DA - 009

12 2 0
                                    

"Aba may pa-scarf si mayora ngayon" Puna sa akin ng best friend kong si Gideon. Magkasama kami ngayon dito sa canteen dahil pareho kaming loner ngayon. Wala pa kasi yung mga tropa ko samantalang sina Solar at Celestine naman ay hindi daw papasok.

"He! Manahimik ka. Nemal" Sita ko naman sa kanya dahil naiirita na ako sa pang-aasar niya. Panay ngisi pa ang loko. Buhos ko sa kanya itong iniinom kong pineapple juice eh. Punyeta.

"Musta naman sa Alaska, mars? Sobrang lamig ba doon ha?" Tumawa pa talaga ang loko taragis na yan. Dahil hindi na ako nakatiis eh tumayo ako sa inuupuan ko at binuhos sa kanya yung pineapple juice na iniinom ko. Ayun natahimik bigla. Buti nga sa kanya haha.

"Taragis ka, Ter. Bakit mo binuhos???" Tawang tawa ako ngayon sa itsura ni Gid. Akala mo basang sisiw eh. Ganyan po ako kabully mga kababayan kaya masanay na kayo dahil level 0 pa lang yan.

"Hindi ka kasi tumigil agad sa pang-aasar mo kaya ayan pinaliguan kita. Masarap ba yung juice, mars?" Napasimangot na lang si Gideon pero natawa na din. Hindi naman siya pikon kaya ayan nakikitawa na rin siya ngayon at tsaka sanay na rin naman siya sa mga pambubully ko sa kanya eh. Ganyan ko kasi ipakita ang pagmamahal ko sa mga taong mahalaga sa akin. Ayieeee napakatamis. Kadiri.

Aemitielle: So korni naman diz gurl.

Alterria: Ay hala nakisingit nanaman si owtor. Papansin.

Aemitielle: Gusto mo bang tawagan ko si Sid at dalhin ka niya sa Riverwalk ha? 😇

Alterria: Ay hala wag po dear owtor hihihi sorry na po. Titigil na.

"Eh kasi naman bakit may suot kang scarf ngayon? Ganun ba kalamig sa Pilipinas ha? Eh summer nga ngayon sa atin. Pauso ka din Ter eh. Haha!" Bakit nga ba kasi ako nakascarf ngayon? Ah kasi nga pala kagagawan nung walang hiyang Sidmaund na yun. Taragis naalala ko nanaman.

---

"Ay teka, Al. May nakalimutan pala ako" Nagulat naman ako kay Kuya Claudric dahil bigla siyang bumalik papunta sa akin. Ano naman kaya ang nakalimutan niya? Parang wala naman siyang pinahawak sa akin eh at tsaka hawak ko naman na yung bag ko na dala-dala niya kanina.

Nagulat naman ako dahil bigla niyang hinawi ang buhok kong nakaharang sa may bandang leeg ko at sinuri itong mabuti.

"Uhm...m-may dam-mit ka b-bang may t-turtle n-neck?" Pautal-utal na sabi ni Kuya Claudric na may kasama pang pagkamot sa batok. Halatang nahihiya siya ngayon dahil namumula na rin ang mukha niya. Teka, heto nanaman siya eh. Bigla na lang nahihiya sa harap ko.

"Bakit mo natanong, Kuya? Manghihiram ka ba?" Natawa naman ako sa huling sinabi ko pero patuloy lang siyang napakamot sa batok niya at hindi na siya makatingin ng diretso sa akin. 'Hala ang cute niyang tingnan' umandar nanaman utak ko lintek na yan.

"Uhm...ano...para sana ano" Hindi niya matuloy-tuloy yung sinasabi niya. Lalo namang namula yung mukha niya ngayon. Kahit kasi madilim ay nakikita ko ang mukha niya dahil sa ilaw sa labas ng bahay namin.

"Para saan, Kuya?" Hinawakan ko na yung kamay niya dahil hindi na siya mapakali ngayon. Medyo kumalma naman siya ngunit mahahalata mo pa ring kinakabahan siya.

"P-para sana m-matakpan yan" Tinuro naman niya yung kaliwang parte sa leeg ko. Noong una ay hindi ko magets kung ano nga bang meron at kailangan kong takpan iyon ngunit nang maalala ko yung ginawa ni Sidmaund kanina ay nanlaki ang mata. Walang hiyang Sidmaund. Napakag*go niya.

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon