DA - 012

20 0 0
                                    

Kasalukuyan naman akong tumatakbo ngayon dahil kaunting minuto na lang ay malelate na ako sa klase. Taragis napakamalas ko naman.

Noong na sa gate na ako ng EC ay may biglang humawak sa kamay ko.

"Baaaabe! Potek ang bilis bilis mong tumakbo taragis. Buti nahabol pa kita" Si Gideon pala iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya akong "babe". The cringe is real mga bessy.

"Palitan mo nga yung babe. Taragis. Overrated masyado bui" Oo, pumayag akong maging kami pero wala naman sa isip ko na magkaroon pa kami ng tawagan. Pwede naman sigurong parang magtropa lang ang turing namin sa isa't isa diba?

"Ano palang gusto mo? Love? Hehehehe" Napapikit na lang ako dahil sa suhestiyon niya. Masyadong sineseryoso kung anong meron sa amin. Nakakainis.

"Nako tara na nga at malelate na tayo. Taragis ka" Tumawa lang ang loko at inayos niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko sabay hila sa akin papasok ng EC.

"Required ba talagang magkahawak kamay tayo?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko ang kamay naming magkahawak. Siguro kung noon pa nangyari ito baka kinikilig na ako ng sobra. Kaso hindi eh. Wala nang feels ngayon sa totoo lang pero susubukan ko pa rin. Baka kasi kami pala talaga.

"Bakit? Tayo naman eh so wala namang masama doon" Tumingala naman ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin. Ngumiti na lang din ako saka diretsong tumingin sa nilalakaran namin. Oo, pareho kaming nagmamadali pero naglalakad lang kami. Wala lang feel lang siguro namin maglakad kaya ganun?

Pagkapasok namin ay nakita ko naman sina Ayesha at Avery. Grabe naman kung makangiti ang dalawang ito. Parang walang bukas eh.

"Oy mapunit yang mukha niyo. Kalma lang" Lalo namang napakangiti ang dalawa at kinatiyawan pa kami. Taragis nakakahiya ay.

"Sorry naman bes hehehe kinikilig lang kami. May jowa ka na eh yieeee" Sana hindi ko malimutang hampasin ng laptop si Ayesha mamaya sa room.

"Hehehe sana all may kaholding hands habang papasok ng school" Natawa lang ako sa sinabi ni Avery. Kung alam lang niya ang totoo ay baka magalit pa siya sa akin dahil sa ginagawa ko kay Gideon ngayon.

"Ay naku tara na nga at malelate na tayo" Niyaya ko na sila papunta sa room namin dahil malelate na talaga kami. Realtalk. 5 minutes na lang magsisimula na klase namin.

Sumakay na kami ng elevator para mas mabilis kaming makarating sa room namin na nasa ikaapat na palapag. Pagkadating namin doon ay binitawan ko na ang kamay ni Gideon pero bigla niyang hinawakan ulit.

"Uy, papasok na kami sa room namin" Nakita ko namang parang nalungkot siya ng kaunti. Grabe para namang magkakalayo kami ng sobra? Medyo oa itong lokong ito ah.

"Pwede bang um-absent na lang tayo? Mababaliw ata ako kung magkakahiwalay tayo" May halong paawa effect pa ngayon si Gideon. Jusmiyo marimar! Ano bang nakain nito at nagkakaganyan siya ha? Pastilan.

Kinantiyawan nanaman kami nina Ayesha at Avery. Hay buhay parang mali ata na pinasok ko itong bagay na ito ah? Sana matapos na midyear.

"Oy Gideon, clingy masyado ha? Tama na yan at malelate na tayo naku. Magkikita din naman kayo mamayang uwian eh" May point si Madam Ayesha. Magkikita naman talaga kami mamayang uwian kasi same lang naman schedule namin. OA lang talaga itong lalaking ito.

"Sige. Bye love! Wag kang maghahanap ng iba ah? Dapat ako lang. I love you!" Tumango tango lang ako habang hinihila ang kamay ko para makapasok na kaming lahat. Taragis eh.

"Kita na lang tayo mamaya. Byeee!" Sa wakas ay nakawala din ako. Lumapit naman na ako kanila Ayesha at sabay-sabay na kaming pumunta sa room namin.

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon