[Dean's Office, 9:37 am]
Labinglimang minuto na kaming nakaupo ni Kuya Claudric malapit sa table ng dean namin habang hinihintay siya. Sabi kasi niya sa amin na may pinatawag pa daw siya upang kausapin din.
Tahimik lang si Kuya Claudric sa tabi ko at nakatingin lang sa sahig. Hindi ko naman siya makausap dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"T*ngina..." Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Kuya Claudric. Nagmura pa nga. Kahit mahina lang yung pagkakasabi niya ay narinig ko pa rin dahil sa nakabibinging katahimikan sa loob ng office.
Kakausapin ko na sana si Kuya Claudric nang biglang bumukas ang pintuan. Sabay kaming napalingon doon at nakita namin si dean na may kasamang dalawang tao. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung sino yung kasama ng dean namin.
"Nagkita nanaman tayo, Alterria" Matalim na nakatingin ngayon si Sidmaund sa akin kaya agad akong kinabahan. Napansin ko namang ganoon din ang tingin sa akin nung kasama niya. Siguro ay ito ang mama niya dahil malaki ang pagkakahawig nila.
Kaawa-awa naman ang itsura ngayon ni Sidmaund. Puno ng pasa ang mukha niya na namamaga pa at pilay naman ang kaliwang braso niya. Hindi na nga makilala ang mukha niya dahil sa mga pasang natamo nito mula kagabi sa mga kamao ni Kuya Claudric.
Muli nanamang tuming sa akin ang mama ni Sidmaund at pinanliitan ako ng mga mata. Napaiwas na lang ako ng tingin at ibinaling ko na lamang ito si dean namin.
"Maupo na kayo Ma'am Katerina, Sidmaund" Naglakad naman ang mag-ina palapit sa upuang katapat namin. Umupo sa tapat ko si Sidmaund at ang mama naman niya ay sa katapat ni Kuya Claudric. Hindi man ako nakatingin sa direksyon ng mag-ina ay alam kong nakatingin silang pareho sa akin.
"Ms. Constantine" agad naman akong napaayos ng upo nang biglang tawagin ni dean ang pangalan ko.
"Siguro naman ay alam mo kung bakit ko kayo ipinatawag ni Mr. Ackerman dito, hindi ba?" Hindi ako nakasagot kay dean. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at anumang oras ay parang mahihimatay na ako sa kaba.
"Kasalanan ni Sidmaund kung bakit siya nagkaganyan dahil pinagsamantalahan niya si Alterria" Tuloy-tuloy na sagot ni Kuya Claudric. Napatingin naman ako sa kanya at kitang kita ko ang mukha niyang walang pinpakitang emosyon at direktang nakatingin lamang sa kinaroroonan ng dean namin.
"ANONG SINASABI MONG KASALANAN NG ANAK KO? KAYO! KAYO ANG MAY KASALANAN. MGA HANGAL. HINDI NA KAYO NAAWA SA KANYA" Pasigaw na sabi ng mama ni Sidmaund habang dinuduro niya pa kaming dalawa ni Kuya Claudric. Napayuko na lamang ako dahil hindi ako sanay na sinisigawan ako ng kahit na sino. Pakiramdam ko ay bigla na lang tutulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.
"BAKIT TOTOO NAMAN AH? PINAGTATAKPAN MO PA YANG G*GO MONG ANAK. P*TARAGIS!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Kuya Claudric. Ito ang unang beses na marinig kong sumigaw siya at makipagsagutan.
"Kuya Claud...." Hinawakan ko ang kamay niya at pilit siyang pinapakalma. Hindi naman niya inaalis ang pagkakahawak ko at mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ko.
"WALANGHIYA TALAGA KAYO. MGA HANGAL!" Nakita kong tumayo si Ma'am Katerina at akmang susugurin na si Kuya Claudric ng biglang hampasin ng dean namin ang table niya ng pagkalakas lakas.
"MAGSITAHIMIK KAYO!" Umupo na ulit si Ma'am Katerina habang matalim na nakatingin sa direksyon namin, lalong lalo na sa akin.
"So, Ms. Constantine, totoo bang pinlano niyo ni Mr. Ackerman na bugbugin si Sidmaund?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni dean at agad akong napatingin kay Sidmaund na direkta lang nakatingin sa akin. Bigla akong tumayo at lumapit sa lamesa ni dean at medyo napahampas ako ng kaunti dito dahil sa nararamdaman kong inis na pinipigilan ko lamang.
BINABASA MO ANG
Dealing with an Astronaut
Teen Fiction"An astronaut is a person who travels in a spacecraft into outer space." 'Yan ang alam niya tungkol sa astronaut. Ngunit, sa pambihirang pagkakataon, nagbago ang pananaw niya ng makasalamuha siya ng isang astronaut na hindi lumilipad patungong kalaw...
