Chapter 18

96 6 0
                                    

“Mr. Cruz” napatayo kagad ako ng marinig ko ang malakas na tawag sakin ni Maam.

“Yes po” narinig ko pang tumawa ng mahina yung mga kaklase ko at nakita ko ring pasimpleng tumawa yung dalawa kong kaibigan na galit sakin ngayon.

Oo galit sila sakin ngayon dahil dun sa nangyare sa mall.

“Kanina pa kita tinatawag at nakatulala ka lang dyan, may naghahanap sayo” sabi nya na parang natatawa sakin.

“Sorry po” yun lang yung sinabi ko at lumakad nako sa back door at doon lumabas.

Paglabas ko bigla namang kumabog ng mabilis ang heart ko dahil sa nakita ko. Bat ba lagi nalang ganto tong heart ko kapag nandito sya. Shemmmms lang e bat ba ganyan yang ngiti nya.

“Hello France ko” bati nya sakin ng may lambing ang boses. Heleeeeee eng lende nemen ne krass. Kakagatin ko sya kapag naging ganyan sya kalambing.

“Hellew din Liam” bati ko rin sa kanya sabay lagay ng bangs ko sa gilid ng tenga, heleeee sye anlondeee lang.

“Bet mo nge pele eke henehenep” halaaaa bat ganon yung dila ko parang nastroke kung makalande.

“h-uh?” tanong nya ng nakakunot ang noo at natatawa.

“Ahh sabi ko bat mo nga pala ako hinahanap” sabi ko ng tuwid dahil kahiya baka maturn off sakin si krass.

“Ahh tara may pupuntahan tayo” sabi nya sabay hatak sakin.

“Weyt weyt may klase pa, baka magkapunishment tayo nyan?” nag aalalang sabi ko.

“Haha ano kaba ikaw kaya ang SC president” sabi nya sakin ng natatawa

“Ayy oo nga noh hehe, kaso mas mukang di pwede yun dahil yung mismong nagpaparusa sya rin ang gagawa ng kasalanan” dahilan ko uli.

“Aish! Ayaw mo atang sumama sakin e” kunwaring nagtatampo nyang sabi at heleee mga tih.. totoo ba itong nakikita ko nakapout si krass.

Halaaa kakilig naman makita na nakapout sya dahil sheemmss lang ang gwapo nya.

“Hehe di naman sa ganon-“ diko na natapos yung sasabihin ko ng nagtamporurut na talaga si krass.

“Di ayaw mo talaga sakin e, nakaraan ko pa napapansin na pati sakin ayaw mong makipag usap” sabi nya tas tumalikod at naglakad habang nagsasalita.

“Sige kausapin mo nalang ako kung gusto muna, andito lang ako sa tabi tabi at hinaantay ang pagpansin at pag ibig mo” natatawa nalang ako ng nakakalayo na sya.

“LIAM” sigaw ko. Napahinto naman sya at di na gumalaw, stop lang sya.

Halaaa mukang totoong tampo nga sya. Di na kase sya humarap at bat ganto itong naramdaman ko ng makita kong naglakad muli sya ng tuloy tuloy. Nasaktan ako.

Halaaa sumunod nalang ako sa kanya na medyo patakbo takbo dahil malayo layo na sya sakin at ayaw ko namang sumigaw dahil makakaistorbo sa mga nagkaklase kaya ayuuuun nag running man ang peg ko.

Nung malapit nako sa kanya tinawag ko na sya. “LIAM” napahinto ulit sya at di humaharap.

Halaaa mukang tampo nga sya pano ba naman kase ang arte ko pa kanina.

Pano ko ba sya mapapaharap sakin…

Isip 
Isip
Isip

Ahhh alam ko na, kaso okay na ba talaga kung ngayon ko gagawin yun, may oras ba dapat kapag ginawa ko yun, may araw ba dapat na susunurin para lang gawin ko yun o di kaya kahit anong araw at oras ko gawin yun.

In the arms of Three Campus Heartthrob'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon