Chapter 12

104 6 0
                                    

"Anong ginagawa natin dito?" Ngayon ko lang natanong si bryan na seryosong nanunuod ng t.v. nakaupo kami ngayon sa sofa nila .

"Meet the parents" tapos bigla syang ngumiti.

'Hanudaw?'

Dina ako nakasagot nung bumaba na yung ate ni Bryan.

"Baby bryan pababa na si mommy" sabi nya sabay tabi samin. Pumagitna sya.

"Ano ba Alyanna kitang nakaupo kami nakisiksik ka pa" ansungit talaga ng koya mo.

Andito lang ako sa tabi nila na shocks paren sa sinabi ni bryan.

'Meet the parents'
'Meet the parents'
'Meet the parents'

Kikiligin na ba ako?

Ano ba kase yung ibig sabihin nya sa 'Meet the parents' nayan.

"Buti bumalik ka na anak ko" bumalik lang ako sa ulirat ng may marinig akong boses na parang naiiyak.

Nakita ko ang babaeng mas matanda ng konti kay mommy na lumapit kay Bryan at biglang yumakap.

Ang ganda pala ng mommy ni Bryan. Tas may nakita din akong lalaking gwapo na medyo kaseng age lang din ng mommy ni Bryan.

Pero ang ipinagtataka ko bat wala kamuka sina Bryan at Alyanna sa parents nila?

"Anak buti bumalik ka na" sabi parin ng mommy ni Bryan habang nakahawak yung mga kamay nito sa mga pisngi ni Bryan.

"Ehem...dumaan lang ako dito dahil may sasabihin akong importante" sabi nya sabay tingin sakin.

Nakatitig lang sya sakin tas nakatingin lang din ako sa kanya..naramdaman ko nalang na nakatingin na sakin si alyanna at mommy at daddy ni Bryan..

'Nakakahiya naman kung nasa eksena ako tas di nila ako kilala' kaya magpapakilala na ako kaso nahihiya ako kaya di ako makapagsalita..pero may tumulong sakin..

"Ammm..mom and tito this is Frances Kaibi-" dina natuloy ni Alyanna yung sasabihin nya dahil umekstra si Bryan The Epal.

"Tara na may sasabihin pa ako sa inyo" bat ba ang sungit ng lalaking yun..

Di na sila nakapagsalita at sumunod na sila sa paglalakad ni Bryan at ako eto di na gumalaw..malay ko ba kase kung san pupunta.

Ang pinagtataka ko kung bakit ganon sya kasungit at kabossy dito sa bahay na ito...e pinakikilala lang ako sa parents nya...ay wait. 'Ammm..mom and tito this is France Kaibi-'

'Bakit tito lang tawag ni Alyanna sa lalaki kanina e muka namang mag asawa yung lalaki at mommy nya. Hayyss bala na nga.

"France!" Napatingin ako sa tumawag sakin...nanibago ako sa tinawag nya..e usually PET tawag nya sakin e.

"Bat dika sumunod samin?" Sabi nya pero kalmado naman...pero mukang kinakabahan.

"Diko nga alam yung gagawin ko lalo na di nila ako kilala."

"Tara na nga" sabi nya sabay ngiti ng pilit at hinawakan yung kamay ko...nagulat ako sa paghawak nya sa kamay ko.

Pagpunta namin sa main sala nila...(may pa main sala sila..ang yaman e) pagpunta namin dun nakita ko silang tatlo at ayaw ko sila tignan kase nahihiya ako.

"Baby ano bang sasabihin mo...nagugutom na ako" sabi ni Alyanna.

"Tss" yun lang sinabi nya at umupo na kami.

"Anong importanteng sasabihin mo anak?" Sabi parin ng mommy ni Bryan na tuwang tuwa..

"Hindi ko na pahahabain ito dahil diko talaga kayang makatagal sa pamamahay na ito..." shocks may pa ganon ang playboy "Ipakikilala ko lang naman itong kasama ko" sabi nya parin ng seryoso..

'Srsly? Yun lang yun' e kanina pa nga ako pinakilala ng ate nya sa parents nya.

"Ano kaba baby kilala ko na si France" sabi ng ate nyang natatawa pa.

"Siya si Frances Kyle Cruz..." panimula nya.

"Sya si Frances na kaibi-" dina natapos ni Alyanna yung pagsingit nya ng magsalita uli si Bryan.

"Shut up" sabi nya ng naiinis sa ate nya pero napangiti ako nung ang cute ng itsura nya..

"Sabi ko nga" sabi naman ng makulit na ate nya.

"Gusto kong ipakilala sa inyo ang taong nagpapasaya sakin kahit napakaikling panahon palang naming nagkakilala at kahit na madalas nya akong sinusungitan pero sya lang talaga ang nagparanas sakin ng ganitong saya..kahit nasasaktan nya na ako ng mga nakalipas na araw na hindi nya namamalayan.." tumingin sakin si Bryan at hinawakan yung kamay kong nakapatong sa lap ko..hinawakan nya yun ng mahigpit.

"France gusto kong malaman mo at pati ng pamilya ko na nandito ngayon na gusto kita.." shemmmsss " sasabihin ko ngayon ito sa harap nila para maniwala ka at dahil alam kong hindi lang ako ang nagtapat na sayo"

Grabeee nakatitig lang ako sa mukha nyang pulang pula at ngayon ko lang sya nakitang seryoso...pero iba rin yung kagwapuhan nito dahil kahit anong itsura nya ang wafu nya...pero hindi ko makakaila na kinakabahan ako..sino ba naman ang hindi kakabahan kung kasama mo yung family nya at pinakikilala ka dito as...ano nga ba?

"Kaya pet" punyetang pet na yan...kakilig na e

"Can you be mine?"

'Huh?' Mine agad...walang ligaw ligaw.

-------

Kanina pa ako di mapakali dito sa kwarto dahil pagpasok ko palang ng pinto isang laser na yung pumapatay sakin. At yung isa namn parang di ako nakita kahit na nasangga ko pa sya sa braso.
Yung isa naman grabe ang saya kahit di sya pinapansin ng dalawa pang hearthrobs.

Yung saya ni Bryan kanina nung pinayagan ko syang manligaw..Iba e...even na ayaw ko syang payagan dahil nanliligaw na yung kaibigan nya pero diko sya matanggihan dahil nga nsa harap namin yung parents nya.

Una kinabahan ako nung sinabi ng mommy nya na mag uusap kami ng dalawa lang nung una ayaw pumayag ni Bryan pero napilit sya nung pumayag ako ma kausapin ng mommy nya...kaya ako pumayag dahil nakakahiya naman sa mommy nya...akala ko nung kaming dalawa nalang palalayuin nya ako sa anak nya pero iba ang nangyari dahil niyakap nya ako at nagpasalamat sya sakin..dahil daw dahil sakin nakita at nayakap nya uli yung anak nya at inaasahan nya daw na maging kami na...dun ako na shock mga tih..unexpexted yung mga pangyayari.

Tinanong ko si 'Mommy' lakas makamommy sa mom ni Bryan..yan kase sabi nya sakin e...kaya ginawa ko na. Tinanong ko sya kung bakit nakaseparate ng bahay si Bryan ang sagot nya sakin ay yung Boyfriend ko nalang daw tanungin ko kung ano yung dahilan..

Kastress si Mommy no? Di ko pa nga sinasagot yung anak nya..PA? May balak ba ako?

Kaya tinanong ko si Bryan kanina...at ang walangya nanghingi ng kapalit..ang sabi sagutin ko daw sya..Ang kapal ng fes nya. Pero kinilig ako nung nakita kong namula sya sa pagsabi nya nun..kinilig pa ata sya.

Pagpasok ko naman kanina ng pinto nasangga ako kay Yves dahil palabas din sya...pero parang wala lang sa kanya dahil tuloy tuloy lang sya sa paglabas...feel ko nga nagkasalubong pa sila ni Bryan e..nung dumaan naman ako sa sala..nakamamatay na tingin naman ang binigay sakin ni kaizer my loves...pero wait bat ba sya ganun makatingin inaano ko ba sya..siguro may gusto talaga sya sakin at nagseselos sya..landee lang.

Pero wag umasa erase na natin sya may KIM na sya.

Hayyyss bahala sila dyan. Magfacebook na nga lang.

Pag open ko ng facebook...may nag pop up kaagad na mga chat heads.

At pagtingin ko...OMAYGASH!!!

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
AUTHOR'S NOTE:
COMMENT PO KAYO SA BAGONG UPDATE.
------------
MAG DEDICATE NA PO AKO SA MGA MAPIPILI KONG MAGANDANG COMMENT
------------
ENJOY READING

In the arms of Three Campus Heartthrob'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon