Epilogue

139 10 3
                                    


So yun na nga happy happy kaming mag fefrenny dito sa mall. Ansaya grabee parang bumalik ako sa dati. Yung dating kami. Yung gantong trip lang masaya na kami. Yung titingin lang kami sa krass namin sobrang kilig na kilig na kami.

But biglang nagbago ang lahat nung makilala ko ang hearthrobs at ang isang gwapong transferee. Pwe! Gwago pala. Okay bitter na ang dating.

Pumasok kami sa isang restaurant. Mga Rk talaga mga frenny ko haha. Pwede namang sa isa sa mga fast food chain nalang kami kumain e! Why dito pa sa mahal.

Pero dahil nga mga RK sila nagpalibre ako haha. Pero ang mga bruha nilista sa list ng utang ko sa kanila. At ang matindi pa, kasama sa list is yung pagtira ko sa bahay nila Marysse ng ilang araw. 2 days lang yun ah. Pero ang bruha kong frenny ang laki ng singil. 5k one night. Hutaaaa dat pala nag check in nalang ako. Kila mommy nya daw bibigay yung listahan para bayaran lahat ng utang ko.

Speaking of Mommy. Miss ko na sila, pati si Dad. Shocks naiiyak pa ata ako ah. Ngayon lang kase ako naiwan ng ganto katagal nila. And isa pa hindi man lang sila tumatawag sakin o nangangamusta. Mahigit isang linggo na din yung last na usap namin.

And sinabi nila sa call na medyo hindi na muna daw sila tatawag sakin para daw hindi ko sila ma miss at mukang masaya naman daw ako.

Pero miss ko na talaga sila e. Yung bonding naming tatlo. At yung pang iispoiled sakin ni Daddy while si Mommy lagi akong pinapagalitan.

Naalala ko pa nun na nagpabili ako ng bagong phone kay daddy. Yung may malinaw na Camera. Pinaglinis nya ako kunware ng bahay nung umalis si Mommy ng time na yun. Pero dahilan lang nya yun kay Mommy para meron syang Rason kung bat ako binilan ng phone.

Pero balewala ang dahilan kuno ni daddy dahil sinermonan kami parehas ni mommy. Pero after nung time nayun. Hindi na galit si mommy. Pinangaralan nya na lang ako.

Ang dahilan naman ng kalandian ko is dahil para yun sa superr krass ko na si Kaizer my loves. Grade 8 palang ata ako nun hehe. Kaya andami nyang stolen shots sa phone ko.

Nung naalala ko yung mga pics nya. Bigla ko nalang kinuha yung phone ko at pumunta sa files at binura ang may nakalagay na file name na, My Loves. As in delete ang buong files na yun dahil lahat lang naman ng laman nun is stolen pics nya.

Babalik ko nasa yung phone ko sa bulsa ko ng masanggi ko ang baso sa gilid ko. “Shocks” natapon ang laman at nabasag ang baso. Tumawag kagad kami ng waiter at pinalinis yun.

Pero bigla akong kinabahan sa basong iyon. Ewan ko pero parang biglang nag iba yung pakiramdam ko. Parang bumigat yung pakiramdam ko. Kung parang kanina ang gaan gaan, ngayon naman napakabigat at hindi ko na kayang sumabay sa tawa ng dalawa kong kaibigan.

Maya maya pa. Nakita ko nalang na may tumatawag sa phone ko. Nakita ko ang pangalan ng tito ko. Daddy ni Ranz. Bigla akong kinabahan sa call na iyon. Kinakabahan pa ako bago ko mapindot ang answer button.

Nanginginig yung kamay ko nung itutok ko yung phone ko sa tenga ko.

“H-hello” bigkas ko.

“France where are you?” bungad na tanong sakin ni tito.

“Kasama ko po mga kaibigan ko” kinakabahan ko pa ring sagot.

“France wala na ang mga magulang mo”

------
Sana bumalik nalang talaga sa una ang lahat. Sa simula nung hindi ko pa nakikilala ang lahat. Sa umpisa nung simpleng pagtingin ko lang sa my loves ko buo na ang araw ko. Sa simula nung simpleng mga bagay lang masaya na kaming magkakaibigan.

Dahil ngayon diko na alam ang patutunguhan ko.

Para bang isang domino na nahahati sa dalawang kulay. Puti at itim. Magkakasunod na puti at pagkatapos itim naman. Parang nangyayari sa buhay ko ngayon. Simula nung makilala ko ang heartrobs yun na ang start ng domino, tuloy tuloy sa pagtumba ang mga kulay puting domino na mistulang mga magaganda at masasayang pangyayari sa buhay ko. Andun sa puting domino ang lahat ng mga sunod sunod na mga masasaya at napakagandang nangyari sa buhay ko. Pero nung nagsimula na ang pagtumba ng mga itim na domino, hudyat na rin iyon ng mga sunod sunod na hindi magagandang pangyayari sa buhay ko. Ang dominong itim ang tatapos sa buhay ko dahil simula ng magtumbahan ang itim na domino sunod sunod na nagbagsakan ang mga problema sa buhay ko.

At ito na ang pagtatapos na iyon. Dahil bumagsak na ang huling itim na domino at katumbas nun ang pagbagsak ng isang problema na magtatapos ng buhay ko.

Wala na ang mga magulang ko.

Nandito ako ngayon sa tulay ng ilog. Nakatingin at iniisip kung kaya ba akong patayin sa lalim nito. Nakatayo nako sa taas ng harang para sa pagtalon. Habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko at ang pagbagsak din ng ulan mula sa langit.

Natawa pa ako sa ayos ko. Kang Chul lang ang peg.

Pero pagkatapos ng huling ngiti ko. Tuluyan ko ng tinapos ang buhay ko at ang mga ala alang nagpasaya at nagpasakit sa buhay ko sa maikling panahon.

The end.

-----

Author’s Note:
The end. This is the last part of book one. Again, thank you so much for all your support and also I’m very thankful to my loyal readers (Aywow loyal talaga) Guys, nasisiyahan po ako dahil simula sa umpisa hanggang dito sa dulo ay sinuportahan nyo po ako. Uulitin ko po, Beginner palang po ako. In short, this is my first story na natapos ko at also ito ang unang story na nagawa ko. Kaya sorry din po sa lahat ng wrong grammars, typos and also sa spelling haha. Yung iba po, sinadya kong mali talaga at yung iba naman po, diko talaga alam ang spell at yung iba po, sisihin si MS Word, minamali ya spelling ko. Thank you so much sa lahat ng nagcocomment, kase alam nyo guys as a writer (Wow Writer, ito pa nga lang ang unang book na natapos e tas ang ikli pa) Masaya sa pakiramdam kapag nakakabas kami ng mga comments about sa story, masaya sa pakiramdam kapag magagandang comment dahil nakikita kong medyo epektib naman ang story ko. Masaya sa pakiramdam sa negative comments dahil napapansin nya ang mga mali at dapat itama sa story and also para sa improvement ng story.

Guys thank you very much talaga. Ibang saya ang nararamdaman ko ngayon na nakatapos nako ng isang book.

In the arms of Three Campus Heartthrob'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon