Chapter 4

160 9 0
                                    

Pababa na kami sa parking lot ng school at pansin mo ang dami ng student...nakakapagtaka lang dahil nagtitipon tipon lang yan kapag nandyan yung hearthrobs.

Shocks! nadito yung hearthrobs...ano namang ginagawa nila dito?

Baka hinihintay lang ni kaizer my loves yung girlfriend nyang si..Kim..ang sakit isipin na sya yung hinihintay.

Palagi naman ganon sila kapag pinupuno nila ng fans nila yung parking tuwing hinihintay lang nila si kim.

Nagulat ako dahil pinagbuksan pa ako ng pinto ni Liam.

"Baba ka na, baka ma late ka pa"

" thank you" tapos bumaba na ako.

Pero na shock talaga ako ng pagtingin ko sa harap ko nandun na yung tatlong hearthrobs habang nasa tabi ko si Liam.

Nahiya ako bigla dahil di ako sumabay sa kanila pero dito kay liam sumabay ako.

Nasa harap na ako ng 3 naglalakihang mga lalaki na hearthrobs at nasa tabi ko ang isang hottie na transferee.

"Hello!" para akong tanga kase yun pa yung sinabe ko sa kanila.

Ang dami ng nagtataka dahil samin na nakatingin lahat ng mga fans ng Hearthrobs.

Di nila ako pinansin at...biglang may nagsalita sa likuran ko.

"hey babe" narinig kong sabi ni kim sa likod ko.

Bigla naman akong napaurong patagilid dahil medyo pahiya ako dun(di lang medyo pahiya, pahiya talaga)

"Good morning babe" nakita ko silang tatlo na lumapit na kay kim.

Ako naman ay naglakad na papasok na parang wala lang nangyare. Assuming ka kaseng malandeng bakla ka yan tuloy kala mo ikaw yung hinintay nung tatlong hearthrobs.

Di ko pinansin yung nagbubulong bulongan na alam kong ako yung pinag uusapan. Napakatanga ko naman kase na kausapin ko ung hearthrobs even na alam ko namang hindi kami nag uusap sa school. Di porket magkasama lang kami sa bahay kung ano ano na yung ginawa ko, feeling close na ako.

Akala ko naman kase na ako yung hinintay nila dahil sa harap ko pa sila pumunta ayun pala si kim.

Diko na napansin kung nasan na si Liam ang alam ko lang ay nasa loob na ako ng SCQ (student council quarters).

Parang biglang sumama yung pakiramdam ko. Actually kanina ko pa to nararamdaman paggising ko palang pero di ko na pinansin.
Inutos ko nalang sa mga kasama ko sa SC officers yung flag ceremony dahil masama pakiramdam ko at ayaw ko pang humarap sa mga fans ng hearthrobs.

------------
"ano ikekwento mo na ba samin yung ichichika mo na sinabi mo kahapon?" kanina pa ako kinukulit nitong dalawa kong bruhang kaibigan dahil nga dun sa mga happenings sakin yesterday.

"pwedeng mamaya nalang uwian masama kasi pakiramdam ko ngayon" sabi ng nanghihina habang nasa cafeteria kame.

"patingin nga" nilagay ni Marysse yung likod ng kamay nya sa noo ko.

"nako tih may lagnat ka nga" sabi pa nya.

"kaya pala kanina pa kita napapansin na matamlay" sabi ng nag aalalang si Danica.

"tara dalin ka na namin sa clinic" sabi ulit ni danica.

"mabuti pa nga ang init mo na tih"

Palabas na kami ng pinto ng cafeteria ng makasalubong namin ang hearthrobs kasama si Kim. Bigla na naman umingay ang paligid.

Nakatingin silang apat samin at ako naman ay biglang napayuko dahil sa hiya. Ewan ko ba kung bakit parang nag iba yung pakikitungo nila sakin. Kase sa bahay ang bait naman nila at kinakausap pa ako pero bakit dto sa campus parang balewala lang ako. Alam ko naman na hindi talaga kami close pero ang sakit lang na kahit ngiti man lang.

In the arms of Three Campus Heartthrob'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon