehas kaming may pwersa sa pagkakabangga kaya ako napaatras.
Nakayuko ako dahil sa hilo at hawak ko pa yung noo ko na bumangga sa pader...wait anong pader? Kailan pa nagkapader kapag bukas ng pinto..kaya unti unti kong tinignan kung sino yun..pero di pa ako nakakatingin nakalapit na sya.
"Owww shit!" Sabi nya. Sabay hawak sa ulo ko at tiningala nya sa kanya at tinignan nya yung noo kong tumama sa pader nyang dibdib. Nakatitig lang ako sa itsura nyang nag aalala.
Doon na akong nagsimulang magtaka..bat sya nag aalala sakin?
"Are you fine baby?" Tanong nya na parang natataranta. Dahil di nya alam gagawin nya..Para syang tanga dahil para syang nakapatay ng tao kung umasta sya.
"Sorry baby kasalanan ko yun"
'Wait BABY ba yung tinawag nya saki' kung di ako nagkakamali dalawang beses nya na akong tinawag na BABY.
Kikiligin na ba ako?
"Answer me baby, nag aalala ako?"
"BABY?" tanong ko.
Pagkasabi ko nun bigla syang natigilan..yung kaninang nag aalalang itsura nya bigla nalang namutla.
"I mean france" sabi nya.
Tinitigan ko lang sya. Pero sa totoo lang patili na ako sa kilig..kase kung titignan mo itsura nya ngayon ay sobrang putla pero ang wafffuuu padin ni Kaizer my loves.
"Okay kalang ba?" Tanong nya ulit...di ako makasagot dahil kapag nagsalita ako sure nito manginginig ako sa kilig dahil noon ko lang napansin na nakahawak padin sa muka ko si kaizer at medyo nakalapit ung muka nya sa muka ko para matanaw nya nangyari sa noo ko.
"Ok-" diko na natapos yung sasabihin ko ng may malamig na boses ang nagsalita sa labas ng pinto.
"Kai si kim tumatawag, naiwan mo sa baba yung phone mo kamamadali mo" sabi nya.
Bigla naman lumayo sakin si kaizer at humarap kay Yves na nasa likod..Walang emosyon si Yves na inabot ang phone kay Kaizer.
Napasulyap naman ako sa kanya at nakita ko syang tumingin din ng walang emosyon sakin.
Tatawagin ko pa dapat sya para makausap pero bigla nalang tumunog yung cp ko.
*kring kring* (wag kayong ano kunwari ringtone ko yan, umangal diko na itutulou to)
Tumatawag na ang mga bruha.
"Hello" pagsagot ko nun napatingin sakin si kaizer at ang Yves na pababa biglang napalingon.
[Hello tih, malapit na kami dyan hahahah] narinig kong sabi ng malanding bruha na si Marysse.
"Wait! Sa gate nalang ng subdivision tayo magkita" sabi ko sabay lakad pababa. Nakita ko pang lalong napakunot ang noo ni Yves at kumunot din ang noo ni Kaizer.
Nakasalubong ko si Bryan sa hagdan.
"Pet san ka pupunta?" Tanong nyang may pagtataka.
"Sa mall" yun lang sinabi ko dahil nagmamadali nako.
"Wait sama ako" sabi nya.
"Wag na" sabi ko.
"Baka makikipag date ka nanaman sa kapitbahay" sabi nya at ang walangya nagpout pa. Pero ang kyut nya..(nubayan lumalandi pa nagmamadali na nga)
BINABASA MO ANG
In the arms of Three Campus Heartthrob's
Teen FictionSundan ang buhay ni Frances Kyle Cruz na isang SC President sa kanilang campus. Ano kaya ang magiging parte ng buhay ni Frances sa tatlong heartthrob's ng Campus. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay ni Frances sa tatlong nag ggwapuhang lalaki?