Chapter 29

59 4 0
                                    

Paglabas ko ng CR. Medyo naginginig at may luha pa ako. Kaya bago ako lumabas pinakalma ko muna ang sarili ko.

Napatingin uli ako sa pinto ng CR. Shocks bakit parang di ako galet sa kanya? Diba dapat magalit ako? Pero bakit wala akong ni kahit anong galit na nararamdaman sa kanya.

Pero siguro takot, yun yung nararamdaman ko ngayon lalo na yung nakakatakot but gwapo nyang itsura.

Nung medyo maayos na ako lumabas na ako. At pabalik na sa table. Pero dapat hindi ko na pala ginawa.

Nahinto nalang ako ng pagtayo sa malapit sa table namin. Dahil mula dito kitang kita ko ang dalawang tao na kararating lang ata at ineentertain ni ate alyanna.

Shocks eto yung masakit! Yung sa sobrang sakit mamamanhid nalang yung nararamdaman mo. Dika na makaiyak dahil sa sobrang sakit. Mapapatulala ka nalang sa isang lugar at iisipin ang mga bagay na nagkulang ka. At iisipin mo din kung anong ipinagkaiba mo sa bagong kasama nya.

Mula dito sa pwesto ko. Kitang kita ko ang napakaganda at napakasexy na si Lyka. Diko maikakaila na maganda sya lalo na at nakikita kong halos lahat ng lalaki ngayon dito napapatingin sa kanya.

Nakita ko din si Liam na gwapong gwapo sa suot nya at ang gwapo ng ayos nya ngayon. Tss, palagi naman syang gwapo e. Lalo na yung mga ngiti nyang lalong nagpapawafu sa kanya.

Ngayon narealize ko lang na hindi ako deserving para sa isang Liam. Dahil merong Lyka na deserving para sa kanya.

Pero sa isiping iyon lalo lang akong nasaktan. Shakitt bes parang gusto ko nalang bumalik sa dati na isnag tao lang pinagpapantasyahan ko.

Yung tipong di ako masasaktan, masaktan man ako hindi ganun kasakit.

Yung tipong makita ko lang sya buo na ang araw ko. Mas gusto ko nalang bumalik sa dati na simple lang ang kasiyahan ko. Mahigit dalawang bwan na din pala nagbago ang kalandian ko. Ibang level na ngayon e.\

Sa pag iisip ko. Nashook nalang ako ng biglang may umakbay sakin.

“Ang kyut mo ngayon Pet” nashock ako sa pinakitang attitude sakin ni Bryan ngayon.

Hindi kagad ako nakagalaw sa pagkakatitig sa kamay nyang nakaakbay sakin. Napatitig ako dun.

“Tara na. Sabay na tayong bumalik sa table” sabi nya. Dun lang ako napatingin sa kanya. Pagtingin ko nakatingin din pala sya sakin. Nagkatitigan kami habang nakaakbay parin sya.

Shems! Biglang gumaan yung pakiramdam ko sa ginagawa nitong lalaking to!

Tumaas yung kilay nya na parang nagtatanong. Kaya napaiwas ako ng tingin “balik na tayo sa table”

Kaya nakayuko lang akong naglakad habang nakaakbay padin sya. Bakit hindi ko manlang alisin yung kamay nya? Bakit hindi ako nagrereklamo sa ginagawa nya.

Napahinto kami sa paglalakad na hudyat na nandito na kami sa table. Inangat ko ang tingin ko pero diretso sa mga kaibigan ko. Nakatingin sila sakin ng nag aalala pero ngumiti lang ako sa kanila ng pilit.

Napatingin naman ako kay ate alyanna nung binanggit nya ang name ko.

“Ay Lyk’s eto pala si Bryan kapatid ko, at yun naman si France boyfriend nya” masayang sabi ni Ate alyanna.

Sabay sabay kaming nagreact. At ang isa pang katangahan ko, nagkasalubong ang tingin namin ni Liam. Nakita ko ang galit sa mata nya.

“Oh easy lang kayo guys haha, I mean boy na friend nya.” Paliwanag nya.

“Sila naman si Lyka at Liam na magjowa na nagkabalikan na” sabi ni ate alyanna.

So it’s true. Sila talaga. Hah! Galing mo Liam. Para san pa yung galit mong tingin sakin.

In the arms of Three Campus Heartthrob'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon