DA - 001

41 3 0
                                    

Panibagong araw nanaman para sa walang kwenta kong buhay. Napakahirap kung tutuosin dahil sa tuwing imumulat ko ang aking mga mata ay masisilayan ko nanamang muli ang masalimuot na relayidad.

Kailan nga ba ako makakatakas sa mga problemang ibinabato ng kalangitan at mamahinga na lamang habangbuhay?

Maya maya'y biglang nabalik ang aking ulirat matapos ako lamunin ng aking mga iniisip sa loob ng labing limang segundo noong marinig ko ang dalawang tao sa tabi ko na nag-uusap. Hindi. Naghaharutan? Ay ewan ko ba. Sakit nila sa mata.

Maraming tao dito sa canteen kaso kasi hindi maiiwasang sila ang mapapansin ko kasi nga diba? Katabi ko lang sila eh.

"Hindi, Sol. Ganito kasi yan. Ito kasi yung una tapos ito yung susunod" Narinig ko naman si Gideon na parang may itinuturo kay Solar. Lawak ng ngiti ng bessy ko eh. Sarap hampasin ng laptop na nasa harap ko ngayon.

"Sorry na, Gid hahahaha" Ayan naririnig ko silang nagtatawanan. Taragis na yan sana lamunin na lang ako ng lupa ngayon.

Napairap na lang ako at binalik ang atensyon sa ginagawa ko. Yung research namin. Oo, ako lang gumagawa kasi masyado kasing busy yung dalawa kong kagrupo eh. Nakakahiya naman sa kanila.

"Girl lapit ka na ba matapos ha? Gusto ko na kasi umuwi eh" Nalimutan ko na laptop nga pala ito ni Ayesha at kailangan ko nang bilisan yung paggawa sa research namin. Kaso paano ko matatapos agad kung walang tumutulong sa akin diba? Taragis na buhay ito.

"Wait, malapit na ito matapos. Kalma ka lang" Ito problema sa akin eh. Hindi ako marunong magreklamo kasi nahihiya ako. Ewan ko ba. Siguro takot lang ako na may masabi sila sa akin kaya inaako ko lahat ng ito kahit nahihirapan ako. Bahala na basta sila magpresent niyan.

Natapos ko yung research namin ng ako lang ang gumawa. Tama mga kababayan, ako lang gumawa taragis na buhay kasi eh. Yung best friend ko kasi masyadong busy sa isang kagrupo namin naku naman. Buti na lang at nagpresinta si Gideon na sila na lang daw ni Solar magpiprint at magpapasa. Salamat naman.

Palabas na kami ngayon ng Evergarden College. Magkakasabay kami nina Gideon, Solar, at Ayesha. Nasa harap namin ni Ayesha sina Gid. Nagtatawanan.

"Uy nga pala, Ter. Una ka na umuwi ah? Sabay ka na kay Ayesha kasi samahan ko pa si Sol eh" Bigla niyang nilapit ang bibig niya sa may tainga ko at bumulong "Hehe libreng date na din" At humagikhik ang loko.

Edi sila na magdedate. Sila na magkasama naku. Simula kasi naging close yang si Gideon at Solar wala na nakalimutan na ako ng best friend ko. Tapos nalaman ko pa na may gusto pa sila sa isa't isa kaya ayan laging magkasama. MU daw sila eh. Edi wow.

Inirapan ko lang si Gid at um-oo na lang ako sa kanya.

"Salamat, Ter. Promise bawi ako sa'yo next time" Niyakap naman niya ako ng sobrang higpit habang inaalog ako.

"Taragis hin-di achkk-ko mak-achk-hinga. Bi-tawa-acckk-n mo akccckko" Grabe kasi parang papatayin na ata ako nito eh.

Agad naman akong binitawan ni Gideon at nag-sorry saka pumunta kay Solar na nasa likod pala namin.

"Sige na. Bye, Ter. Ingat"

"Ge ingat din" Sinundan ko naman si Ayesha pero bago ako makasunod ay lumapit muna sa akin si Solar. Nakangiti.

"Alterria, thank you ha? Ingat sa pag-uwi" Hay naku kung hindi lang mabait itong si Solar matagal ko nang nasapak ito eh. Oo gusto ko siya sapakin mga kababayan kasi naiinis ako sa kanya okay? Okay.

"Sige. Ingat din kayo" Nagba-bye na sa akin si Solar at pumunta na kay Gideon na nakangiti pa rin. Nakita ko namang nakangiti din si Gideon sa kanya. Napakasaya lang nilang tingnan.

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon