DA - 011

14 3 0
                                    

Third Person:

"Saan mo gustong kumain, babe?" Tanong ni Gideon sa kanyang kasintahan na kasalukuyang nililibot ang tingin sa kabuuan ng Cerulean Circle. Naghahanap ng pwede nilang makainan.

"Ikaw na lang mamili" Ngumiti lang ang dalaga sa kanyang nobyo bago ibinaling muli ang atensiyon sa paglilibot.

"Sa Square Root na lang tayo. Masarap yung sisig nila doon" Masiglang sabi ni Gideon sa kanyang nobya na sinang-ayunan naman nito.

"Sige" Tipid na sagot ng huli kay Gideon. Nagtungo naman sila sa Square Root habang magkahawak ang kamay.

Sa kanilang paglalakad ay nasalubong nila ang grupo nina Eustace na naghahanap din ng makakainan nila sa loob ng Cerulean Circle.

"Oy soy nays" Nakipag-apir si Eustace kay Gideon at nagtawanan pa ang mga ito. Maging si Benedict ay nakipag-apir din. Kasama din nila si Claudric na kakabalik lang matapos ang isang linggong pagkasuspinde niya sa EC. Makikipag-apir na sana si Gideon dito ngunit ngumiti lang ito sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"So kayo na pala?" Manghang tanong ni Benedict kay Gideon.

"Oo soy" Nakangiting sagot ni Gideon sa tanong ng huli sa kanya. Kinantyawan naman sila bigla nina Eustace at Benedict. Samantalang si Claudric ay tahimik pa din sa gilid at hindi nakikisama sa kanila.

Bigla namang tumingin si Claudric sa nobya ni Gideon at ngumiti rito. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ng huli sa pagngiti ng binata sa kanya. Mabuti na lamang at abala ang kanyang nobyo sa pakikipag-asaran kanila Eustace at Benedict kaya hindi nito nakikita ang reaksiyon niya ngayon.

"Kayo na pala" Nanatili pa ring nakangiti si Claudric sa kanya na lalong nagpapabilis sa tibok ng puso niya.

Sinubukan niyang magsalita ngunit kahit isang salita ay walang lumalabas sa kanyang mga labi.

"Congrats dahil kayo na ni Gideon, Al"

Kung kailan may sasabihin na sana si Alterria sa huli ay sakto namang natapos sina Gideon sa pang-aasaran.

"Sige soy, una na kami. Enjoy your date" Pahabol ni Eustace sa magkasintahan saka umalis na sila ng kanyang mga kaibigan.

Nagkatinginan muli sina Claudric at Alterria bago tuluyang magkalayo ang kanilang mga landas

"Tara na?" Bigla namang nabalik sa realidad si Alterria nang yayain siya ni Gideon.

Tipid lamang siyang ngumiti sa nobyo at tumango. Nagpatuloy na muli sila sa paglalakad na magkahawak ang mga kamay.

---

Media taken from Facebook. Credits to the rightful owner.

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon