salve (pt. 2)

16 3 0
                                    

- Alterria -

[December 8, 2017, 2:37 pm]

Pababa kami ngayon ni Tine papuntang canteen dahil magpapaprint kami ng documentation ng project kay Sir Mariano. Yung mga partner kasi namin ang gumawa ng video tutorial sa client-server connection at cabling. Samantalang kami naman ni Tine ay nakaassign sa paggawa ng documentation.

"Hanggang anong oras ba si Sir Mariano ngayon?" Tanong ko kay Tine.

"Hanggang 6 daw siya ngayon. Mas maganda na mapasa natin ito ng maaga para makauwi na rin tayo" Matagal pa bago umuwi si Sir Mariano pero may punto si Tine. Gusto ko na rin kasi umuwi at magpahinga. Nakakapagod maghabol ng mga requirements naku.

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na kami sa pagbaba hanggang sa makarating kami sa canteen. Buti na lang eh walang tao sa pagpiprintan kaya agad kaming nakapagpaprint.

"Potek mukhang kukulangin pa ata itong pera ko. Ang dami din pala ng pinaprint natin" Reklamo ni Tine nang makita ang sandamakmak na pahina ng docu na kasalukuyang iniluluwa ng printer.

"Ako nga din eh. Sana bumaba na dito sina Kuya Claud" Inaayos kasi nila yung cd na naglalaman ng video tutorial kasama nung docu na ipapasa namin kay Sir Mariano. Sana natapos na nila yun para wala nang problema.

"230 po lahat" Agad ko namang binuksan yung wallet ko para kumuha ng pambayad.

'Potek 50 lang laman ng wallet koooo????!!!!' Natataranta na ako dahil kulang ang pambayad ko. Yung kay Tine naman eh sakto lang para sa docu nila. Tig-115 kasi kami.

"Teeeer!"

"Ahhhh!" Nabigla naman ako sa kamay na pumatong sa kanang balikat ko at agad akong napalingon dito para tingnan kung sinong nagmamay-ari ng kamay na ito.

"Hala Kuya Claud grabe ka naman. Ginulat mo naman ako masyado" Natawa lang si Kuya Claud sa reaksiyon ko. Nakakaloka naman kasi siya eh. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa pagkagulat. Punyeta.

"Sorry, sorry haha! Magkano na ibibigay ko?" Medyo natatawa pa rin siya hanggang ngayon kaya bigla ko naman siyang nahampas. Mahina lang naman na hampas para lang matigil siya.

"Dadagan mo itong 50 pesos ko Kuya. 115 kasi lahat eh" Nakita ko namang kinuha niya yung wallet niya mula sa bulsa niya at iniabot sa akin yung 100 pesos.

"Ayun salamat, Kuya Claud. Bigay ko na lang yung sukli" Buti na lang eh sakto ang dating ni Kuya Claud pati si Benedict. Nakita ko namang nagbayad na si Tine para sa docu nila at agad akong sumunod doon.

"Kuya ito na po yung bayad" Inabot naman ni Kuyang nagbabantay sa printeran yung bayad ko at nagpasalamat siya sa akin. Tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya habang inaabot naman niya sa akin yung sukli.

Pagkakuha ko sa docu namin eh pumunta naman na ako sa pwesto nina Tine kung saan inaayos na nila yung ipapasa nila.

"Oy Ter, ito nga pala yung cd natin" Pinakita naman ni Kuya Claud yung cd na ipapasa namin. "Nalagay ko na yung video dito"

"Salamat, Kuya Claud. Ay ito nga pala sukli mo" Inabot ko yung sukli niya sa pinaprint namin kaso pinigilan niya ako bigla.

"Hindi sige sayo na yan Ter" Inilayo niya yung kamay ko pero nanlalaban ako at inaabot sa kanya yung sukli.

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon