Chapter 20

96 5 0
                                    


“Eto pa LOVE oh” sinusubuan lang naman ako ng Fries nitong malandi kong bf sa harap ng schoolmate namin.

Andito kami sa Canteen at lamnyoba mga tih, nakatingin lang naman samin halos lahat ng studyante dito. Yung iba nakangiti yung totoong ngiti. Yung iba naman nakakiller look na sa sobrang pagkabitter. Yung iba naman kala mo patay gutom sa pagkabukas sara ng bibig dahil sa chismis at yung iba naman nakangiti samin na kala mo masaya sa nakikita pero pagkatalikod gusto na kaming patayin dahil sa inggit.

Andito kami ng Love ko kumakain at masaya ako kahit anong pakealam ng tao dahil bati na ulit kami ng mga atih ko.

“Wag mo na akong subuan Love baka makasuhan tayo nyan ng PDA e” pabulong na sabi ko sa kanya.

“Hayaan mo silang mainggit Love” sabi nya nalang ng nakakabit ang kanyang ngiting walang humpay sa pagpapaihi sakin sa kilig tas nagpatuloy sa pagsubo sakin. Syempre choosy paba ako, kaya araaat, kagat, kainin ang sinusubo.

“Atih punta tayong salon mamaya” bulong din sakin ni Marysse na nakasmirk. Anyare bat laging nakabulong.

“Bat papagupit ka?” tanong ko sa kanya habang ngumunguya. Langya kase bubulunan ata ako ni Love andami pang laman ng bibig ko.

“Hindi, babawasan lang natin yang napakalandi mong buhok” sabi nya sabay nguso dun sa isang direksyon.

Pagtingin ko, sabay iwas uli. Luh anyare bat nakatingin silang tatlo sa pwesto namin. Sabi na e, selos na naman sila dahil inggit sila at may liam nako. Talandi talaga. Pero weyt bat pati si Kaizer ansama din ng tingin sa direksyon namin habang kinukulit sya ni Kim. Hindi kaya may…Oh My..kung totoo itong naiisip ko. Antanga nya.

Oo nga pala bati na kaming tatlo dahil kaninang umaga nagsorry na sila sakin dahil nagalit sila pero syempre nagsorry din ako. Nagsorry sila sakin dahil naging masyado daw silang immature sa pagkilos nila, kaya lang naman daw ako naglihim sa kanila dahil alam nilang masasaktan sila. Kaya naman ngayon balik na kami sa dati pero may tampuhan ng onti dahil ngayon lang din nila nalaman na kami na ni Liam Love ko hehe. (Ang harroooot. Dat kinukurot yan sa singet e)

Si Marysse na turn off na sa krass nyang si Bryan dahil pumapatol daw sa kagaya kong dyosa. Di nya daw bet yung ganon dahil ang bet nya is yung totoong lalaki na malalandi.

Si Danica naman, ayun nakatutok sa cellphone nya habang nakangite. Syempre naman lumalablayp din ang bruha, sila na ata ni Ranz e, move on nadin sya sa krass nyang si Yves dahil krass nya lang naman daw talaga yun e, dahil hanggang ngayon mahal nya pa ata ang hambog kong pinsan. Masasabi ko lang masaya ako sa kanila dahil at last nagsama na ulit sila kahit aalis ulit ang pinsan ko.

Bigla naman akong nawalan ng gana kumain nung maisip ko na aalis na si Ranz. Shemmss lang san ako nito tutuloy, diko pa kayang mag isa sa bahay.

“Love ayaw mo naba?” tanong sakin ng BOYFRIEND kong kanina pa pala ako sinusubuan diko lang namalayan dahil sa iniisip ko.

“Ahh, oo e busog nako” sabi ko nalang sa BOYFRIEND ko kase nawalan nako ng gana dahil sa isiping babalik nako sa hearthrobs.

“Ahh ganun ba, sige inom ka nalang nitong shake” sabi pa ng BOYFRIEND ko habang nakangisi. Anyare bat nakangise sya?

Uminom naman ako tas tinignan ko ulit ang BOYFRIEND ko. Pero tih bat ganon ang itsura nya nakangisi lang sya sakin habang kinukuha yung shake na ininuman ko tas bigla syang kumindat at *boom* (Bayaah, tama ba spell haha, nahawa lang ako sa mga kapatid ko, BLACK PINK pa)

Boom kumindat sya sakin at pagkatapos nun bigla nyang dinilaan, as in dinilaan talaga yung straw ng ininuman ko, haha charot lang yung dinilaan di naman manyak yung boyfriend ko, sumipsip din sya sa ininuman ko doon mismo sa straw na ginamit ko.

In the arms of Three Campus Heartthrob'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon