TRIGGER WARNING:
This chapter contains self-harm and attempted suicide. Please read at your own risk.
---
Mula sa kanyang kinauupuan, ilang minuto na siyang nakatitig sa hawak-hawak niya at iisa lamang ang naiisip niya sa mga oras na ito.
"Matatapos na ang lahat. Matatapos na"
Unti-unti niya itinapat sa kaliwang pulsuhan niya ang maliit na patalim na kanina pa niyang hawak at tinititigan.
Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang itinusok ang dulo ng patalim sa kanyang pulsuhan.
"Magiging maayos na ang lahat pagtapos nito"
Pagkabaon ng patalim sa kanyang balat ay bigla siyang napapikit sa sakit na naramdaman. Napakahapdi. Sa isip-isip niya.
Makalipas ang ilang minutong pag-inda sa hapding naramdaman ay mabilisan niyang sinugatan ang kanyang pulsuhan. Kaagad namang bumulwak ang pulang likido mula sa sugat dulot ng patalim na idinaplis niya sa kanyang pulsuhan.
"Kulang pa. Bakit ba hindi ko pa nilaliman hanggang sa ugat?"
Unti-unti nang tumulo ang kanyang mga luha habang patuloy na sinasaktan ang kanyang sarili. Gusto lang naman niyang mamahinga na ngunit bakit hindi siya pinagbibigyan sa kanyang kahilingan?
Nanginginig niyang idinaplis muli sa kanyang pulsuhan ang dulo ng patalim. Gustuhin man niyang paabutin ang dulo nito sa kanyang ugat ay hindi niya magawa. Nagtamo lamang siya muli ng sugat kagaya noong nauna. Pinagmasdan lamang niya ang dugong umaagos mula sa mga sugat na kanyang ginawa. Sa pagkakataong ito ay balewala na ang sakit at hapding kanyang nararamdaman kung kaya't nagpatuloy lang siyang sinaktan ang sarili.
"Bakit ba ayaw mong ibaon ha? Gusto mo nang mamatay diba?"
Napakarami ng sugat ang kanyang natamo ngunit patuloy pa rin niyang ginagawa ang pananakit sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagdaplis ng patalim sa kanyang pulsuhan. Ang iba naman sa mga sugat niya ay hinihiwa na lamang niya ulit at pinagmamasdan ang bumubulwak na dugo mula rito.
Natigil lamang siya noong biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at laking gulat niya ng makita ang isang taong hindi niya inaasahan.
"KUYA CLAUD!!!"
---
Alterria
Pagkabukas ko ng kwarto ni Kuya Claudric ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon.
"KUYA CLAUD!!!"
Kaagad akong tumakbo palapit sa kanya at kinuha ang patalim na hawak niya. Binato ko naman ito malayo sa kinaroroonan niya upang hindi na niya ito makuha pabalik. Niyakap ko naman siya ng napakahigpit at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Kuya, tahan na. Nandito ako para sa'yo. Tahan na" Ramdam na ramdam ko ang mga hikbi niya mula sa aking balikat. Hindi ko namalayan na unti-unti na rin palang tumutulo ang mga luha ko dahil sa pag-iyak ni Kuya Claudric ngayon. "Magiging maayos din ang lahat, Kuya"
Alam kong may mali sa mga ikinikilos niya kanina. Ramdam kong may problema. Mabuti na lamang at sinunod ko ang pakiramdam ko at pinuntahan siya dito sa bahay nila.
---
Pagkababa ko sa may tapat ng gate namin ay hindi ako pumasok kaagad. Ewan pero hindi talaga ako mapakali. Iniisip ko kasi si Kuya Claudric. May mali kasi eh.
BINABASA MO ANG
Dealing with an Astronaut
Roman pour Adolescents"An astronaut is a person who travels in a spacecraft into outer space." 'Yan ang alam niya tungkol sa astronaut. Ngunit, sa pambihirang pagkakataon, nagbago ang pananaw niya ng makasalamuha siya ng isang astronaut na hindi lumilipad patungong kalaw...