"Hi, Alterria! Ako ito, si Sid" Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil nakakaramdam pa rin ako ng kaunting pagkahilo. Hindi ko maalala kung ano nga ba ang nangyari sa akin kani-kanina lang.
Nagpalingon-lingon ako sa paligid at inalam kung nasaan ako ngayon. Bigla namang natigil sa kinaroroonan ng taong nakaupo sa driver's seat ang aking paningin.
"We're here inside my car. Bigla kang nahimatay kasi kanina kaya naisip kong isakay ka muna dito hanggang sa magising ka" Nakangiting tugon ng taong nagpakilalang si Sid. Teka, siya ba talaga ito?
"Ikaw si Sid?" Nanlaki bigla ang mata ko dahil sa pagkamangha. Ngayon lang kasi nagsink in sa akin ang sinabi niya kanina kaya hindi ako nakapagreact kaagad.
"Sidmaund is my real name. But everyone calls me Sid. I'm sorry kung hindi agad ako nagpakilala sa iyo" Bakit parang hindi ako kumbinsidong si Sid nga ito? May mali talaga eh. Natatakot na rin ako ngayon sa hindi ko malamang kadahilanan.
Napaiwas ako ng tingin kay Sidmaund at tumingin na lang sa harap dahil nakicreepyhan na talaga ako sa lalaking ito. Hindi ba dapat ay masaya ako dahil nakilala ko na kung sino si Sid? Dapat nga ay babatukan ko na siya ngayon kaso hindi ko magawa iyon. Nakakatakot ang kanyang prisensiya sa totoo lang.
Naramdaman ko namang lumapit si Sidmaund sa akin at unti-unting nilalagay ang kanyang kamay sa aking batok. Agad naman akong kinabahan sa susunod na maaaring mangyari kaya naman ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at buong tapang ko siyang tiningnan kahit pa natatakot pa rin ako.
"Hey, bakit ka lumalayo? Hindi ba sabi mo dati na once you get to know who I am, babatukan mo ako?" Mas lalong lumawak ang ngiti ni Sidmaund na naging dahilan ng paglakas lalo ng tibok ng puso ko. Napaatras pa ako ng kaunti hanggang sa maramdaman kong nakadikit na pala sa bintana ng kotse yung ulo ko. Sa pagkakataong ito ay nakakulong na ako sa mga kamay ni Sidmaund na nakalagay sa magkabilang gilid sa tapat ng ulo ko.
"Hinihintay ko ang pagbatok mo sa akin, Alterria" Lumapit pa siya lalo hanggang sa kaunti na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Binaba naman niya ang mga kamay niya at ngayon ay nakahawak na siya sa magkabilang balikat ko.
Dahil sa takot ay nanatili lang akong tulala at tila naestatwa na aking kinaroroonan. Hinihintay ko na lamang ang mga susunod na galaw ng taong nasa harapan ko.
Inilapit naman niya ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong.
"Akin ka lang, Alterria. Tandaan mo yan" May naramdaman naman akong malagkit na dumikit sa aking tenga. Sh*t.
Bigla akong natauhan sa ginawa ni Sidmaund kaya buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin at sinapak sa kanang pisngi. Halata sa mukha niya ngayon na nasaktan siya sa ginawa ko dahil napangiwi siya't napahawak dito.
Sinamantala ko naman ang pagkakataon na yun para makalabas sa kotse niya. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse ngunit napagtanto kong nakalock pala ito.
"Hindi ka makakatakas sa akin, Alterria. Huwag ka nang magtangka pa" Marahas niya akong hinawakan sa dalawang balikat ko at iniharap sa kanya sabay tulak sa akin. Tumama naman ang aking likod sa pintuan ng kotse at napapikit na lamang ako sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatama nito.
Hindi ako makawala sa hawak niya kahit anong gawin kong pagpupumiglas. Sadyang napakalakas ni Sidmaund at mahigpit ang hawak niya sa akin. Ramdam na ramdam kong inilapit niya ang kanyang labi sa aking leeg at hinalikan niya ito at dinidilaan pa. Napaluha na lang ako sa ginagawa niya ngayong karahasan sa akin.
Nararamdaman ko na unti-unti niyang ibinababa ang kanyang kamay papunta sa lalaylayan ng aking pang-itaas. Akmang itataas na sana niya ito ngunit napatigil siya dahil sa kalabog mula sa labas.

BINABASA MO ANG
Dealing with an Astronaut
Fiksi Remaja"An astronaut is a person who travels in a spacecraft into outer space." 'Yan ang alam niya tungkol sa astronaut. Ngunit, sa pambihirang pagkakataon, nagbago ang pananaw niya ng makasalamuha siya ng isang astronaut na hindi lumilipad patungong kalaw...