Last chapter but don’t worry dahil may Epilogue pa. Also meron pang book 2 and 3.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Unang nakita ng aking mata ang bintana ng di pamilyar na kwarto. Alam ko kung nasan ako kay di ako nagtaka nung pagdilat ko.
Kitang kita ko mula dito sa pagkakahiga ko ang labas ng bintana. Napakalakas ng ulan. Mukang may bagyo ata dahil mukang makulimlim pa.
Shocks! Napatayo kagad ako nung maalala ko na may pasok pala dahil Monday ngayon.
Pagtayo ko agad ko pinuntahan ang CR para makapag ayos. Pagkatapos nagmadali akong bumaba ng hagdan. Pero nung narealize kong hindi ko pala bahay to bigla akong napahinto.
Shems! San ba kwarto nun? Ahh sinabi nya nga pala sakin kagabe. Na kapag may kailangan ako puntahan ko lang sya sa kwarto nya. Dumiretso kagad ako sa isang pintuan na hudyat na kwarto nya.
Kumatok kagad ako. Nakailang katok nako pero wala parin nagbubukas. Napatingin naman ako sa hallway ng second floor. Walang tao. Hays pasukin ko na lang kaya? Magagalit kaya sya? Hays bahala na.
Pagpihit ko ng door knob. Bumukas, ibig sabihin bukas nga. Pagkabukas ko ng pinto. Bumungad sa mga mata ko ang napakalinis na kwarto. Shems! Pagbukas ko palang parang may factory ng pabango sa loob dahil sobrang bango. Natural na bango.
Dahil sa pagkamangha namalayan ko nalang na nasa loob nako ng kwarto nya. Shems! Daig nya pa ako, napakalinis, napakabango at napaka organize ng kwarto nya. Shems! Even sa kwarto nya merong bookshelves na puno nang laman ng libro.
Nagagamit nya pa ba ito? E diba nag aapartment silang tatlo?
Naglibot pa ako ng tingin at may nakita akong isang pintuan na hula ko ay CR nya.
Shocks! Utak mo France tigil tigilan mo! Nagiging berde na naman. Pero dahil sa kalandian ng utak ko. Nililibot ko na ng tingin ang buong CR.
Lumabas ako ng disappointed. (Malinis na tao yun kaya wag kang umasa na mag iiwan yun ng Brief o kaya Boxer sa CR nya. Harooot mo na din France. –dhells)
Napaupo ako sa kama. At napatingin sa side table. May nakita akong picture frame but nakatumba ito kaya diko nakita yung picture. Pero dahil malande ang kamay at mata ko. Pinakelamanan ko.
Pagkakuha ko. May nabasa ako sa Likod.
‘Happy 2nd Anniversary Babes💗’
-KristineParang biglang may kung anong gumalaw sa puso ko. Shems bat ganto yung nararamdaman ko.
Pati, Kristine? Parang pamilyar yung name ah? San ko ba narinig yun? Aish nevermind.
Unti unti ko nalang hinarap yung picture. Pagkaharap ko ng picture. Parang lalong nag iba yung pakiramdam ko.
Parang nanlamig yung tyan ko sa nakita ko.
Si Yves na nakaakbay at nakatitig sa mukha ng isang maliit pero may malaanghel na muka ng babae.
Kung ikukumpara sakin. Parang sya yung bida sa palabas na maganda na aapi apihin tas ako yung alalay nya. Back up kumbaga. Sya yung Prinsesa at ako yung kaibigan nyang mahirap na anak ng katulong nila. O nagaasumme lang ako na ganon ako. Kase based sa itsura ng babaeng malaanghel na ito ay kapag ikinumpara kame. Sya yung nasa taas at ako yung nasa baba. Never magcocross yung landas namin dahil sa kagandahan nya.
Nanliit ako bigla sa babaeng kasama ni Yves sa Picture. Para bang hindi deserve ni Yves gawin lahat ng ito sakin dahil una palang ang isang Yves Angeles ay para rin sa isang katulad nyang nasa taas.
Pero asan na yung babaeng ito? Kristine, bagay sa kanya yung name nya. Bagay din sa kanya si Yves. Pero asan na sya kung kita naman sa Picture na mahal na mahal sya ni Yves. Sa mga titig palang ni Yves kitang kita ko na yung malalim na pagmamahal nya sayo. At bukod dun nagtagal kayo ng 2 years. Great 2 years. Haha. Kame nga umabot lang ng isang linggo ansaya. Sanaol diba umaabot ng taon.
BINABASA MO ANG
In the arms of Three Campus Heartthrob's
Novela JuvenilSundan ang buhay ni Frances Kyle Cruz na isang SC President sa kanilang campus. Ano kaya ang magiging parte ng buhay ni Frances sa tatlong heartthrob's ng Campus. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay ni Frances sa tatlong nag ggwapuhang lalaki?