Isang buwan na rin ang nakalipas noong magsimula ang midyear term namin. Ngayon ay naghahanda na kami para sa final presentation ng aming mga proyekto sa IoT.
Kinakabahan ako sa presentation namin pero mas kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari pagkatapos ng midyear.
"Al, ikaw bahala magexplain bukas ha? Hahahaha taragis kasi nahiya akong magsalita sa harap eh" Pinaalala ni Kuya Claudric sa akin na ako ang magpapaliwanag sa project namin at siya na ang bahala sa demonstration. Ayos lang naman sa akin kasi professor lang naman namin ang kaharap eh. Walang problema iyon.
"Sure, Kuya Claud. No problem"
Inaayos lang namin ni Kuya Claudric iyong mga kailangan para bukas. Dito na kami gumawa sa bahay nila kasi gusto daw ni Clarkia na tumambay ako dito. Ewan pero naging close na ako sa kapatid niya pati kay Tita Penelope. Simula kasi noong nangyari kay Kuya Claudric last month eh lagi na akong pumupunta sa kanila kaya nakilala ko na din iyong mga kasama niya dito. Kahit nga madaling araw ay pumupunta pa ako sa kanila para lang malaman kong ayos lang talaga si Kuya Claudric eh. Noong nalaman naman ni Tita Penelope iyong pagpunta ko ng ganoong oras ay nagulat siya noong una pero hinayaan na lang din niya noong tumagal. Wala naman daw kaming ginagawang masama kaya ayos lang sa kanya.
"Ay nga pala Kuya Claud, may naalala ako bigla" Naalala ko lang bigla si Sid. Kasi minsan niyang nasabi sa akin na kilala niya iyong nagmamay-ari ng account na Simple Astro eh, si Sid. Kilalang kilala daw niya tapos nasabi din si Sid na magkapatid daw sila.
"Ano 'yon, Al?" Pagtatanong niya.
"May iba ka pa bang kapatid bukod kay Clarkia?" Bigla naman siyang napatulala ng ilang segundo bago nakasagot.
"Ah wala. Bakit?"
"Kasi iyong nagchachat sa akin na si Sid sabi niya magkapatid daw kayo eh" Napatango lang siya ng dahan-dahan habang nakahawak sa baba niya.
"Pinagtitripan ka lang siguro niyan hahaha" Napansin ko naman na parang hindi siya mapakali. Bakit naman kaya?
"Sinabi mo din dati na kilalang-kilala mo si Sid" This time, nanliit ang mga mata ni Kuya Claud at parang inaalala niya kung kailan niya sinabi iyon. "Gusto ko lang naman kasi siyang makilala. Curious ako eh"
"Ah tapusin na natin itong project natin? Para makauwi ka na din hehehe" Eh? Bakit naman bigla niyang iniba iyong usapan? Hayaan ko na nga lang.
Ngumiti na lamang ako sabay tango kay Kuya Claudric saka kami nagpatuloy sa project namin. Bahala na kung sino iyong Sid na yun tutal hindi na rin naman na kami nagkakachat. Nawalan na ako ng pake sa kanya kasi mas pinagtutuunan ko ng pansin ngayon si Kuya Claudric. Mamaya kasi bigla na lang siyang may gawing kung ano eh.
"Gideon Claymore sent you a message."
Pagkakita ko ng pangalan niya sa notification ay napabuntong hininga na lang ako saka binuksan iyong message.
GIDae: Baaaabe~
GIDae: Free ka ba today?
"Uy Al, ayos ka lang ba?" Tiningnan ko naman si Kuya Claudric at napatango. Ngumiti naman siya at nagpatuloy na sa ginagawa niya.
TERapist: Busy ako, Gid
TERapist: Kasama ko si Kuya Claud
TERapist: Tinatapos namin IoT
Medyo matagal bago siya nakapagreply ulit.
GIDae: Ah si Kuya Claud
GIDae: Hehe
BINABASA MO ANG
Dealing with an Astronaut
Teen Fiction"An astronaut is a person who travels in a spacecraft into outer space." 'Yan ang alam niya tungkol sa astronaut. Ngunit, sa pambihirang pagkakataon, nagbago ang pananaw niya ng makasalamuha siya ng isang astronaut na hindi lumilipad patungong kalaw...