Chapter 17

88 6 0
                                    


Dhells POV

Dina tinapos ng hearthrobs yung pinapanood nila kaya lumabas nalang sila at di sinasagot ang kanina pang tanong ni kim na "bakit umalis na tayo?"

Dumiretso ang apat sa 'Cabalens' para maglunch.

"Baby bat dito tayo kakain sa eat all you can? Mga gutom ba kayo" Tanong ni kim sa pinakapabebeng paraan.

Di sya sinagot ni kaizer maging ang dalawa pa nilang kasama kaya tumahimik nalang sya at kumain.

Nung natapos na silang kumain medyo naging magaan na ang pakiramdam nilang tatlo.

"Kai naiwan ko yung wallet ko sa kotse" nakangiting sabi ni Bryan, para bang nang aasar.

"Baby gusto mo kuha kitang dessert" biglang sabi ni kaizer kay kim at si kim naman ay masayang tumango kahit busog na sya dahil at last pinansin na din sya ng baby nya.

"Damot talaga nito oh" nakasimangot nyang sabi "Ves kaw nalang maya ko bigay" sabi naman nyang cool kay Yves na nag fefacebook, may iniistalk.

"Uyy" sabay tingin sa phone ni Yves "kaw ah iniistalk mo yung Pet ko" sabi ni Bryan na medyo naging seryoso.

"Wala akong pera" sabi nalang ni Yves para maiba ang usapan.

"Damot nyo talaga, parang diko kayo kaibigan, saglit lang ha kukunin ko lang wallet ko" sabi naman nya ng medyo pikon dahil sa damot ng dalawa nyang kaibigan.

----
"Kim pakisabi nalang kay kai na magpupunta lang ako sa CR" sabi ni Yves

Umoo lang si Kim. Pagkasabi nun umalis na si Yves papuntang CR.

Si Kim at Kaizer naman umupo muna sa upuan nila habang inaantay ang mga kaibigan.

♡♡♡♡♡♡♡♡
Sa kabilang banda naman katatapos lang ng pinapanood nila at halata mo ang saya sa muka ni France dahil nakatsansing na naman sya sa krass nya. Kaya ang malandeng bakla ihing ihi na dahil sa kilig.

Si Marysse naman medyo inis dahil sya lang yung alaws na partner sa panonood. Dapat nga kanina hahatak na sya ng kayakap kaso nga lang alaws na ang kanyang bebeb dahil umalis na si Bryan.

Si Liam naman makikita mo sa muka nya ang ngiti na nagpahulog sa suso este puso pala ni France (heleer alaws kayang puso ang malanding baklang yun) Pero ibang saya naman ang nararamdaman nya sa puso nya, para bang naeexcite sya sa susunod na mangyayari (parang yung mga reader nito, excited sa mangyayari also bitin din) ganun kase talaga bitiiiin.

Si Danica naman may pagtatakang itsura nung hinahatak sya ni Ranz sa di nya alam kung saan, basta gora nalang sya dahil nakaholding hands sila.

Si Ranz naman banaaaass ang makikita mo sa muka nya.

Pagkarating ng dalawa sa parking lot bigla namang binitawan ni Ranz yung kamay ni Danica, nasa pagitan sila ng sasakyan nila at sa isa pang sasakyan na ang may ari ay si Kaizer.

"Ano bang nangyayari sayo at hinila moko at dinala rito" hinihingal na tanong ni Danica.

"Mahal parin kita" yun lang yung sinabi nya dahil kanina pa syang punong puno sa lalaki na kumakausap at ngumingiti ngiti kay Danica sa Cinema.

Di alam ng dalawa na may nakakarinig ng usapan nila.

Bigla namang nagpantig ang tenga ni Bryan ng marinig nya ang sinabi ni Ranz towards sa kaibigan ni France na school mate nya.

'Gag* yung lalaking yun ah' sabi nya sa isip isip nya.

Naiinis sya dahil inaakala nya na niloloko ni Ranz si France. Di muna sya umaalis sa tapat ng pinto ng kotse ni Kaizer na ginamit nila papunta dito sa mall dahil gusto nya munang marinig ang iba pang usapan dahil sangkot dito ang lalaking umagaw sa kanya kay France.

In the arms of Three Campus Heartthrob'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon