"Simple Astro sent you a friend request"
Pagkabukas na pagkabukas ko ng phone ko ay yan ang bumungad sa akin. Hindi ko kilala kung sino iyan ngunit parang may kung anong tumutulak sa akin na huwag balewalain ang request na yan. Kaya naman ay in-accept ko na ito.
Mga ilang minuto matapos kong i-accept ang kanyang friend request ay nagmessage siya sa akin.
Simple Astro: Salamat :)
Simple Astro: Nga pala wag mo sana sasabihin sa iba ang sikreto ko. Ayos lang ba?
Ano naman kaya ang sikretong sasabihin niya sa akin na ayaw niyang sabihin ko sa iba? At tsaka teka lang, hindi naman kami magkakilala pero sasabihan niya ako ng secret? Ayos din ito ah.
Kahit na nagtataka ay nakuha ko pa ring replyan siya. Bahala na lang tutal wala naman akong ginagawa kaya i-entertain ko na lang ang isang ito.
Alterria: Ano naman iyon?
Simple Astro: Astronaut ako
Simple Astro: Huwag kang maingay ah? Ikaw lang nakakaalam niyan hehe
Taragis ano daw? Astronaut? Ha? May topak ata ang isang ito.
Simple Astro: Alam kong iniisip mo na baliw ako pero totoo iyong sinabi ko. Promise
Ang galing naman nito. Mind reader naman pala itong si kuya or ate. Hindi ko alam kung babae ba ito o lalaki eh.
Alterria: Seryoso ka bang astronaut ka? Edi kung ganun isama mo naman ako sa outer space. Gusto ko makita yung ibang planets eh
Nakisama na lang ako sa kausap ko ngayon dahil nabobored na ako dito sa bahay at hindi rin naman ako makatulog.
Simple Astro: Astronaut ako. Pero hindi yung lumilipad papuntang outer space.
Alterria: Ha? Anong klaseng astronaut ka pala?
Simple Astro: Search mo sa google haha
Wala rin sigurong magawa ang isang ito kaya kung anu-ano pinagsasasabi. Pasalamat siya at hindi ako tulad ng iba na madaling mainis sa mga tulad niyang nantitrip sa social media.
Alterria: Haha bahala ka na nga dyan. Matulog ka na lang kasi baka kulang ka lang sa tulog at kung anu-ano na mga sinasabi mo.
Alterria: Sige good night :)
Simple Astro: Hindi naman kasi ako literal na astronaut eh
Simple Astro: Basta kung may oras ka search mo sa google meaning ng astronaut
Simple Astro: Good night Alterria! :)
Hindi ko na siya nireplyan pa dahil medyo nakaramdam na rin ako ng antok. Ngunit dahil may nakalimutan akong tanungin sa kanya ay binuksan ko ulit ang phone ko at nagmessage sa kanya.
Alterria: Uy teka lang may nakalimutan ako
Alterria: Ano nga pa lang name mo?
Simple Astro: Sid
Simple Astro: And Aya hahaha
Alterria: Ano nga kasi?
Simple Astro: Bakit gusto mong malaman?
Alterria: Eh kasi unfair lang na ikaw alam mo pangalan ko tapos ako hindi ko alam yung iyo
Alterria: Sabihin mo na
Simple Astro: Kung anong gusto mooo~
Alterria: Tsk. Naiinis na ako sa'yo ah
Alterria: Unfriend kita dyan eh tapos block
Simple Astro: Uy sorry hindi na haha sorry
Napakatino talaga kausap nito eh. Pasalamat talaga siya at mabait ako.
Alterria: Sabihin mo na pangalan mo
Simple Astro: Sid
Alterria: Totoo na ba yan?
Simple Astro: Hindi haha
Alterria: Taragis naman
Simple Astro: Ay hala nagmura na
Simple Astro: Taragis daw hala
Alterria: Sige kung ayaw mo sabihin bahala ka na dyan
Simple Astro: Uy teka seryoso na
Simple Astro: Sid talaga. Promise totoo na yan
Alterria: Okay, Sid. Good night
Simple Astro: Ayoko muna sabihin sayo totoong pangalan ko haha
Alterria: Sige kung yan ang gusto mo
Simple Astro: Basta tawagin mo na lang akong Sid ha? Sige good night na Alterria
Simple Astro: Sorry sa istorbo
Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nagreply pa sa kanya. Nahihiwagaan tuloy ako kung sino nga ba itong si Sid na sinasabing siya ay isang astronaut.
Bago ako matulog ay naalala ko yung sinabi niya na i-search ko daw meaning ng astronaut.
Pagkatapos kong i-search sa google ang meaning nang astronaut ay doon ko napagtanto ang lahat.
'Sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang kalungkutang kanyang dala-dala palagi'
BINABASA MO ANG
Dealing with an Astronaut
Teen Fiction"An astronaut is a person who travels in a spacecraft into outer space." 'Yan ang alam niya tungkol sa astronaut. Ngunit, sa pambihirang pagkakataon, nagbago ang pananaw niya ng makasalamuha siya ng isang astronaut na hindi lumilipad patungong kalaw...