DA - 004

21 3 0
                                        

Naglalakad ako ngayon papunta sa school namin. Kasabay ko sina Gid at Solar. Nagtatawanan kami dahil panay ang joke ni Gid sa amin kahit na waley naman karamihan ng mga biro niya eh tinatawananpa rin namin ni Solar bilang suporta kay Gid.

Parang walang nangyari ano? Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito kami ni Gideon at okay ako kay Solar. Ganito kasi yun.

---

"GUSTO KITA GID!" Bigla kong sabi kay Gid at bigla naman kaming nagkatinginan. Ayun tulala kaming pareho.

Katahimikan. Yan ang sitwasyon namin ngayon. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa at parehong naghahanap ng mga salitang sasabihin. Tila'y naestatuwa kami sa aming kinaroroonan.

Mga ilang sandali pa lang ay si Gid ang unang nagsalita. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkabigla ngunit nakuha naman niyang kumalma at naging normal na ang ekspresyon niya.

Ngumiti muna siya bago magsalita. Taragis ha? Nakuha pang ngumiti ng loko.

"Alam ko" Lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gid. Teka paano? Kailan pa? Madaming tanong ang bigla'y sumagi sa isip ko.

"Paano? Bakit hindi mo man lang sinabi?" Nararamdaman ko naman na parang nag-iinit ang gilid ng aking mga mata. Tila naiipon ang mga likidong gustong kumawala mula rito.

Nanatiling tahimik sa Gid habang nakatingin sa akin. Nawala ang ngiti nito.

"Gid magsalita ka naman. P-paano m-mo nal-ama-n?" Utal kong sabi dahil hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Naiiyak na pala ako.

"B-bak-it h-in-di m-mo man lan-g sin-nab-i? Gi-iid" Napayuko na lang ako habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko sa aking mga mata.

"Ter ramdam ko. Ramdam na ramdam ko. Pero hindi lang ako nagsalita dahil baka isipin mong assuming ako masyado" Tiningnan ko si Gid at parang maiiyak na din siya ngayon. Bakit siya ganyan? Anong ibig sabihin ng pinapakita niya? Ang gulo. Napakagulo.

"EDI SANA NAGSABI KA DIBA?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"PINILI KONG MANAHIMIK DAHIL AYOKONG MASAKTAN AKO TER. AYOKO, Ayoko, ayoko..." Siya naman ang napayuko ngayon at tuluyan ng umiyak.

"Gid anong ibig mong sabihin? Ha? Anong ayaw mong masaktan? Gid naguguluhan ako"

"Ter gusto din kita eh. Kaso, kas-" Hindi na niya natuloy yung sinasabi niya noong bigla kong iangat ang mukha niya at hinalikan ang kanyang mga labi. Nagulat naman ako na rumeresponde siya sa mga halik ko ngunit tumigil siya at inilayo ako sa kanya.

"Oo gusto kita Ter kaso si Sol na ang mahal ko" Nadurog lalo ang puso ko sa sinabi ni Gid. Bakit pa niya sinabing gusto niya ako hindi ba? Bakit? Lalo lang akong naguguluhan eh.

"Noong time na unti-unti akong napalapit sayo Ter, noong naging magkaibigan na tayo, doon ko narealize na gusto na kita. Na nahulog na ako sayo. Tapos nagpakita ka ng motibo kaya mas lalo akong umasa kaso bigla namang dumating si Kuya Claudric sa eksena. Naging malapit din kayo sa isa't isa kaya naisip ko na baka maling akala lang pala ang lahat. Na baka nag-assume lang ako na may gusto ka sa akin dahil sa mga pinapakita mo. Kaso sa tuwing nakikita ko kayo ni Kuya Claudric na magkasama, ibang klaseng tuwa ang nakikita ko sa mga mata mo. Akala ko, akala ko ako lang ang nagpapasaya sayo, kaso may iba pa pala. Si Kuya Claudric." Tumigil sandali si Gid. Hinahabol ang kanyang hininga.

"Gid..." Wala akong ibang masabi dahil nauubusan ako ng mga salitang sasabihin sa ngayon.

"Tuwing nagkakausap kayo ni Kuya Claudric iba yung mga ngiti mo. Totoong totoo. Kaya napagtanto kong talagang maling akala lang ang lahat. Na umasa lang ako sa wala."

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon