Chapter 21

85 6 0
                                    

Pagkapasok namin ng bahay nila Love ganun parin yung pakiramdam ko. Parang ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa nakita kong tumawag sa kanya.

Sya naman ay tahimik lang din habang pumapasok kami. Pagpasok ko mahahalata mo talagang mayaman sila dahil sa mga furnitures at design sa bahay nila. And halata mo rin na mamahalin ang mga gamit nila dahil nakikita ko rin yung ibang mga design at furnitures nila sa bahay ng lola namin ni Ranz. Mayaman din kase yun e.

Pagpasok namin muntik na akong matawa sa bumati samin na isang sirena na umahon sa karagatan at ngayon ay lumalandi sa lupa na kagaya ko na rin.

“Shelloww pu sher Liam” sabi ni atih na may brace. At ang malandeeeng bakla kung makatitig sa bf ko mukang may pagnanasa.

Tas tumingin sya sakin at..aba ang walangya inirapan ako. Pasalamat ka wala ako sa mood kundi tatanggalin ko talaga yang brace mo ng tumuwid yang salita mo. Kala mo kinaganda nyang may brace sya e.

Tumingin sa kanya si Liam at ngumiti ng tipid. Oh anoo ka ngayong malandi ka? Kala mo papatulan ka nya sa kalandian mo? Sakin lang yan lalandi no?

Napatingin naman sakin si Ate gurl at nginitian ko sya ng totoo. Yung totoo kong ngiti. At langya inirapan na naman ako with bulong pa, nakita ko pang tumalsik yung laway nya.

Yawk! nubatong si atih ansama na nga ng ugali ang dugyot pa.

“Sher ahrm pinapshabi mo nhi mharm Wilma nha nasha bushinessh tsrip dhaw phu sha at wan wshek shang mawawalha” mahabang sabi nya.

“Okay” yun lang yung sinabi nya. Wala rin siguro sya sa mood. O baka dina gets yung sinabi ni ateng.

“Sher nakahernda napho yeung pagkaern parah syeh hepunarn” sabi pa nya. Hahahaha kung ganto katulong ko siguro araw araw akong matatawa.

“Sige ilagay mo na itong mga gamit ni Love sa guestroom at kakain lang kami” sabi ni Love.

Weyt tama ba ang dinig ko? Sa guestroom ako tutulog. Anyare kala ko magkatabi kami.

Hayyyyssss umasa pa naman akong mayayakap ko si Love sa pagtulog at mahihipo ko yung ano..

Yung absss nya. Utak nyo mga berde…hayss bahala na nga mamaya papasukin ko nalang sya hahaha. Londee ng utak ko. Gutom lang ito.

Habang kumakain kami walang nagsasalita pero nilalagyan nya ng pagkain yung plato ko. Yung totoo gusto ata ako nitong mamatay sa pagkapatay gutom e. Andami na nga ng pagkain ko dadagdagan pa.

Di naman ako makaangal kase wala kaming kibuan. Pero feel ko ngayon lang ako nakakain ng dinner sa tanang buhay ko. Dahil dun sa hearthrobs di ako kumakain ng dinner e. Shocks bat ba sila pumasok sa isip ko. Tresspassing kaasar.

Pero kamusta na kaya sila? Mahigit isang linggo nadin na diko nasisilayan yung mga hawwt nilang katawan ah! Shocks erase erase bat ganun yung utak ko ngayon napakalandi.

“Sher masharap phu bha yeng lutso kho?” tanong nya kay liam at gosh bat nakaganun syang suot. Muntik ko ng maibuga yung iniinom kong tubig.

Agad namang napatayo si Love sa upuan nya dahil nabulunan ako. Hinagod nya yung likod ko habang ako naman ay ubo ng ubo.

“Love ayos ka lang? May masakit ba sayo? Okay ba pakiramdam mo? Sabihin mo tatawag---“ pinahinto ko na si Love dahil alalang alala yung muka nya. Grabe naman kase tong katulong nato magpatawa e. Nabulunan ako dahil sa suot nitong maiksing short na halos makita na yung pwet nya at fit na damit at infairness ah may dyoga si atih.

Pero kaya ako natawa dahil ang itim nya at di bagay sa kanya. Sorry po ang harsh ko.

“Okay lang ako Love” yun lang yung sinabi ko at ngumiti ng totoo kong ngiti. Nakahinga naman sya ng maluwag.

In the arms of Three Campus Heartthrob'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon