Chapter 22

75 5 0
                                    

Kaizer POV

Shit! Asan ka na ba baby? Bat antagal mong bumalik gabi na oh! Kausap ko sa sarili ko dahil kanina ko pa inaantay si Baby France na kumain pala sa labas.

Shete naaalala ko pa kanina nung nagbigay sya ng pera kay Yves grabeng kilig yung naramdaman ko nun dahil sobrang lapit nya sakin. Ang bakla ko naman.

Tumingin ako sa bintana dahil nagbabakasakali na pabalik na si Baby France. Ayaw ko namang bumaba at doon maghintay dahil baka mahalata ako ng mga kaibigan ko. Sa totoo nga lang mukang may alam na si Bryan e dahil minsan nya naring nakita yung picture ni Baby France sa phone ko. Langya ang gago pakielamero.

Oo ako na ang stalker na gwapo.

Habang naghihintay ako bigla naalang uminit ang ulo ko sa nakikita ko. Seeing my Baby with other guy makes me angry. Kaya tumingin nalang ako sa gagawin nila. At ang saya pa talaga nila ah.

Nung nasa gate na sya napatingin sya sa bintana kung nasan ako, and there nagsalubong ang mata namin pero bigla nyang iniwas at ako naman ay umalis na sa bintana.

Shit! Bat ganon, kaasar bat kase ang tanga ko at ang torpe torpe ko e. Bumaba nalang ako para mawala ang inis ko. Manonood muna ako ng tv para malimot ko yung eksena. Pagbaba ko nakita kong asar na asar yung itsura ni Baby France at tatawa tawa naman si Bryan.

Nanood ako ng tv ng ilang oras at umakyat nako sa kwarto namin ng Baby France ko.

Nung matutulog na kami. Nakita ko si Baby na natutulog na sa higaan nya. At kita ko na nahihirapan sya kaya binuhat ko sya at hiniga sa kama ko. Shit lang ang gaan nya talaga.

Pagkahiga ko sa kanya sa kama ko tinitigan ko sya at diko na napigilan at humiga na din ako sa tabi nya. Tinititigan ko lang syang matulog ewan ko ba sa sarili ko siguro dahil sa saya ko.

Pero nung maramdaman kong yumakap sya sakin at dinantay yung paa sya sakin. Shete Oh tukso layuan mo ako. Nakalapit at nakasiksik nadin yung ulo nya sa dibdib ko.

Shete sana ganto nalang tayo palagi. Napatingin ako sa inosente nyang muka habang natutulog.

Sana ganito din ang nararamdaman mo sakin. Sana mahal mo rin ako…

------
Nagising ako na ang bigat ng katawan ko. Para bang may nakadagan sakin. Nung idilat ko yung mata ko bigla ko nalang tinanggal yung mga kamay at paa nyang nakadantay sakin.

Shet! Nakatulog ako. Buti nauna akong magising sa kanya kundi lagot na. Masyado akong maaga para sa totoong gising ko sa pagpasok. Pero okay na yun atlis malalaman ng Baby ko na matino akong mag-aral.

------
Pero nung kinaumagahan naasar ako sa mga kaibigan ko. Wag nila sakin sabihing may gusto din sila sa Baby ko dahil nag aya ba naman ng paghatid sa baby ko.

Pero shete ang malas namin dahil di sya sumabay maski kanino samin. Pero nung nasa parking na kami inantay ko muna sya at ganun din yung dalawa ewan ko ba dito. Sabi naman nila sasamahan nila ako.

Kaasar lang na dun sya sa lalaki na yun sumabay. Kitang kita namin ang pagbaba nya sa sasakyan ng lalaking kasama nya na kagabi na anak pala ni tita Wilma, yung may ari ng apartment na tinitirhan namin.

Pero ang akala nila si kim yung inaantay ko. At sakto pa nung pagbaba nya ng kotse ni Liam dun din dumating ang gf ko. Kaasar kaya muka syang pahiya dahil akala nya sya yung inantay namin pero sa totoo lang sya naman talaga.

Di namin pinapansin sa school si Baby France dahil ayaw namin madungisan ang pangalan nya, knowing Bryan, isa pa naman yun sa mga suki ng punishment, baka sabihin na hindi sya patas magbigay ng punishment kung malalaman ng mga schoolmate namin na magkakakilala kami at nasa iisang bahay.

In the arms of Three Campus Heartthrob'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon