Nakatambay ako ngayon kanila Gid dahil walang pasok ang buong Evergarden College ngayon. May seminar kasi silang pinuntahan kaya wala kaming pasok ngayon. Naisipan ko lang na pumunta sa bahay ng best friend ko dahil baka'y nabaliw nanaman sa pag-iisa at kinakausap na ang pader. Hindi kasi siya mahilig magkwento sa pamilya niya dahil ayaw niyang idamay ang mga ito sa kanyang mga problema.
"Oy Gid nga pala may itatanong ako sayo" Tumingala naman si Gid at pansamantalang itinigil ang kanyang pagpipinta.
"May kilala ka bang Sid?" Napakunot naman ang noo niya sa tanong ko. Siguro wala siyang kilala.
"Si Sid? Ogie AlcaSID?" Ngumisi pa talaga siya na akala mo eh nakakatawa yung sinabi niya kahit hindi naman.
"Parang tanga naku. Seryoso kasi taragis ito" Tumawa lang ang loko ng pagkalakas lakas. Abnormal din eh. Padala ko ito sa mental eh.
"Wait lang hindi ko kasi matandaan kung saan ko narinig yung Sid pero familiar siya eh"
"Alalahanin mo. Tagal ko na kasing gusto makilala yun eh" Inalog alog ko siya't nagbabakasakaling maalala niya bigla.
"Alam ko na! Kaklase namin yan eh. Si Sidmaund" Sidmaund? Hindi siya familiar sa akin. Halos lahat naman ng mga ka-course ko ay kilala ko. Siguro ay irregular student itong Sidmaund na ito.
"Sino si Sidmaund?" Pagtatanong ko. "Hindi ko kasi nakikita yun. Irregular student ba yun?"
"Oo irreg yun kaya bihira mo lang makita" Napatango lang ako sa sinabi ni Gid at maya maya'y bigla akong nag-isip.
'Hindi kaya siya si Simple Astro? Yung Sid na ka-chat ko na astronaut wannabe?'
"Bakit mo nga pala natanong Ter? Crush mo ba? Ayieee"
"Manahimik ka naku hampas ko sayo yang mga canvas mo dyan eh naku" Tumahimik naman ang loko habang nakangiti pa rin.
"Eh bakit mo nga kasi natanong?"
"May nagchachat kasi sa akin na Sid daw yung pangalan tapos block b daw siya at same course sa atin" Biglang nagsalubong yung mga kilay ni Gid at parang nag-iisip.
"Baka naman mamaya kung sino lang yan ah? Nakakapagtaka naman kasi kung si Sidmaund yun eh hindi ka naman ata kilala noon eh" Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya habang nakatingin ng diretso sa akin. Teka lang oh teka lang bakit ganyan siya makatingin ha? Grabe lang eh grabe.
Bigla namang umilaw yung screen ng cellphone ko at sabay kaming napatingin ni Gid dito. Dahil mataas ang brightness at nakalimutan kong babaan, kitang-kita na may nagchat sa akin.
"Simple Astro sent you a message" Ay ang galing ha? Pinag-uusapan lang namin siya ngayon ni Gid tapos ayan biglang nagchat. Wow.
Akmang kukuhanin ko na sana yung cellphone ko nang biglang hinawi ni Gid yung kamay ko at siya ang kumuha.
"Huy ano ba? Bakit mo kinuha? Akin na yan uy" Pilit kong inaabot yung cellphone ko sa kanya kaso nilalayo niya rin.
"Sino itong Simple Astro ha? Siya ba yung sinasabi mo?" Sigurado akong na-unlock na niya ngayon yung phone ko dahil alam niya kung anong password nito.
Simple Astro: Hey magkita tayo mamaya sa Bluestone Valley. 5pm
Pagkatapos niyang basahin ay tumingin siya akin nang nakakunot pa rin ang noo. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi eh kasi hindi naman siya mukhang galit kahit nakakunot ang noo niya.
"Wag kang makipagkita dito naku mamaya masamang tao ito" Pilit ko namang inagaw ulit sa kanya yung phone ko at hindi ko pa rin nakuha.
"Huy akin na kasi yan para mareplyan ko na"
"Hindi. Ako magrereply sa kanya" Nakita ko naman na nagtatype siya sa phone ko ng reply sa chat ni Sid. Taragis itong si Gid ayaw pa ibigay kasi sa akin eh.
"Yan na okay na" Binalik na sa akin ni Gid yung phone ko habang nakangisi sa akin. Jusmiyo ano naman kayang sinabi niya ha?
Alterria: Hala sorry but hindi ako pwede today eh
Alterria: I have dysmenorrhea kasi ngayon and super duper sakit talaga like omg feeling ko pinupukpok puson ko
Alterria: I'm so sorry talaga ha? Next time na lang
Taragis na reply yan. Ang konyo masyado. Hindi ako ganyan magchat eh.
"Jusmiyo Gideon bakit naman ginawa mo akong konyo ha?" Natatawa naman si Gid mula sa kinauupuan niya. Naku hampas ko talaga sa kanya mga paintbrushes niya pastilan.
"Para naman tigilan ka na niyan naku mamaya killer na pala yan eh"
"Ay jusme ka Gid ano ba yan ha? Nasaan nanaman ba ang utak mo ngayon? Sa kabilang dimensiyon na ba ha? Grabe makapang-akusa eh"
"Ay naku sa panahon ngayon mahirap nang magtiwala. Lalo na yung ganyan na sa chat lang nakilala naku mabuti na yung sigurado" Napairap na lang ako sa best friend kong nasa kabilang universe nanaman ang utak. Ay naku naman kasi kung anu-anong binabasa sa Internet eh.
Tiningnan ko naman yung phone ko at nakita kong nagreply si Sid.
Simple Astro: This is not you, Alterria
Simple Astro: May iba bang may hawak ng phone mo? Or baka nanakaw?
Simple Astro: Or maybe you're just pretending to be another person?
Hindi ko alam pero parang ibang Sid yung kachat ko ngayon. Parang natakot ako bigla sa kanya? O nahawa lang ako sa pagiging paranoid ni Gid?
Sumeryoso naman bigla ang mukha ni Gid. "Basta wag ka makikipagkita. Iba pakiramdam ko sa kanya eh"
"Oo na hindi na, hindi na taragis mamaya maging si Hulk ka bigla dyan eh" Natawa naman bigla si Gid sa sinabi ko. Tingnan mo ito kanina galit ngayon naman ang saya. May bipolar disorder ata ito eh.
Nireplyan ko na lang ulit si Sid or kung si Sid nga ba talaga ito. Inglisero kasi eh. Hindi naman ganyan magchat si Sid pero baka siguro hindi ko lang din alam na magaling talaga siya doon? Kasi nga hindi ko naman siya personal na kilala eh.
Alterria: Pasensya ka na sa kaibigan ko hahaha siya kasi may hawak ng phone ko eh
Alterria: Pero totoo yung sinabi niya na hindi ako pwede ngayon kasi nga may dysmenorrhea ako. Sorry
Alterria: Kita na lang tayo kasi sa school hahahaha tutal naman same school and course tayo eh
Mga ilang minuto din bago magreply si Sid. Parang ang haba ng sasabihin niya ah? Tagal magtype eh.
Simple Astro: Okay, no problem 😉
Ang weird talaga nitong si Sid ngayon. Parang iba talaga eh. Pero baka talagang hindi ko lang din siya lubusang kilala kaya ganyan.
Nagpatuloy naman si Gid sa ginagawa niyang painting. Nakatulala lang ako sa kawalan habang iniisip kung bakit ganoon makipagchat si Sid. Hindi ko kasi maiwasang isipin na ibang Sid yun eh kaya hanggang ngayo'y napapaisip pa rin ako.
"Gid" Tinawag ko bigla yung best friend ko at tumingala naman siya sa akin.
"Hindi kaya si Sid at yung Sidmaund ay iisa lang?" Napagtanto ko lang kasi bigla na baka iisa lang sila dahil unang-una yung pangalan. Sid ang palayaw nung Sidmaund na iyon at yung nakikipagchat sa akin ay nagpakilalang Sid. Tapos nasabi din siya na block b siya at same course namin. Hindi kaya siya talaga iyon?
"Imposible yun Ter kasi di ka naman talaga kilala noon eh. Pero kung sakaling si Sidmaund nga yan, wag ka pa rin makipagkita. Mas mabuti nga kung di mo na kakausapin yan eh kasi di natin kilala yung Sidmaund na yun" Gideon Claymore's paranoia level = 999999999999.9999999999
"Okay, okay hindi na naku naku. Kalma lang bui" Sinang-ayunan ko na lang siya kahit na sa huli eh makikipagchat pa rin ako kay Sid. Bakit? Kahit papaano naman kasi medyo nasasanay na ako sa kanya kahit hindi ko pa siya nakikita sa personal. Curious din ako kung sino ito eh.

BINABASA MO ANG
Dealing with an Astronaut
Novela Juvenil"An astronaut is a person who travels in a spacecraft into outer space." 'Yan ang alam niya tungkol sa astronaut. Ngunit, sa pambihirang pagkakataon, nagbago ang pananaw niya ng makasalamuha siya ng isang astronaut na hindi lumilipad patungong kalaw...